CHAPTER 19: TWO VERSUS ONE ⚜ Third Person’s Point of View Lalong nahihirapan si Raven sa paghinga dahil lalong humihigpit ang pagkakasakal sakanya. Mayroon pang four seconds bago tumalab ang antibodies sa kanyang katawan. “Kill her already so that I can use her clothes” – saad noong isa and as if on cue ay muli nang naramdaman ni Raven ang kanyang binti kaya agad niyang tinadyakan ang binti nito dahilan para lumuwag ng kaunti ang pagkakasakal nito sakanya. Dahil dito ay agad siyang nakakakuha ng tiempo at siniko ang tiyan ng taong nasa kanyang likuran dahilan para mabitawan na ang kanyang leeg. Lumayo siya ng kaunti sa mga ito at mabilis siyang naglakad papunta sa pinakamalapit na switch at saktong pagbukas niya ng ilaw ay siyang pagtama ng bala sa pader na malapit sa switch. Mabuti

