LIAM MYLES POV
Lumipas ang Dalawang Linggo at sa wakas ay nakabalik ako sa pag-aaral pati na rin si Jane ay pumasok na rin.
Pagkatapos ng operasyon ni Sienna ay nagising rin sya makalipas ang dalawang araw laking tuwa ko nung magmulat ito ng mga mata at muntik ko pa syang yakapin kung di lang nila ako pinigilan.
Kaiuuwi lang namin sa kanya kahapon at kasalukuyan syang nagpapahinga sa bahay kasama ang nurse na nakabantay sa kanya.
Pinaliwanag ko rin sa kanya kung anong nangyari at kung bakit ako kinasal kay Jane at alam kong sinisisi nya ang sarili nito kahit di man nya sabihin. Pero paulit-ulit kung sinasasabi sa kanya na okay lang lalo na't naging matagumpay naman ang operasyon nya at bumubuti narin ang kalagayan nya.
Kasama ko ngayon si Jane papunta sa University at ako ang nagdadrive. "Uhmm.. Jane" tawag pansin ko sa kanya.
"Yes love." Nakangiti nyang sagot at bumilis na naman ang t***k ng puso ko ng tawagin nya ako ng ganoon.
Simula kasi nung ikasal kami ay yun na ang tawag nya sa akin. At hindi ko rin alam kung bakit bumibilis ang t***k ng puso ko sa endearment nya sa akin.
"Pwede bang wag na muna nating ipaalam sa University na mag asawa tayo" nag-aalangan kong saad.
Siguradong magugulat ang lahat kapag nagkataon at aatakihin ako ng mga tagahanga ng babaeng to eh ang dami pa namang nanliligaw nito.
Isa pa sabi din ni Mr. Jimenez na isekreto muna namin ngayon na mag-asawa kami hanggang sa makagraduate ako.
Nawala bigla ang ngiti nya ng sabihin ko yun "Why?"
"Ayoko lang kasing pag-usapan tayo ng mga estudyante sa University lalo na't kababalik natin, isa pa sabi ng Daddy mo na isekreto muna diba?"
"Is that the real reason or you don't want your admirers to know that their ultimate crush is already married" naasar nitong sabi.
Nagulat naman ako sa sinabi nyang yun at sa tono ng boses nito pero inintindi ko nalang.
"Hindi naman sa ganoon, alam mo naman na sikat ang Daddy mo sa business world. Kapag nalaman nilang naikasal ang kaisa-isang anak nyang babae sa isang taong gaya ko na hindi pa nakagraduate at walang maipagmamalaki, ano nalang sasabihin ng kasosyo nya" malumanay kong sabi.
"Fine if that's what you want then I'll keep my mouth shut but I'll let them know that you are my boyfriend" saad nya na medyo irritable pa rin ang boses napabuntong hininga nalang ako at ngumiti nalang, ayoko kasing mag - away na naman kami dahil lang dito.
Nung nagdaang mga araw kasi ay palagi nyang pinagseselosan ang mga nurse na lumalapit at kumakausap sa akin noong nasa hospital pa kami pati na nga rin si Anne eh pinagseselosan nya. Lahat na nga lang pinagseselosan nya kaya tuloy nagkakaroon kami ng di pagkakaunawaan.
"And don't remove your ring" she said nung tatangkain ko itong tanggalin, suot-suot nya rin yung sa kanya. Hindi nalang ako umangal at pinagbuksan sya ng pinto.
Pagkarating namin sa University ay agad nyang hinawakan ang kamay ko. Habang naglalakad kami ay nag simulang magbulungan na naman ang mga estudyante.
"OmyGoshhh! nakabalik na si Liam!"
"Si Miss Jane ba kasama nya bakit sila magkahawak kamay?"
"Ang cute naman nilang dalawa, bagay sila ha"
"Ay sosyal may pa couple ring pa sila oh, nakita nyo ang ganda ng singsing!"
" Woah! Really magjowa talaga sila. Medyo sweet din kasi sila noon.."
"Magjowa ba silang dalawa? does that mean my Liam is already taken" saad nung isang babae na sa tingin ko ay Sophomore pa lang.
Ng marinig yun ni Jane ay agad nyang binitawan ang kamay ko at hinarap ang nagsabi nun at tinitigan ito ng masama.
"You don't have the right to say that Liam is yours because he's MINE! He's already my Hus- boyfriend!"
"Hala, confirm sila na nga!"
"OmyGoshhh! Taken na nga si Liam"
"Ang scary ni Miss Jane! Wag na kasing angkinin si Liam!"
"Paano naging sila?"
"Hindi na ako nagtaka, ang close kaya nila noon."
Nagsimula na naman silang magbulung-bulungan.
"-If I hear you again or anyone of you owning what's mine then I will make you suffer" sabi nya sapat para marinig ng mga estudyante na nandoon, natakot naman ang mga estudyante at agad nagsialisan.
Akma pa nyang sasampalin yung babae kaya agad ko na itong pinigilan "JANE ano ba! Tama na!" pagpigil ko dito naiiyak na kasi yung babae kaya agad ko na itong hinila papunta sa bakanteng room.
"Jane. ano yung ginawa mo tinakot mo yung babae at muntik mo pang sampalin!"
"You heard what she said right?! she's owning you and I can't accept that because you're only MINE and MINE ALONE, I'm the only who can own you! I just give them a warning that whoever try to take you away from me then they will get what they deserve!"
"Jane naririnig mo ba ang sinasabi mo, tama na nga wag na natin tong pagusapan. Ilang beses na natin tong pinag aawayan eh, nakakasawa na!" Pagpipigil ko, aalis na sana ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.
"Love I'm sorry. I-I can't stop myself from getting angry everytime I saw them trying to get your attention. It's just that I don't want to lose you, I'm afraid because I know you don't feel the same way as I do!" guilty nitong saad ng nakayuko.
Natahimik naman ako sa sinabi nito at napabuntong hininga nalang muli sa pagiging praning nya.
"Halika na baka nandoon na sila Jace" kalmado kung sabi at nauna na.
Pagkadating namin dun ay agad naman akong tinukso ni Jace, may mga estudyante naman na pinaguusapan pa rin yung nangyari kanina kaya ayon tinitigan sila ng masama ni Jane at agad naman silang nanahimik.
"Uyy kamusta ang Love Birds at teka ano yung naririnig namin na usap usapan na may pinaiyak daw si Jane kanina, pagpasok pa lang namin eh yun na sumalubong sa amin wag mong sabihin na may inaaway na naman tong asawa mo" sabi nya at tumawa.
Agad ko namang tinakpan ang bunganga nya.
"Jace, wag muna natin ipaalam na mag asawa na kami at oo may inaway na naman sya kanina" bulong ko .
"Hayy Liam masanay ka na talaga dyan kay RJ selosa talaga yan kaya habaan mo nalang ang pasensya mo sa kanya. ok?" naiiling nyang saad at tumango nalang ako. Sakto namang dumating na yung prof namin.
Pagkatapos ng klase ay papauwi na sana kami nung ipatawag ako ng isa sa mga Prof at nagpapatulong ito na iayos yung mga nasagutang test paper kasi nagulo daw ito kanina at naihalo ito sa ibang mga papel at saktong napadaan kami sa harap nya kaya ako ang tinawag nito.
Sinabihan ko na silang mauna nang umuwi pero nagpumilit si Jane na hihintayin daw nya ako kaya pinauna ko nalang sya sa sasakyan para doon sya maghintay.
Mabilis ko namang natapos ang pinapagawa sa akin at patungo na sana ako sa parking lot ng may sumigaw sa pangalan ko.
Kahit naman kasi naging asawa na ako ni Jane ay hindi pa rin ako umalis sa trabaho ko dito sa school, isa pa eh siniswelduhan pa rin ako kaya hindi ako papayag na basta nalang akong binabayaran ng walang ginagawa.
"Liam!" Pagtingin ko sa tumawag ay si Mina pala isa sa mga nagpatutor sa akin noon.
"Uyy Liam, buti naman nakapasok ka na ulit, namiss kita!" saad nya sabay yakap sa akin.
Nagulat naman ako sa ginawa nya kaya marahan ko itong tinulak.
"Liam!" Rinig ko na namang sigaw ng isang babae pero pagtingin ko ay si Jane pala. Kita na naman ang pagkalukot ng mukha nito.
Patay! away na naman to! Kaya bago pa man sya makalapit sa amin ay nagpaalam na ako kay Mina at sinalubong si Jane at hinila na ito palayo bago magwala.
"Who is she?" Agad nyang tanong pagkapasok na pagkapasok namin sa sasakyan.
"Wala, kaibigan ko lang, isa sa nagpatutor sa akin" ayokong sabihin ang pangalan ni Mina baka kasi may gawin tong si Jane na di maganda.
"What's her name?" Pangungulit nya.
"Hindi mo na yun kailangang malaman" malumanay kong saad at inistart ang sasakyan.
"Why can't you just tell me her name!?" At ayun na nga nagsisimula na syang mainis.
"Bakit ba gusto mong malaman?" mahinahon kong tanong, ayoko kasing sabayan ang init ng ulo nya para iwas gulo na rin.
"Because I want to know!" at tuluyan na nga syang sumigaw napabuntong hininga nalang ako at di ko nalang sya sinagot at pinaandar na ang sasakyan. Hindi na sya nagsalita pagkatapos nun pero alam kong naiinis pa rin ito.