LIAM MYLES POV Nung umalis si Jane ay saktong may tumawag sa akin pagtingin ko sa cellphone ay si Sienna pala. Ipinaalam na bukas pa pala ito uuwi so ito ako ngayon nag-iisa. Agad ko namang tinawagan si Jace nung maalala kong pinatayan ko pala sya ng telepono kahapon. "Hello Bro" sagot nya sa kabilang linya "Si Liam ba yan?" boses ni Anne ang narinig ko, magkasama pala silang dalawa. "Sorry.. naka isturbo ba ako?" tanong ko. "Hindi.. nanonood lang kami ni Anne.." agad nyang sagot. Hmmm, Defensive. "Sya nga pala bakit mo ako pinatayan kahapon nagsasalita pa ako noon nung bigla mong patayin ang tawag, medyo nagtampo ako dun ah" pagbabago nya sa usapan. Natawa nalang ako sa sinabi nya. "Pasensya na Bro kung napatayan kita nagulat lang ako ng makita ko sya.." pagpapaliwanag ko.

