Chapter 4

1286 Words
LIAM MYLES PASCUA Mabilis lumipas ang mga araw at pasukan na, naghahanda na kami ngayon ng kapatid ko para sa pagpasok at kitang-kita ang saya sa mukha nito buti nalang nakakuha rin sya ng Scholarship sa pinapasukan kong Unibersidad. Hindi ko na rin tinuloy ang balak ko na ihome school sya dahil siguradong malulungkot ito kaya heto ako ngayon todo alalay sa kanya. "Sienna dahan-dahan lang bawal kang mapagod" paalala ko dito dahil kulang nalang ay magtatalon sya sa excitement. "Pasensya na kuya, masaya lang ako kasi kahit papaano maranasan kung mag Kolehiyo bago ako mamatay" "Sienna!" matigas kong sabi dahil di ko nagustuhan yung sinabi nito. Mamatay? Walang mamamatay! "Kuya totoo naman eh, palala ng palala ang sakit ko at isa pa kitang kita ko kung paano ka maghirap ng dahil sakin, kaya nga mas mabuti nalang siguro na maw-.." "Tama na!" pagputol ko sa anumang sasabihin nito. "Hindi ako papayag na mawala ka, hindi ako makakapayag na pati ikaw ay mawala sa akin!" Medyo naluluha kong sabi. Alam ko lalaki ako pero pagdating sa pamilya hindi ko mapigilang maging emosyonal "Kuya alam nating dalawa na hindi na ganoon kahaba ang oras ko, ramdam ko yun." Malungkot nito saad at hinawakan ang kamay ko. "May paraan pa para humaba ang buhay mo wag ka lang sumuko." Pagpisil ko sa maliit nitong kamay, hindi ako makakapayag. Napakabata pa nya. "Anong paraan kuya, ang magpa heart transplant? Ang mahal nun, sa mga gamot ko pa lang alam kong nahihirapan ka na, sa pagpapa opera ko pa kaya at sa pagbayad ng donor" "Kung yun lang ang natitirang paraan gagawin ko ang lahat para mabuhay ka. Mag dodoble kayod ako, mag-iipon at titigil ako sa pag-aaral kung kinakailangan." Determinanod kung saad. Nangako ako sa sarili ko at sa mga magulang ko na aalagaan ko sya at hindi ko susukuan. "Kuya wag, isang taon nalang makaka Graduate ka na. Ayoko lang kasing nakikita kang nahihirapan ang masakit pa ako ang isa sa dahilan at dahil sa sakit na ito wala akong magawa para tulungan ka. Paano kung ikaw naman ang magkasakit at mawala dahil sa walang tigil na pagtratrabaho" umiiyak na nitong sabi. "Sienna, makakaahon din tayo. maipapaopera din kita basta wag kang susuko. Ikaw nalang ang meron ako, hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawala." Pagyakap ko dito upang pigilan ang mga lintik na luhang gusto pang lumabas. Bakit nalang kasi hindi kami ipinanganak na mayaman. "Kuya sorry" hagulgul pa rin nito at wala akong ibang magawa kundi ang patahanin ito. "Shhhhh.. tama na wag ka ng umiyak at punasan mo rin yang uhog mo, mukha kang bata, first day of school mo pa naman, College ka na uyy!" Pagbibiro ko dito sabay punas sa luha nitong nagsilabasan. Natawa lamang ito ng bahagya at hinampas ako. "Kuya naman eh!" "Sige na, mag-ayos ka na baka maya-maya lang eh andito na rin sina Bry" Utos ko dito, nag text kasi si Jace na sabay na daw kaming pumasok. "Cge kuya" at pumasok na ito sa banyo. Napa buntong hininga nalang ako. Tama kasi si Sienna, pinayuhan na rin ako ng doktor na mas mabuting mag paheart transplant na ang kapatid ko habang maaga pa pero kulang na kulang ang naipon ko. Isang taon nalang at makakapagtapos na ako. Sana lang ay makahanap agad ako ng magandang trabaho na may kataasan ng sweldo para naman maipaopera ko ang kapatid ko Tinawag ko na si Sienna dahil malapit na daw sila at saktong pagbaba nya ay may narinig akong bumusina. Pagkapasok namin sa sasakyan nila ay agad kaming tinanong ni Jace "Teka nag-away ba kayo ba't namumula mata nyong dalawa" "Anong away? Di kaya kami nag-aaway na magkapatid" tumango tango naman ang kapatid ko bilang pagsang ayon to. Nagkibit-balikat nalang si Jace habang si Bry naman ay nakikinig lang. Sya yung nagdadrive, nagpakanta nalang sya dahil sa katahimikang namamagitan sa loob ng sasakyan. Tumingin nalang ako sa labas at hindi na nagsalita pa... ****** Habang naglalakad kami sa Hallway ay nagsi ingayan ang mga estudyante at marami din ang nagbubulungan. "Ang cute cute talaga ni Jace" sabi nung isa "Nakakalaglag panty talaga tong si Bry!" "Ang gwapo talaga ni Liam, Isang ngiti nya lang, bumibigay na ako" "Maging akin lang isa sa kanila hinding - hindi ko na sya papakawalan, asawahin ko na agad" Marami pa silang sinasabi pero dahil sanay na kami sa ganitong senaryo ay isinawalang bahala nalang namin. Hindi naman sa pagmamalaki pero, masasabi kong heart throb kami dito sa Unibersidad. Nagsimula ito nung sumali kami noon sa dance club kung saan nanalo rin kami ng ilang awards. Meron pa nga kaming mga fans club eh pero dahil sa graduating student na kami ay nagleave na kami para makapag fucos sa pag-aaral. May bigla namang sumulpot na babae sa harapan namin na nagpahinto sa akin, nakaharang kasi sya sa harap ko. Bigla itong naglabas ng isang box ng tsokolate, "Para sa'yo" namumula ang mukha nitong nakatingin sa mga paa nito. Maganda sya at mukhang mas bata sa akin. Tinanggap ko nalang ang bigay nito upang hindi mapahiya dahil sa napakaraming studyante ang nanonood bago ito ngitian. "Salamat" pagpapasalamat ko at bahagyang tinapik ang tuktok ng kanyang ulo na mas lalong nagpapula sa mukha nito at sya namang paghiyawan ng iba. Isa na itong normal routine sa amin dahil ilang beses na naming na encounter ang ganito kung saan bibigyan kami ng mga regalo. May pa love letters pa nga sila na nilalagay sa locker namin. "Nakss! Iba talaga ang karisma mo Liam" Pagtukso naman ni Jace at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Binigay ko naman ang tsokolate sa kapatid ko at kita ko ang pagliwanag ng mukha nito. Hindi pa rin natitigil ang bulung-bulungan nila at may umagaw naman sa atensyon ko. "Sino yung kasama nila, in fairness ang ganda nya" - friend 1 "Girlfriend ba sya ni Liam, sobra kasi makakapit sa kanya eh" - friend 2 "Mukhang ang bata pa nya para maging Gf nya at hindi sila bagay ni Liam, mas bagay kami! Hahaha! - friend 3, bahagya naman akong napatawa sa sinabi ng babae. "Wag ka ngang assuming baka naman kapatid nya, ang alam ko kasi may kapatid sya sa ama" - friend 2 "Oo yan din sabi ng iba pero sabi nila may sakit daw yung kapatid nya di ko lang alam kung ano." - friend 1 "Talaga.. kayo ha ang dami nyong alam tungkol kay Liam Babes, nagmumukha na kayong stalker" - friend 3 Hindi ko nalang sila pinansin at hinatid na ang kapatid ko sa klase nito. Pinauna ko na sina Jace at Bry sa klase namin medyo malayo kasi ang building ng mga first years. Tinext naman ni Bry ang room number namin, pagdating ko ay nandoon na rin si Roseanne katabi si Jace. May inasikaso kasi sya sa Coffee shop kaya hindi sya nakasabay sa amin. Usually kasi eh sabay sabay kaming pumapasok gamit ang isang sasakyan. Napangiti nalang ako kasi mukhang gumalaw galaw na din talaga tong si Jace. Sinabi nya kasi kanina na nagconfess ito kay Anne nung minsang inihatid nya ito at ganoon din daw yung nararamdaman nung isa, kaya naging sila daw agad ng walang ligawang naganap pero sabi nya na kahit sila na daw ay liligawan nya daw ito araw-araw. Hindi kami naniwala ni Bry sa una dahil sa katorpehan nito pero sa galaw ni Anne eh mukhang totoo ngang may something na sa dalawa. Umupo nalang ako sa likod nila at tinukso - tukso silang dalawa. Nasa pinakalikod naman si Bry kasi masyado itong matangkad baka matakpan nya yung iba kung sakali.. Ilang minuto lang ay dumating na rin ang adviser namin at sinimulan na ang Introduce yourself. Heto na naman tayo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD