Tulad kahapon ay hindi ko na rin naabutan pa si Luhence. Wala na akong nararamdaman na lungkot dahil naniniwala ako sa pangakong babalik siya. Nag-angat ako ng tingin nang imay kumatok sa pinto. Pumasok si Luna. "Magandang umaga," bati niya. "Ipinapatawag ka ng Mommy mo, Anastasia. Nasa garden sila at nag-uumagahan na." Huminga ako ng malalim. That only means makikita ko na si Amber. Ang bunso kong kapatid. "Susunod ako, Luna. Mag-aayos lang ako saglit," saad ko. Pumasok muna ako sa banyo para gawin ang mga dapat kong gawin. Nang matapos ay saka lang ako bumaba. True to what Luna instructed me. Nasa garden nga sila at masayang nag-uusap. May naramdaman akong kirot sa puso ko. This is what I've been dreaming of since I was a child. To have a bond with my mother but it never happened.

