LIAM MYLES POV Nandito kami ngayong lahat sa Cafeteria at kasalukuyang naglalunch, nasa tago kaming parte ng Cafeteria kaya walang masyadong tao. Napagdesisyonan namin ni Jane na sabihin sa kanila ang balita ngayon pero parang ako nalang yata ang magsasabi sa kanila dahil busy tong asawa kong kumain. Sinabi din pala nya sa akin na alam na rin ni Anne dahil sya ang sumama sa kanyang magpacheck up. "Guysss.." saad ko para tawagin ang attention nila busy rin kasi sila sa paglantak ng mga binili nila. "May gusto sana akong sabihin sa inyo" pagpapatuloy ko. "Ano yun kuya?" Tanong ni Sienna. "Mukhang seryoso yan ah.." Dagdag naman ni Bry. Tahimik lang si Anne at Jace na naghihintay sa sasabihin ko, habang ang asawa ko ay yun ayaw mag paistorbo kaya hinawakan ko ang kamay nito at ngumi

