Dumaan ang ilang araw ay naging abala ako sa pag-surprise ko sa birthday ni Andro. Pinaghandaan ko talaga ito, hindi ko pa nasasabi sa kaniya na alam ko na kung sino talaga ako, plano ko sabihin sa kaniya after sana nang birthday niya. After manlang noong ay makasama ko pa siya bago ako bumalik sa pamilya ko. May ilang mga memory na ang bumalik sa isipan ko pero hindi ko masasabi na lahat nang alaala ay bumalik na. Binuhos ko muna ang atensyon ko sa pag-surprise ko sa kaniya. At itong araw na ito ang araw na iyon. Maaga pa lang ay gising na ako. Iyong catering na nakausap ko ay tinawagan ko agad at sinabihan ko na bilisan nila at siguraduhin na maayos iyong work nila. Tulog pa si Andro ngayon dahil alas sais na nang umaga siya nakauwi kanina. Kaya habang tulog siya ay nag-prepare na ka

