Jonga's POV: "A-Akala ko ba mas ligtas sa gabi? Bakit lumalabas ang mga patibong? Kinakabahan na talaga ako," tanong ni Cosmo. "Isinara ang Pyramid of Khafre dahil na-activate ang mga patibong nito. Hindi ko alam kung paano iyon ginawa ng mga magulang namin pero sa tingin ko ay may ginalaw silang tomb ng mga mummy. Isa iyon sa mga maaaring dahilan kaya na-activate. Ngayon, hindi ko na alam kung ligtas pa ba sa gabi. Kahit anong oras yata tayo pumasok ay hindi na ligtas. Mukhang may isa na akong nagkamali na teorya. Malilintikan pa lalo tayo kapag lahat ng teorya ay mali," sagot ni Neptulah. "Yawa ka kapatid! Ayaw ko pang mamatay ng maaga!" inis namang sigaw ni Frabulah. Natawa ako dahil ang mga egyptian na ito ay alam ang yawa. Yawa kayong dalawa. Nandito pa rin kami sa kinatatayuan

