CHAPTER THREE

1731 Words
Pagkatapos ng kanilang lunch sa canteen ay napagpasyahan ni Esme na hanapin si Jackson upang kausapin. Humiwalay muna siya saglit kina Mari Cris at Jessa. Nagpaalam siya sa mga ito na pupunta ng CR at nag-alibi na lamang na medyo sumama ang tiyan niya. Pinuntahan niya ang mga lugar na posibleng tambayan ng binata. Lunch break noon kaya malamang ay nasa kung saang sulok lamang ito ng eskuwelahan nakatambay. Makalipas ang ilang minutong paglilibot libot ay natagpuan niya rin ito sa wakas. Nasa quadrangle ito kung saan nagkukumpulan ito kasama ng grupo nito mula sa Engineering department, sa bench, sa lilim ng isang puno ng acacia. Nagdadalawang isip siya kung lalapitan niya ba ito o hindi. Anong sasabihin niya rito? Anong magandang linya o approach? Ah bahala na nga. "Esme!" Napatigil siya nang may tumawag sa kanya. Nilingon niya ito at awtomatikong umaliwalas ang kanyang mukha. Napangiti. "Uy, Philip!" Si Philip ay ang engineering student na kaklase ni Esme mula pa noong kinder garten at grade school siya—na hanggang ngayon ay lihim niyang crush. Bumilis ang t***k ng puso niya, ang pakiramdam na hindi na karaniwan sa kanya sa tuwing nagkakalapit o magkausap sila ng binata. Masayang nagkamustahan sila. Sa Baguio kasi si Philip nag celebrate ng pasko at New Year kasama ang pamilya nito. "Mukhang nag-enjoy ka sa bakasyon mo, ah." "Oo, sobra. Naenjoy ko ang malamig na klima sa Baguio. Parang ayaw ko pa ngang umuwi e, pero kailangan kasi may pasok na ngayon. Siya nga pala, dinalhan kita ng pasalubong. Strawberries." Tuwang tuwa na tinanggap niya ang inabot nito sa kanya na isang supot ng strawberries. "Ako mismo ang pumitas ng mga iyan kahapon, sa farm ng tita ko. Sa likuran lang ng bahay nila ang farm kung saan kami nag-stay kaya malaya lang akong pumitas kung gaano kadami ang gusto ko. Matamis na variety 'yan ng strawberries," pagmamalaki pa nito. "Naku, salamat Philip. Alam mo ba favorite ko ang strawberries pero bihira lang talaga ako makatikim. Saka iyong mga natitikman ko ay mga luma na. Hindi ko maintindihan ang lasa. Sigurado ako na masarap ito kasi fresh. Thank you talaga." Hay...kinilig siya... Masarap sa pakiramdam niya na naalala siyang bigyan ng pasalubong ng kanyang crush. "You're welcome. Nakapag lunch ka na ba?" "Oo, kaka-lunch lang namin nina Mari Cris at Jessa sa canteen. Ikaw?" "Tapos na rin. Saan nga pala ang punta mo?" Hindi agad nakasagot si Esme. "Ah...dito lang sa tabi tabi. Nagpapahangin. Pero papunta na rin ako sa klase ko." "Twelve thirty pa lang ah. May klase ka ng alas dose?" "Hindi, sa alauna pa pero kasi may gagawin pa akong assignment kaya dapat ay maaga ako sa classroom. I mean doon ko gagawin ang assignment ko." Napatango tango ito. "Ikaw saan ang punta mo?" "Papunta akong library nang makita kita. Doon muna ako magpapalipas ng oras. Two thirty pa kasi ang klase ko e." Hindi na humaba pa ang kanilang usapan. Nauna na itong nagpaalam. Dismasyado si Esme. Kung hindi lang talaga niya kinakailangang kausapin si Jackson ngayon ay hindi siya magsisinungaling kay Philip. Nakakapanghinayang na pinalampas niya ang pagkakataong iyon na makasama at makakuwentuhan niya pa ito ng matagal. Mas lalo tuloy nadagdagan ang inis niya kay Jackson. Itinuloy niya na ang naudlot na paglapit rito. Awtomatikong nabuwag ang pagkukumpulan ng tropa nito nang makita siya. "Hey..." Anang binata na halatang nagulat sa biglang pagsulpot niya. "What are you doing here?" "Kailangan nating mag-usap," seryosong sabi niya. "Okay." "Alis na lang muna kami, King. Para magkaroon kayo ng privacy ng misis mo," ang nakakalokong sabi ng isang tropa nito na sinundan ng kantiyaw ng iba. Nag-init ang pisngi ni Esme. Mukhang alam na ng tropa ni Jackson ang tungkol sa kanilang engagement. Misis na ang tawag sa kanya. Ngali ngaling sigawan niya ang mga ito na hindi pa sila nito kasal. "Anong kailangan nating pag-usapan?" Tanong sa kanya ng binata nang sila na lamang ang naiwan sa quadrangle. "Ano pa nga ba, e di iyong tungkol sa engagement. Wala ka man lang bang gagawin para pigilan ang mga parents natin sa gusto nilang mangyari?" "Isa lang naman ang sulusyon diyan. Ang maglayas din katulad ng ginawa ng ate Ramona mo at ni kuya Ericson. But I'm not stupid para gawin din iyon. Saan ako pupunta kapag nagkataon? Hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko. Umaasa lang nga ako sa allowance na ibinibigay sa akin ng Mommy at Daddy ko e. At mas lalong ayokong huminto sa pag-aaral, gusto ko pang grumadweyt. Paano na ang mga pangarap ko kapag naglayas ako?" "So wala ka talagang gagawin? Hahayaan mo na lang na manipulahin nila ang buhay mo? Papayag kang maikasal sa akin?" "Yeah." "Nag-iisip ka ba?" "Hindi naman siguro malalagay sa alanganin ang buhay ko kapag ikaw ang napangasawa ko. Hindi naman siguro aabot sa puntong lalagyan mo ng lason ang pagkain ko." "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Jackson, ha." "Hindi rin ako nakikipagbiruan sa'yo, Esmeralda." "Pwede ba, huwag mo nga akong matawag tawag sa first name ko! Umayos ka!" Malapit na talaga siyang mapikon rito. Aware ito na ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa first name niya. "Bakit kasi hindi mo na lang ako tulungan na mag-isip ng paraan para masulusyunan ang problemang ito? Hindi pa naman huli ang lahat. May panahon pa tayo para baguhin ang mga isip nila." "Hindi na magbabago pa ang mga isip nila unless na lang kung bumalik ang ate Ramona mo at ang kuya Ericson ko at pareho na silang pumayag na ituloy ang naudlot nilang kasal." Iyon din naman ang nasa isip niya. "Sana nga ay bumalik na sila. Kapag nalaman ni ate ang sitwasyon ko ay tiyak na uuwi agad iyon para e-save ako. E kaso hindi ko ma-contact 'yung number niya. Noong last na tawag niya ay ayaw niyang sabihin sa akin ang location niya. Basta ay in-assure niya lang ako na maayos ang kalagayan niya at nasa safe na lugar siya." "Same with my kuya, hindi ko rin siya ma-contact. Lagi ko ngang inaabangan ang tawag niya e." Pinausli ni Esme ang kanyang nguso. "Sila na lang ang pag-asa natin..." Nakaramdam siya ng pangangalay ng mga paa kaya naupo siya sa tabi ni Jackson. Katahimikan. "Bakit ang chill mo?" Maya maya ay napaisip na tanong niya rito. "Huh?" "Bakit sa kabila ng mga nangyayari ay ang chill mo pa rin? Samantalang ako ay problemado dito." "Hey, we're just only engaged, okay? Hindi naman ibig sabihin no'n ay katapusan ng mundo kaya walang dahilan para mamobrlema o magpanic ako. Kung ako sa'yo ay sumakay ka na lang sa mga trip ng mga magulang natin. Hayaan mo sila sa mga gusto nila. Pagbigyan na lang natin. Matatanda na ang mga iyon." Tumingin ito sa kanya ng makahulugan sabay ngisi. "Don't worry, may plano na ako para hindi matuloy ang kasal natin kung sakali." "Talaga? Anong plano?" "Secret..." "Eshare mo naman sa akin para alam ko." "Saka na pag-close na tayo." Napasimangot siya. "Siya nga pala before I forget." Inabot ni Jackson ang bag nito at kinuha mula sa loob ang isang maliit na box na kulay pula. Nang buksan nito iyon at masilayan niya ang laman ay awtomatikong napasingap siya. Isang round cut diamond ring na three stone settings. Namangha siya sa ganda ng desenyo noon. Mukhang mamahalin. "Keep it. Inabot 'yan sa akin ni Mommy kaninang umaga paggising ko. Ang sabi niya ay ibigay ko raw sa'yo." "Sa akin? Bakit?" "That would serve as your engagement ring." "Grabe, may engagement ring talaga? Seryoso 'to?" "Yup. Isuot mo na." "Kailangan ba talaga?" "Oo kasi kung hindi ay magtatampo si Mommy. Ang mahal pa naman ng bili niya niyan. Wait, ako na nga lang ang magsusuot." Nagulat si Esme nang abutin ni Jackson ang kamay niya at dahan dahang isinuot ang singsing sa daliri niya. "Beautiful... it fits on you," nakangiting sabi nito. Napatulala lamang siya. Hindi niya hilig ang magsuot ng alahas o kahit anong mga abubot sa katawan. Ngayon lamang yata siya nakapagsuot ng singsing sa tanang buhay niya. Okay naman pala. Maganda ang singsing at bagay sa daliri niya. Mag-eenarte pa ba siya? "Come on, let's take a pic." "A-ayoko nga. Magseselfie tayo?" "Hindi ko naman epo-post, ipapakita ko lang kay Mommy. Para matuwa siya sa akin na nagawa ko ang utos niya. May atraso kasi ako sa kanya e." Wala nang nagawa pa si Esme nang iangat ni Jackson ang cellphone nito at nagselfie sila sa camera. Napilitan siyang ngumiti habang nakaakbay ang binata sa balikat niya at hawak ang kamay niya na kunwa'y binibigyan ng diin ang singsing na suot niya. "Patingin nga," aniya pagkatapos. Napanatag ang loob niya nang masigurong maayos naman ang kuha niya sa picture. "Hindi mo epo-post 'yan, ha. Kung hindi ay malalagot ka talaga sa akin." "Oo, hindi nga... Pero eka-crop ko ang mukha mo dito. Epapa-print ko. Gagamitin kong panakot sa mga daga. Marami kasing bumibisita sa kuwarto ko e." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Makalat ka siguro sa kuwarto mo kaya lagi kang binibisita ng mga daga." Napabuntong hininga siya. "Nagsasayang lang ako ng oras ko sa'yo. Wala kang kuwentang kausap. Makaalis na nga, may pasok pa ako." Tumayo na siya. "Sige bye, bukas na lang ulit." "Anong bukas ulit?" "Basta." Binigyan siya nito ng isang makahulugang ngiti. "Quarter to one na, male-late ka nasa sa klase mo. Alis na." Ngunit hindi pa man tuluyang nakakaalis si Esme ay bumalik na ang tropa ng binata. "Tapos na kayong mag-date ng misis mo, King?" Mapanudyong tanong rito ng isa. "Wala man lang bang goodbye kiss, dyan?" "Tapos na, sayang hindi niyo naabutan." Naghiyawan ang mga hudyo sa sagot nito. Nag-init naman ang kanyang pisngi. Nagmamadaling naglakad na lamang siya paalis habang nanggagalaiti sa inis. "Kamusta ang tiyan mo? Masama ba ang lagay?" Usisa sa kanya ni Mari Cris habang naglalakad sila patungo sa next class nila. "Hindi, okay na. Maayos na ang pakiramdam ko." "Ang dami mo kasing in-order kanina e, 'yan tuloy nag-alburuto ang tiyan mo–teka ano 'yang kumikinang sa daliri mo? Hindi ko naman nakita iyan na suot mo kanina." Pinagkaguluhan ng mga ito ang singsing niya, binusisi. "Wow, ang ganda... Mukhang original ang bato," namamanghang komento ni Jessa. "Kanino 'to galing, Esme?" "K-kay...Kay Jackson. Enggagement–ring ko," naiilang na sagot niya. "Omg!" Napatakip siya ng kanyang mga tenga nang magtilian sa tuwa ang mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD