LIAM MYLES POV Kinabukasan ay iniuwi ko na rin si Jane dahil pwede naman na daw syang idischarge. Kinuha ko ang sasakyan sa bahay para hindi na maabala sila Jace na ihatid kami. Nauna na rin Mr. Jimenez na umalis dahil nagkaroon ng emergency meeting sa kompanya. Nagpaalam na sila nung maisakay ko na si Jane sa sasakyan at pumasok na rin si Sienna kaya pumasok narin ako at pinaandar ito. Pagkadating namin sa bahay ay isang babae ang nakatayo sa harapan at pagtingin ko ay walang iba kundi si Thea. Lumapit ito sa amin ng makalabas kami ng sasakyan. Humigpit ang pagkakahawak ni Jane sa kamay ko senyales na nagpipigil ito. "Kuya mauna na ako sa loob" pagpapaalam ni Sienna. "What are you doing here?" tanong ni Jane at ramdam ko ang galit sa boses nito kaya hinaplos ko ang kamay nito pa

