LIAM MYLES POV
Papunta kaming dalawa ni Jane sa pinakamalapit na peryahan doon ko sana sya balak dalhin mukha kasing di pa sya nakapunta doon.
"Jane, nakapunta ka na ba sa peryahan" tanong ko sa kanya.
"Pe.. pweryahan?" Slang nyang sabi.
"Mukhang di ka pa nga nakakapunta" natatawa kong sabi.
"Why.. what's that place"
"Basta mag eenjoy ka doon pero ok lang ba sa iyo yung mataong lugar?" pag aalala ko baka, kasi hindi sya sanay sa lugar na maraming tao.
"It's okay, as long as you're with me" sagot nya at nginitian ko nalang sya.
"Nandito na tayo.." sabi ko.
"Wow.. Love this place is very colorful and it really seems to be a happy place!" Saad nito at tumngin-tingin.
May pagka curious at excitement ang nakikita ko sa mukha nito. Hooo, buti nalang.
"Tara" hila ko sa kanya. "Saan mo gustong unang pumunta" tanong ko napansin ko kasi na nakatingin sya sa mga rides.
"I want to try that" sabay turo nya sa Octopus Ride. Agad naman akong pumila at kumuha ng ticket and wait for our turn.
Agad kong hinawakan ang kamay nya at pumunta na sa upuan namin, medyo nahihilo ako pero nung tinignan ko si Jane ay kita kong nalilibang naman ito kaya agad naman akong napangiti.
Pagkatapos nun ay sinubukan namin ang iba't - ibang rides tulad ng Viking, Roller coaster, Catter Pillar at meron pang iba. Pagkababa namin sa roller coaster ay agad akong nagpunta sa gilid at agad nagsusuka,sumunod naman sa akin si Jane at inabutan ako ng tubig at hinagod hagod ang likod ko.
"Love you okay, I'm sorry I shouldn't have choose extreme rides" Agad ko namang ininum ang tubig na binigay nya at pinunasan ang bibig ko.
"Jane ok lang ako ang importante mag-enjoy ka.." sagot ko medyo hindi kasi talaga matibay ang sikmura ko sa mga ganitong extreme rides.
"Thank you"
"Ano pa gusto mong subukan" tanong ko at kita kong nakatingin sya sa Shooting Booth kaya agad ko syang hinila dun.
Tinry din namin ang ibang booths at todo iyak at sigaw sya nung pumasok kami sa Horror house.
"Liam I don't want to enter there again" hikbi nya, natawa nalang ako kasi matatakutin talaga sya.
Agad naman nya akong hinampas nung makitang tinatawanan ko sya.
Sinubukan din namin ang mag skating at bump cars at ang huli naming sinakyan ay ang ferris wheel.
Habang nasa tuktok kami ay nakatingin lang sya sa labas maganda kasi ang view sa labas lalo na kapag nasa tuktok ka.
"Love.. look outside the view is so beautiful" pagtawag nya sa akin habang todo ang ngiti nya.
"Oo nga, ang ganda" saad ko pero hindi ako sa labas nakatingin kundi sa kanya.
Napansin nyang nakatingin ako sa kanya pero hindi ako umiwas at napangiti ito sa akin. "Nasabi ko na bang ang ganda mo"
"This is the first time really" namumula ang mga pisngi nitong nakatingin sa mga mata ko.
"Do you mean it?" Tumango ako at isina ayos ang buhok nitong tumatabon sa mukha nya. Nakatingin lang sya sa akin habang nakatingin ako sa mga mapupula nitong labi.
Kahit di ko man aminin ay alam kong nagsisimula na akong magkagusto sa kanya.
Hindi naman mahirap mahalin si Jane. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na I'll let this relationship work.
Unti-unting lumapit ang mukha namin sa isa't-isa hangang sa malapit na kaming maghalikan ay tumigil ang Ferris wheel.
Gaya ng sa mga pelikula ay naudlot ang halikan namin ngunit ingbes na maging awkward ay tinawanan nalang namin ito at namumulang lumabas.
Pagkababa namin ay niyaya ko syang kumain nang may makita akong nagtitinda ng mais..
Naengganyo akong bumili dahil sa kulay nito, kulay dilaw kasi eh paborito kong kulay ang dilaw. Kahit na lalaki ako eh mas gusto ko yung light colors, lalo na ang dilaw dahil madami itong sinisimbolong magagandang bagay.
Tinuro din naman ni Jane ang banana que at halos tikman namin lahat ng mga pagkaing nandoon, sana lang eh wag sumakit ang tyan namin dito mamaya sa mga halo halong pagkain na kinain namin.
******
"Love.. I really enjoyed this date.. Thank you for today" sabi ni Jane habang pauwi na kami, ginabi na rin kasi kami. Napangiti naman ako sa sinabi nito
"I'm happy that you're happy" sagot ko sa kanya at mabilis na binigyan sya ng mabilis ng tingin.
Meron din kaming naiuwing premyo, maliit lang sya na teddy bear yung pwedeng ilagay sa zipper ng Bag.
Pagpasok namin sa bahay ay nakita naming nanonood si Sienna sala.
"Kuya, ate nandito na pala kayo.. nag enjoy ba kayo sa date nyo?" bati nya sa amin
"Yes and it's really tiring but it's worth it" masayang sagot naman ni Jane napangiti nalang ang kapatid ko.
"Teka Sienna, kumain ka na ba" tanong ko.
"Opo kuya, kumain kami sa labas ni Aria" sagot nya, tumango nalang ako at napagdesisyonan ng umakyat na sa kwarto para makapagpahinga na rin kami.
"Sienna matulog ka na rin bawal kang magpupuyat" paalala ko kagagaling lang nya eh.
"Opo!" Sagot nito at nagpaalam na pupunta na rin sa kwarto nya.
Pagkatapos naming mag ayos para matulog ay humiga na kami sa kama. Agad namang lumapit si Jane sa akin at nilagay ang ulo nya sa dibdib ko saka nya ako niyakap.
"Hmmmm. Thank you for this day Love.. I really enjoyed it" nakangiti itong tumingin sa akin, hinalikan ko na lang sya sa noo at hindi na ako sumagot dahil inaantok na talaga ako.
"I love you" yun na lang ang huli kong narinig bago ako lamonin ng antok.
*******
"Good morning.." bati nya sa akin, nagulat ako sa lapit ng mukha namin kaya agad akong napalayo at namumulang umiwas ng tingin.
"Good morning din" sagot ko.
"Come.. let's go down and eat, Sienna is already waiting" saad nya, nakaluto na pala sya.
"Cge.. mauna ka na, mag aayos lang ako." Umalis naman sya at pumasok na rin ako sa banyo at agad na ding bumaba pagkatapos.
"Good morning kuya" bati ni Sienna pagkapasok ko sa kusina
"Good Morning"
"Love take a seat now. Here Hot Choco for the both of you" sabay lapag sa tinimpla nya, napangiti nalang ako sa kasweetan nito.
Ganito sya araw-araw, nagigising sya ng maaga para maghanda ng almusal.
"Thank you" saad ko at pinaghila sya ng upuan sa tabi ko.
"Thank you ate Jane, yieee ang sweet nila" tukso nya sa amin. Agad naman akong namula sa sinabi ng kapatid ko habang yung asawa ko ay nangingiti ngiti.
"Kumain ka na ngalang dyan" sabi ko at nagsimula na kaming kumain.
"Nga pala Sienna, gusto mo bang lumabas sa Sabado" paanyaya ko sa kanya, gusto ko sana syang ilabas ngayong magaling na sya hindi ko kasi sya maipasyal noon dahil nga sa sakit nya.
"Talaga kuya" excited nyang sabi at tumango lang ako.
"Saan mo ba gustong pumunta" tanong ko.
"Kuya, gusto kong mag arcade matagal ko nang gustong pumunta dun eh"
"Basta wag kang masyadong magpagod ha, kagagaling mo pa lang" paalala ko sa kanya at tumango naman ito.
"Pwede ko rin po bang isama si Aria baka kasi magmukha akong chaperone sa inyong dalawa" singit pa nito at natawa nalang kami.
Lumalaki na talaga tong si Sienna, marunong nang manukso eh.
"Oo naman basta free sya sa Sabado" sabi ko at pinagpatuloy na namin ang pagkain.
Pagkatapos ay naligo na rin kami buti nalang at may sariling banyo yung kwarto ni Sienna kaya sabay na silang naligo ni Jane.
Papunta na rin kami sa School at masaya namang nag uusap yung dalawa, mukhang excited talaga yung kapatid ko sa Sabado.
Pagdating namin sa University ay niyaya ko rin sila Jace, Anne at Bry.. pero may date din daw yung dalawa kasama yung parents nila at may lakad naman daw si Bry mukhang may nililigawan na rin ito. Palagi na kasing nakatutok sa cellphone tapos ang lawak pa ng ngiti.