LIAM MYLES PASCUA
"Kuya" medyo nanghihinang boses na tawag ng aking kapatid.
Parkarinig ko nun ay agad akong lumapit sa kanya at pinainum ito ng tubig habang nag paalam si Bry na tatawagin ang doctor.
"Kuya sorry" panimula agad nito at tumingin sa kanyang mga kamay ng may pagsisisi.
Tiningnan ko lamang sya at hindi nagsalita.
"Kuya sorry talaga-" pag-uulit nito.
"-gusto ko lang sana dalhan ka ng lunch kasi panigurado makakalimutan mo na namang kumain. Hindi ko alam na aatakihin ako, kuya sorry talaga" dagdag nya sa mangiyak-ngiyak na boses.
Napahinga na lamang ako ng malalim at niyakap sya.
"Ang importante ay okay ka at agad kang naitakbo sa hospital dahil pag may nangyari masama sa'yo.. hindi ko na alam ang gagawin ko, kung pati ka eh ma-.. " hindi ko na matuloy ang sasabihin ko dahil sa pag pigil ko sa aking emosyon. Naiiyak ako bwesit.
Si Sienna ay kapatid ko sa Ama, namatay ang aking ina pagkatapos nya akong ipanganak at makalipas ang dalawang taon nag asawang muli ang aking ama at doon dumating si Sienna.
Ngunit habang lumalaki si Sienna ay kapansin-pansin na madali itong mapagod at manghina, minsan naman ay parang inaatake ng hika. At nung pina check up sya nila tatay ay nadiskubre na may sakit pala ito sa puso kaya pinayuhan kami ng doctor na wag syang magpapagod o di kaya ay gumawa ng mabibigat na bagay.
Masaya ang pamilya namin, mabait at mapagmahal na ina si mommy Sony, ang nanay ni Sienna. Tinanggap nya ako ng buong- buo at tinuring na tunay nyang anak. Ngunit noong nakaraang taon naaksidente ang sinasakyan nilang bus ni tatay at ang masakit pa doon eh pareho silang nawala sa amin. Nagmula noon eh ako na ang tumayong guardian ng kapatid ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating ang doctor na titingin sa kapatid ko at pagkatapos syang icheck ay pwede naman na daw syang iuwi. Pinaalalahanan din nya ako na wag na wag mapagod itong kapatid ko.
Pagkatapos ay hinatid kami ni Bryson sa tinutuluyan namin at agad rin itong nagpaalam dahil may aasikasuhin pa daw.
Pinagpahinga ko na rin ang aking kapatid at ng masiguradong tulog na sya ay bumalik ako sa coffee shop kung saan ako nagtratrabaho para kunin ang mga naiwan kung gamit.
Kinalkal ko na ang kailangang kalkalkin at hinagilap ang mga lugar kung saan ko man pwedeng ilagay ang cellphone ko pero wala pa rin.
Tinanong ko na rin yung mga katrabaho ko kung nakita nila pero sabi nila dala ko daw ito nung umalis ako. Inisip ko ang nangyari ngayong araw at naalala na may nabunggo pala ako kanina at baka nahulog ito ng hindi ko napapansin.
Napatapik nalang ako sa aking noo, Hayysss.. ang malas naman ng araw na to.
****
Maaga akong pumasok sa trabaho ngayon, kailangan ko kasing makabawi dahil sa nangyari kahapon. Pero bago ako umalis ay pinaghanda ko ng almusal ang aking kapatid at pinagsabihang wag magpapagod dahil ang kailangan nya lang gawin ay ang magpahinga.
Pagkapasok ko ay ay nakita ko si Roseanne. Sya ang may ari ng coffee shop na pinagtatrabahuan ko, kaibigan ko rin sya at kaklase. Ang tawag ko sa kanya ay Anne dahil sa mala anghel nitong mukha at dahil narin sa napakabait nya ring ugali.
"Anne nandito ka pala, kamusta?" pagbati ko dito. Minsan lang kasi syang dumalaw dito ngayong summer break. May iba pa kasing business ang pamilya nya at sya ang paminsan-minsang nag aasikaso kaya minsanan ko lang sya makita lately.
"Mabuti naman ako, naee stress lang minsan. Teka lang ang aga mo naman yata"
"Maaga kasi akong umalis kahapon dahil may biglaang emergency, kaya kailangang ibawi." pagpapaliwanag ko.
"Hindi naman na kailangan. Nabalitaan ko yung nangyari sa kapatid mo. Kumusta na sya?" Tanong nito sakin.
"Hayss ganoon parin ang paulit-ulit na payo ng doctor pero ayos naman na sya. Pinagpahinga ko nalang sa bahay"
Napabuntong hininga na lamang ito "Buti naman pero Liam, wag mo ring kalimutang magpahinga baka ikaw naman ang magkasakit at kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami" dagdag pa nito
"Wag ka mag-alala Anne malakas kaya to" sabay pagpapakitang gilas ko sa muscles ko at mahinhin lamang itong tumawa.
Hindi naman sa pagmamalaki pero bukod sa gwapong mukha eh, taglay ko din ang mala macheteng katawan dulot ng mabibigat na trabahong pinasukan ko.
Nagsimula na rin akong magtrabaho at binati ko rin ang mga kasama ko ngayon. May nagdadatingan naring mga costumer kaya binilisan na namin ang pag-aayos.
Habang nagsusulat ng order ng mga customer ay may naramdaman akong tila nakatitig sakin. Tumingin ako sa paligid pero busy silang lahat sa kanya-kanyang ginagawa.
Isinawalang bahala ko nalang ito at nagpatuloy sa aking ginagawa pero pakiramdam ko may nanonood talaga sa akin.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may pumasok na isang magandang babae. Sa katunayan napakaganda nya at may iilang customer pa ang napatingin sa direksyon nito.
Singkiting mata, balingkinitang pangangatwan at malapulsenarang balat ngunit may kaliitan ang tangkad nito. Napaka amo ng mukha pero kung titignan syang mabuti ay mararamdaman mo ang tila nakakaintimidang awra nito lalo na at napaka seryoso ng mukha.
Teka bakit parang familiar sya..?
Pumunta sya sakin at agad umorder, pinagmamasdan ko lang sya habang nagsasalita, iniisip kung saan ko ba sya nakita.Nagulat naman ako ng bigla naman itong namula at doon na ako napaiwas ng tingin, kanina ko pa pala sya tinititigan.
Nakakahiya ka Liam! Ang lakas mo makatitig sa costumer.. that's so rude!
Agad ko namang sinulat ang order nito at paalis na sana ako para asikasuhin yung order nito pero nagulat ako ng bigla ako nitong hawakan para pigilan.
"Ano po yun Miss, may iba pa ba kayong order?" Tanong ko, hinihintay kung may idadagdag pa sya pero mas nagulat ako sa tanong nito..
"Uhhmm.. can we talk after this? And can you be the one to deliver my order. I'm just going to return something" Tinitigan ko ito ng may pagtataka at pag aalinlangan at muli na naman syang namula.
Mainit ba? Pansin ko kasi ang pamumula nya.
Napansin din nya yata ang pagdadalawang isip ko kaya agad syang nagsalita "Don't worry I'm not a bad person, I'll just return something."
Nagtataka man ay tumango nalang ako at bigla naman itong ngumiti ng pagkaganda-ganda.
Woah ang ganda ng ngiti nya pero pamilyar talaga sya. Hindi ko lang maalala kung san ko ba sya nakita. Nagkibit balikat nalang ako at inasikaso ko na ang order nito.
***********
RUBY JANE JIMENEZ
Inside my car, I'm secretly watching the apple of my eye. He was really busy hence I can watch him freely.
Oh he really grew up as a very handsome man! How could you not watch that face and those charming smile he's giving off to the customers. But that smile should only be for me, hmmp.
I glare at the girls squealing on the side as they continuously steal glances of him. Hmmpp, if they dare make a move to him, I'll run them off using my car after they get out.
I returned my focus on my man again.
I have been looking for him this past years with the only thing I know about, his first name, Liam. But because their are too many people who have the same name as Liam, I really have a hard time looking for him.
Just thanks to my cousin Jace because of him my search finally ended.
He have once showed me his group pictures together with his friends when they went on a beach and I noticed a familiar face.
I immediately asked what's his friends' names and that's when I realized he's the Liam guy I'm looking for but of course I've done more research.
And also at that time, I find out that he have recently lost his parents and now he was supporting his sick sister alone.
I know the feeling of losing someone so dear to you, it's really painful because my mother passed away 6 months ago because of cancer.
After few minutes I decided to enter the coffee shop. While telling him what's my order I can feel him intently staring at me and because of that I blushed really hard.
Did he took notice of my beauty?! I can't help but to get excited.
I especially dress up just for him.
Pero agad din naman syang nag-iwas ng tingin na nagpasimangot sa akin. He can watch me all he wants, I won't mind!
He's about to leave to take care of my order but then I hold his arm causing him to stop.
I can see that he's surprised on what I did and I myself was also surprised but at least I've got to hold his hard muscles. Hmm, he surely have a good body underneath those baggy clothes.
But focus on your purpose Ruby Jane, flirt later!
I told him what I have to say and he looked at me skeptically but at last I convince him. I'm only going to return his phone because I can't open it as it has a passcode but at least I saw his wallpaper. It's a picture of him and his younger sister. They both are so cute!
Actually, I can give it to him this very moment without disturbing his working time but I wanted to have a little chat with him. I even asked his manager if I can borrow a little time of him and she said yes instantly, of course who would refuse a gorgeous woman like me.
When Liam came with my order I ask him to seat with me and he's about to decline but then I pointed to his manager's direction and I think he got the message.
So he started the conversation and asked me "Ano po ba gusto nyong sabihin ma'am? Wait nakakaintindi po ba kayo ng Tagalog?" he cutely asked, we'll I've been talking with him in English earlier.
"Yes, nakwakawintindie akou neng tagalog" I answered as I can't help but blush hearing my own accent. What an embarrassing tongue!
I see him almost burst into laughter but he quickly clear his throat and try to calm his voice but it almost c***k.
"You can laugh" I said, still embarrassed.
Honestly, I'm really working with my Tagalog accent but it's just my tongue that won't cooperate.
"Pfftt, Haha sorry po Ma'am" he really laugh and quickly apologize. But instead of getting angry I'm more than happy seeing him laugh because of me.
If I can make him laugh and smile with my Tagalog accent, then I would talk in Tagalog everyday even if it would embarrass me.
"By the way I'm just going to return this, I think this is yours" I bring out his phone and his eyes widen in surprise
"Cellphone ko ba to? Teka ikaw po ba yung nakabangga ko kahapon, pasensya na po pala sa nangyari nagmamadali po kasi talaga ako nun eh. Sorry po"
"It's okay, and also no need to use po, I think I'm just a year older than you."
"Sige po, ay sorryy" I just laughed at his cute little mistake. He's a big cutie!
"Pero maraming salamat po sa pagbalik nito akala ko bibili na naman kasi ako ng bago." He said and keep his phone in his pocket
"You're always welcome."
"By the way, my name is Ruby Jane Jimenez, and you are?" I asked while extending my hand. I already know his name but I'll take this chance to hold his hand.
It's really big compared to mine and it feels rough but it doesn't matter.It's the cause of his hard work!
"I'm Liam Myles Pascua at your service ma'am!" he smiled sweetlyaccepting my hand for a hand shake. And in that simple contact I feel like I'm having groups of worms are rummaging my stomach and I even feel volts of electricity.
Is this what they called the signs of true love?!
O my Goshh I'm getting weird already.
***********
LIAM MYLES PASCUA
Nung naglapat ang kamay namin sa isa't-isa ay para akong kiniliti na ewan kaya naman napabitaw ako kaagad at yung mga ngiti nyang yun muntik pa akong matulala at ang kamay nya ang lambot halatang laki sa yaman, muntik ko pa ngang pisilin eh.
"Babalik lang ako sa trabaho ko ma'am Jane" saad ko gamit ang second name nito at ngumiti lang ito ng pagkatamis-tamis. Akala ko masungit pero mukha naman palang mabait si Ma'am.
Pero ang ganda nya talaga lalo na pag ngumingiti. Sigurado ang swerte ng Boyfriend nito.
Pagbalik ko sa pwesto ko nakita ko ang apat kung katrabaho na nakangisi sa akin at mukhang handang-handa na silang magtanong..
Mga chismusa't chismuso!