"Girl! Alam mo ba si Crisler Canaleja at iyong asawa niya nag-check in ulit sa resort! Nakita ko siya kanina kasama asawa niya," sabi sa akin ni Robi nang makauwi na siya galing sa work. "Ha? Bumalik siya? Why naman wrong timing," sabi ko. Gusto ko pa naman siyang makausap pero bakit parang hindi kami pinagtatagpo nang destiny. Napanguso naman ako. "Bigla nang nag-check in sila sabi nila mga one week daw sila roon, honeymoon yata nila," sagot sa akin ni Robi. "Maybe." It's good na bumalik siya sa resort after three days noong nag-shoot sila roon. Siguro na gustuhan niya tapos dinala niya iyong wife niya, sana pati iyong anak niya dinala niya na lang din. "Iyong baby niya kasama ba?" Tanong ko. "Hindi nga e, sila lang mag-asawa, tapos iyong asawa niya dating pulis iyon kung ting

