LIAM MYLES POV Mabilis lumipas ang araw at dalawang buwan ng buntis si Jane. Ngayon ay Sabado at wala ang kapatid ko dito kaya kami nalang ni Jane ang naiwan sa bahay. Napagdesisyonan namin na mag movie marathon nalang at sulitin ang mga oras na hindi ako busy. Ngunit sa kalagitanaan ng panunuod ay nakatulog itong asawa ko. Nakasandal lang sya sa aking balikat kaya hinayaan ko nalang muna. Pagkatapos ng palabas ay napagdesisyonan kong iakyat sya sa kwarto para makapag pahinga sya ng maayos. Habang walang ginagawa ay napagpasiyahan kong lumabas para bumili ng hilaw na mangga para kay Jane. Sigurado kasing maghahanap ito mamaya pagkagising nya. Dahan dahan lang ang mga galaw ko para di ko sya maisturbo. Agad akong bumaba at kinuha ang susi ng sasakyan. Ngunit pagbukas ko ng pinto a

