LIAM MYLES POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may kakaiba kay Jane. Pagtingin ko ay para itong nanaginip. Umiiyak kasi ito at nanginginig, may sinasabi rin sya na di ko maintindihan.
"Jane" paggising ko sa kanya pero hindi ko pa rin sya magising. Niyuyogyog ko ito pero wala pa rin.
"Heyy.. Jane wake up!" tinapik-tapik ko na rin ang pisngi nito. Nag-aalala na ako kasi todo pa rin ang iyak nya.
Patuloy pa rin ako sa pagtapik sa kanya at nakahinga ako ng maluwag nung nagising na ito at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin ng sobrang higpit.
"Please don't leave me" paghagulgul nito.
"I'm here, I'm here" pag-alo ako.
"They're trying to take you away from me.. Please don't leave me"
"Jane, Jane, nandito lang ako, hindi kita iiwan" pagpapatahan ko sa kanya.
"It's just a dream, a nightmare, I won't leave you" inalis ko ang pagkakayakap nya sa akin para punasan ang mukha nitong basang-basa dahil sa kakaiyak.
"I'm here..ok.. Stop crying already" paghagod ko sa likod nito buti nalang at kumalma na ito.
Aalis sana ako para kuhanan ito ng tubig ng bigla nya akong pigilan.
"Where are you going?" Saad nitong may takot sa boses.
"Kukuhanan lang kita tubig"
"No.. don't leave.. just stay here beside me " pagmamakaawa nya kaya wala akong nagawa at humiga na sa tabi nito. Nagsumiksik pa sya sa akin kaya niyakap ko na lang ito.
"I love you Liam, Please don't ever leave me" saad nya.
Hinaplos haplos ko nalang ang buhok nito at ilang sandali lang ay nakatulog na rin ito..
Ano ba napanaginipan nya at ganito sya katakot..
** *** **
Dumating ang araw ng Sabado at nagpunta kami ngayon sa isa sa malapit na Arcade. Agad humiwalay sila Sienna at Aria sa amin, excited na kasing maglaro.
Nandito lang si Jane sa tabi ko at ayaw pakawalan ang kamay ko. Simula kasi nang managinip sya ng masama ay palagi na syang nakadikit sa akin.
Ayaw kasi nyang ikwento yung bangungot nya, inintindi ko nalang, baka ganoon kasama ang panaginip nya.
Nagsimula na rin kaming maglaro ni Jane inuna namin maglaro ng Video games. Pagkatapos ay pumunta kami dun sa shooting..
Halos itry nga namin lahat ng mga laro dun buti nalang at marami kaming tokens. Nung mapagod ay umupo muna kami sa tabi pagtingin ko sa oras ay malapit na palang mag 12. Kaya hinanap na namin yung dalawa.
Nakita namin sila dun sa Dance Machine at agad ko silang sinenyasan na lumapit sa amin. "Nag-enjoy ba kayo?" tanong ko, pagkalapit nila sa amin
"Opo kuya.. " medyo hinihingal pa nyang sabi kaya agad ko syang binigyan ng tubig na binili namin kanina.
"Buti naman. Tara kumain muna tayo bago umuwi" saad ko at agad naman silang sumunod.
"Nga pala kuya muntik ko nang makalimutan, makikisleep over ulit ako kila Aria may project pala kaming kailangan taposin" pagpapaalam nito.
"Ganoon ba.. cge basta wag mo kakalimutan inumin ang gamot mo ha" paalala ko sa kanya at tumango naman ito.
Pumunta kami sa isang fast food chain, dun kasi gustong kumain ni Jane at pati na rin yung dalawa.
Pagkatapos namin kumain ay agad namang nagpaalam si Aria kasi hinahanap daw ito sa kanila. Hindi pala nagpaalam sa mga magulang nito, wala daw kasi sila nung umalis ito.
"Sunduin nalang kita mamaya Sienna, may ipinapasundo kasi si Mommy, Cge po mauuna na po ako" paalam nya.
Bago kami umuwi ay nagyaya naman si Jane na magshopping muna nang mabilhan nya daw ng bagong gamit ang kapatid ko at tuwang-tuwa naman yung isa.
Gusto ko sanang tumanggi kasi siguradong pagod na ito pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ng kapatid ko.
"Please kuya" pagpapacute pa nya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila pero bago yun ay ibinigay ko sa isang batang nadaanan namin ang natitirang tokens na hawak ko.
Pumunta kami sa isang mall na pag aari pala nila Jane kaya ayon todo kuha sila sa matipuhan nila at ito ako ngayon tagabitbit ng pinamili nila.
"Love.. try this shirts and also this" sabi nya sabay bigay sa mga damit na napili nya.
"Jane wag na.. marami pa naman akong damit eh" pagpapaliwanag ko pero sadya itong makulit kaya heto wala na naman akong nagawa at sinukat ang mga damit na binigay nya sakin.. haysss...
"You look so cute wearing those, ok we'll get it" saad nya kahit naman umayaw ako eh ipagpipilitan nya pa rin kaya hindi na ako nagreklamo.
Pagkatapos nilang halos pasukin yung lahat ng mga shops sa ay sa wakas napagdesisyonan na nilang umuwi pero biglang naiihi si Sienna kaya sinamahan sya ni Jane. Habang naghihintay ay chineck ko ang phone ko.
Pagtingin ko ay nagtaka ako kung bakit ang daming missed call ni Jace at Anne kaya agad ko silang tinawagan pabalik buti at sinagot nila agad.
"Hello Jace, bakit kayo napatawag may problema ba?"tanong ko, sa dami ba namang missed calls eh medyo kinabahan ako.
"Liam bumalik na sya, nakita namin sya kanina ni Anne at hinahanap ka nya" bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko nang sabihin nya yun..
"Bro sino?" Kinakabahan kong tanong, may idea na ako kong sino pero gusto kong marinig mismo sa kanya, Ayokong mag-assume.
"Si Thea bro" at para akong nabingi sa sinabi nyang yon. Si Thea ang ex ko na nang-iwan sa akin.
Sasagot na sana ako pero napatigil ako nang may makita akong pamilyar na babae na papasok sa entrance ng mall at mas lalo akong nagulantang ng mapatingin ito sa gawi ko at kita rin ang gulat sa mukha nito.
Ganoon na ba kaliit ang mundo. Hindi ko inaasahan na makikita ko sya ulit. Hindi ko manlang ito napaghandaan.
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ko pa sya nakita, bakit sa dinami dami ng araw at oras bakit ngayon pa, bakit sa dinami dami ng lugar bakit dito pa?
"Hello Liam, andyan ka pa ba.. Bro!" pagtawag ni Jace sa kabilang linya pero hindi ko na ito sinagot at agad pinatay ang tawag.
Lumapit sa akin ang babae habang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Liam" sambit ng babae ng makalapit ito sa akin.
"Thea" wala sa katinuan kong tawag sa pangalan nito.
"Liam is that really you?" saad nya pagkalapit sa akin, walang ano-ano'y niyakap ako nito.
Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong maramdaman. Para akong sinemento sa kinatatayuan ko at di ko manlang maigalaw ang katawan ko.
Lumayo sya sa akin ng kaunti at hinaplos ang mukha ko "Liam, I miss you!"
"An- a..nong I miss you. Teka lang wag mo ako yakapin.. Anong ginagawa mo dito!" nauutal kong tanong at galit na tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa mukha ko, buti at nahanap ko rin ang boses ko.
"Liam, I came back.. I came back for you!" saad nitong na nakangiti na parang okay ang lahat sa aming dalawa.
Bumalik? Gusto ko tuloy tumawa sa sinabi nyang yun.
Bumalik sya para sa akin, bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa na nagsisimula na akong kalimutan sya. Bakit ngayon pa na may asawa na ako.
Bakit ngayon lang sya bumalik!
"Bumalik?.. para saan pa?"
"For you.. for Us!" nagpintig ang tenga ko ng marinig yon. So ganoon na lang yun. Pagkatapos nyang umalis ng walang pasabi, babalik sya na parang di nya ako iniwan sa ere. Ni wala manlang sorry?
Balikan agad?!
"Us.!?" Natatawa kong sabi..
"Anong us Thea !? sa pagkakaalam ko kasi wala nang tayo ng bigla mo nalang akong iwan!" mapakla kong sabi.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito pero wala akong pakialam.
Ang sakit lang kasi isipin na aalis sya ng walang paalam tapos babalik sya na parang walang nangyari.
"Liam patawarin mo ako.. hindi ko gustong iwan ka " sabi nya at muling hinawakan ang mukha ko.
"Love!"
"Kuya?" nang marinig ko yung boses ng asawa't kapatid ko ay agad kong tinabig ang kamay nito at lumayo sa kanya.
"Kuya sino yang kaus-.." hindi na natuloy ni Sienna ang kanyang sasabihin nang makita nya kung sino ito.
"Ate.. Thea?" narinig kong bigkas nito nang makalapit na sila sa akin.
Kilala ni Sienna si Thea alam din nya kung anong namagitan sa amin.
Nung tignan ko si Jane ay walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa akin kaya agad kong kinuha ang mga pinamili nila para umalis.
Nag aalala ako kung anong iniisip nya at hindi ko rin alam kong paano ko sasabihin sa kanya kung sino si Thea baka kung ano kasi isipin nya.
"Jane, Sienna, tara na.." sabi ko at hinila si Jane dahil parang wala itong balak na umalis.
"Liam wait!" tawag pa rin ni Thea..
"Tama na.. aalis na kami!" malamig kong saad.
"Liam, I will not give up on you!" huli nyang sabi pero hindi ko na sya pinansin.
Agad kong nilagay sa likod ang mga buhat ko at pumasok na sa Driver seat.
"Liam who's that?" Tanong ni Jane pagkasakay ko.
"Jane, let's talk about this later" sagot ko dito baka isa na naman kasi sa pag awayan namin, nagdadrive pa naman ako tapos nandito pa ang kapatid ko.
Tinignan ko si Sienna sa rear view mirror senyales na huwag syang magsasalita tungkol sa amin ni Thea at mukhang nakuha naman nya ito.
Gusto ko sanang ako mismo ang magsabi kay Jane dahil baka magwala ito kapag nalaman nyang Ex ko yung kausap ko kanina.
Walang nagsasalita sa amin nung pauwi na kami. Hindi na rin pa nagtanong si Jane at tahimik lang itong nakatingin sa labas.