Narinig ko pa ang mga tawag nila sa akin ngunit hindi ko na sila pinakinggan. Dire-diretso akong lumabas. Saktong naabutan ko ang driver namin na kakalabas lang ng sasakyan. Nilapitan ko siya at hinablot ang susi. "Miss Anastasia!" taranta niyang sambit. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at pinaandar iyon. Nagpa-panic na sinubukan niya at ng mga guard na pigilan ako ngunit wala rin silang nagawa. Pinaharurot ko palabas ng mansyon ang kotse. Wala na akong pakialam kung mahuli dahil wala akong lisensya. Ang gusto ko ay makaalis dito. I don't want to see them. I don't think I still want to see them after this. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya inihinto ko muna sa gilid ang sasakyan. Sumubsob ako sa manibela at napaiyak. "Paano nila nagawang pagmukhain akong tanga?" Napahagulgol ako

