Chapter 2

1772 Words
Paglabas namin ng bahay ni Andro ay nagulat ako, dahil ang ganda ng lugar kung nasaan kami. Kita ko ang dagat na may kulay puting buhangin. Ang lakas ng hangin at sariwa rin, sa hindi kalayuan sa bahay ni Andro ay may mga ilang bahay rin, at halos lahat ay gawa sa semento, parang bahay lang ni Andro ang gawa sa bamboo, pero kahit ganoon ang bahay niya ay maganda ito, modern din ang design noon. Hindi iyon nagpapatalo sa mga kapitbahay niya. "Andro, sino iyang kasama mo?" Tanong nang madaanan namin ang mga grupo ng lalaki na nag-aayos ng lambat nila. "Wala," sagot lang nito habang nakangiti. "Girlfriend mo? Ganda, a, mas maganda pa kay Betty!" Sigaw naman ng isa pang lalaki bago tumawa. Tipid na ngumiti lang naman si Andro. Inalalayan niya ako papunta kung nasaan ang maliit na health center nila. May mga ilang tao na roon ang nakapila, at iyong dating namin ay sakto na dumating na rin iyong doctora raw. Matiyaga lang kaming naghintay hanggang sa kami na ang tawagin. "Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin noong doctor na mukhang nasa mga thirties na. "H-hindi ko po alam," sagot ko naman. "Wala kang naalala sa nangyari sa iyo?" Tanong niya sa akin, umiling naman ako sa kaniya. "Nakita ko po siya kagabi roon sa sumabog na yate sa may kalayuan dito, mangingisda lang sana ako pero siya iyong nakita ko," sagot naman ni Andro. Napatango naman ang doctora. Nagtanong pa ito sa akin ng kung anu-ano. Iyong mga kaya kong sagutin ay sinasagot ko pero karamihan sa mga tanong niya ay hindi ko na sagot dahil wala talaga akong maalala. Nang sinabi ng doctora ang findings na may amnesia raw ako ay hindi na rin ako nagulat, dahil iyon talaga ang tingin ko simula ng isipin ko kung sino ba talaga ako. "Hangga't hindi bumabalik ang aalala mo, pwede ka naman manatili sa bahay ko," sabi sa akin ni Andro habang naglalakad kami pabalik sa bahay niya. "Salamat," sagot ko naman sa kaniya. "Huwag mo pilitin ang sarili mo, babalik naman daw iyang alaala mo, kaya hayaan mo na lang para hindi sumakit ang ulo mo," bilin niya sa akin. Tipid na ngumiti naman ako sa kaniya. "Kuya Andro! Kuya Andro!" Napatingin kami ni Andro sa tatlong batang tumakbo papunta sa amin habang tinatawag si Andro habang naglalakad kami pauwi. "Bakit?" Sagot ni Andro nang makalapit ang tatlong bata. Nakatingin sila sa akin na parang kinikilala ako. "Sino siya?" Tanong noong bata na pinakamaliit, siguro ay nasa limang taon lang siya. "Kaibigan ko," sagot naman ni Andro. "Jowa or kaibigan?" Tanong naman noong bata na nasa gitna iyong pangalawang matangkad. Siguro ay nasa pitong taon na ito. "Kaibigan lang," nakatatawang sagot ni Andro. "Ay, Sayang! Akala pa naman namin jowa mo, mas maganda pa siya kay Betty!" Nanghihinayang na sabi naman noong batang pinakamatangkad. Tingin ko ay nasa walong taon naman ito. "Kayo talaga," sagot lang ni Andro sa kanila. Nakita ko na maganda ang ngiti ni Andro sa mga bata. "Kuya Ands! Ay may magandang bebe si Kuya," sabi naman noong lalaki na nakasuot ng kulay blue na polo shirt at maong shorts. Nakasapatos ito at may mataas na medyas. May dala rin itong isang bilao na may laman ng hindi ko alam na gulay. "Hello," bati ko sa kanila. "Ay jowabells mo, Kuya?" Tanong nito kay Andro. "Hindi, kaibigan ko lang na tinutulungan ko, sa akin muna siya tutuloy," sabi niya. "Ay girl, ang ganda mo," sabi nito sa akin na parang tuwang-tuwa sa akin. "Thank you," sagot ko sa kaniya. Napatingin naman ako sa baba nang may humihila sa dulo ng damit ko. "Yes?" Tanong ko sa kaniya habang nakangiti ako sa batang pinakamaliit. "Ano pangalan mo?" Tanong niya sa akin. "Hmm... I don't know," sagot ko. Napakamot naman siya sa ulo bago lumapit doon sa mga bata na kasama niya. "I don't know raw pangalan niya, may ganoong pangalan pala," bulong nito. Natawa naman ako sa kaniya. "Iyong mga bagets nag-harvest ng petchay na tanim namin, bibigay raw namin sa iyo, Kuya," sagot naman noong lalaki na sa tingin ko ay hindi talaga lalaki dahil sa mga galaw niya. "Tara na muna sa bahay," sabi ni Andro. Nauna naman maglakad iyong mga bata habang nakasunod sa kanila si Andro. Iyong lalaki naman ay lumapit sa akin. "Hello, girl, ako pala si Robi," sabi niya sa akin. "Hello," sagot ko sa kaniya. "Hindi mo alam pangalan mo? Paano nangyari? Pasensya ka na pala sa mga kapatid ko, ha," paumanhin niya sa akin. "Okay lang cute nga sila," sagot ko sa kaniya. "And, about my name, I really don't know talaga." "Conyo ka, girl?" Tanong niya sa akin. Napakunot naman ako ng noo sa kaniya. "Char lang! Bakit hindi mo alam?" "Sabi nang doctor may amnesia raw ako," sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman na nagulat siya. "Ay, ano nangyari?" Tanong niya pa. "I don't know?" Sagot ko naman. "Roberto!" Sigaw ni Andro na malayo na sa amin. "Robi kasi! Robi! Nakaka-inis naman si Kuya Ands!" Reklamo nito bago ako hilahin papunta kila Andro. Natawa naman ako sa kaniya. Nang nasa bahay na kami nila Andro ay nilapag ni Robi ang dala niyang bilao sa lamesa bago ito magpaalam na aalis na raw may trabaho raw kasi siya sa malapit na resort lang dito. Si Andro naman ay lumabas dahil aayusin niya raw ang bangka niya. "Hello, Ate I don't know," sabi noong batang pinakamaliit. "Hello, cutie," sabi ko sa kaniya bago ko kurutin ang pisngi niya. Matabang bata kasi siya tapos iyong pisngi niya ang taba-taba rin. Nasa kusina kami at naka-upo kami sa lamesa nasa tabi ko ang pinakamaliit na bata habang nasa harapan ko naman iyong dalawang bata. "Lily po pangalan ko hindi cutie," sabi niya sa akin. "Oh, sorry," sagot ko naman. "I don't know po ba talaga pangalan mo?" Tanong naman noong isang bata. "No, what I mean is I don't know what's my name," sagot ko. Nagkatitigan naman siyang tatlo bago napakamot sa ulo nila. "Ate, pwede magtagalog ka hindi kita maintindihan, e, five lang ako, five, kinder pa lang po ako color-color lang alam ko," sagot sa akin ni Lily habang pinapakita ang limang daliri niya. Natawa naman ako sa kaniya. "Oh, sorry," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Hindi ko kasi alam ang pangalan ko." "Wala kang pangalan? Paano iyon?" Tanong sa akin ni Lily. "Bigyan ninyo na lang ako ng pangalan," sabi ko sa kanila. "Sige!" Sigaw nilang tatlo. "Ano kaya magandang pangalan?" Tanong noong batang pinakamatanda. "By the way, what is this?" Tanong ko habang nakaturo sa bilao na dala ni Robi kanina. "Ano raw? Naintindihan ninyo ba? 'Di ba, grade 2 ka na Ate Rose naintindihan mo ba siya?" Narinig ko na tanong ni Lily sa kapatid niya na pinakamatanda. "Hindi ko naintindihan, naintindihan ko lang iyong yes at no, tsaka iyong sorry at thank you," narinig ko na sagot naman ni Rose. "Ikaw Ate Daisy? Naintidihan mo ba siya? Grade 1 ka na, 'di ba, dapat naintindihan ninyo siya," sabi ni Lily habang napapakamot sa ulo niya. Natatawa naman ako sa kanila. "Hindi ko nga naintindihan, natutulog lang ako sa school," sagot naman ni Daisy. "Ano ba iyan, wala rin akong maintindihan, kinder pa lang ako, e, tapos saling pusa lang ako," naiinis na sabi ni Lily. Natawa naman ako sa kaniya. "Sabi ko, ano ito?" Napatingin naman silang tatlo sa akin. "Ate, pechay iyan hindi mo alam?" Sagot ni Rose sa akin. Umiling naman ako. "Kawawa ka naman," sabi naman ni Daisy. "Ate Pechay magtagalog ka na lang, ha," parang nakikiusap na sabi ni Lily. "Ate Petchay?" Tanong ko sa kaniya. "Oo, ikaw na lang si Ate Petchay, 'di ba?" Tanong niya sa mga kapatid niya. Nagtanguan naman silang dalawa. "Okay," sagot ko sa kanila. "Ate Petchay, bakit ngayon ka lang namin nakita? Saan ka galing?" Tanong sa akin ni Daisy. "I don't know," sagot ko sa kanila. "Ate Petchay naman, e, hindi ka namin maintindihan," na-i-inis na sabi ni Lily sa akin habang napapakamot sa ulo niya. Natawa naman ako sa kaniya. "Sorry, ibig kong sabihin hindi ko alam, wala akong maalala," sagot ko sa kanila. "Hala, bakit? Tapos na-ano iyong noo mo, Ate? Bakit may benda?" Sunod-sunod na tanong ni Lily sa akin. "Na-aksidente ako," sagot ko naman sa kaniya. "Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong naman niya sa akin. Nginitian ko naman siya. "Okay na ako," sagot ko bago ko kurutin ang pisngi niya. "Ate, bakit hindi ka jowa ni Kuya Andro?" Tanong naman ni Rose sa akin. "Kasi, hindi?" Patanong na sagot ko sa kaniya. "Ate, dapat ikaw na lang jowa niya para hindi na siya kulitin ni Betty, mas maganda ka roon," sabi naman ni Daisy. "Sino ba si Betty?" Tanong ko kahit na alam ko na siya iyong babae na pumunta rito sa bahay ni Andro. "Bunso siyang anak noong may-ari ng resort dito, ang sungit noon, kinurot ako noon noong aksidente ko siyang natapunan ng tubig," nakangusong sabi ni Lily, napakunot noo naman ako sa sinabi niya na kinurot siya ni Betty. Kapag iyon nakita ko kukurutin ko rin siya. "Lagi ba siyang pumupunta rito?" Tanong ko. "Oo, Ate, may gusto kasi siya kay Kuya Andro, ayaw naman sa kaniya ni Kuya," sabi ni Rose. Napangiti naman ako sa kaniya. "Anong pinag-uusapan ninyo?" Tanong ni Andro nang pumasok siya sa loob ng bahay. Pawisan siya at basa na ang damit niya kaya naman hinubad niya iyon, napatingin naman ako sa katawan niya at halos mapanganga ako dahil sa ganda ng katawan niya. Mayroon pa siyang six pack na abs. "Si Ate Petchay, crush ka, Kuya," sabi ni Lily. Napatingin naman ako sa kaniya. "Ha?" Tanong ko. "Nakanganga ka kay Kuya," sagot naman ni Daisy. "Sino si Ate Petchay?" Kunot noo na tanong ni Andro habang naglalakad papalapit sa amin. Napakurap-kurap naman ako sa kaniya. Dumeretso siya sa refrigerator niya at kumuha ang tubig bago uminom. "Siya, Kuya, wala kasi siyang pangalan kaya binigyan namin," sagot ni Lily habang nakaturo sa akin. Natawa naman si Andro sa amin. "Ang ganda ng pangalan, a," nakangiti niyang sabi habang may hawak siyang isang basong tubig. "Oo, Kuya, maganda rin kasi siya tapos crush ka niya, kaya bagay kayo," dere-deretso na sabi ni Lily. Nanglalaki naman ang mata ko na napatingin kay Lily. Tapos humarap ako kay Andro. "Hala, wala akong sinasabing ganoon," sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya sa akin bago niya ilapag ang baso na hawak niya sa lababo at lumabas ulit ng bahay. Okay, siguro nga crush ko talaga siya pero slight pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD