Jonga's POV: "s**t! Cosmo yumuko ka!" gulat kong sigaw. May nagpaputok ng baril sa gawi namin ni Cosmo kaya agad kaming yumuko. May mga dala pa man din kaming mabibigat na gamit at babasagin. Malilintikan kami kay Frabulah kahit magasgasan lang ito! Mahihirapan din kaming kumilos ni Cosmo dahil sa mga bitbit namin. Mukhang kailangan namin ng back--up dito kaso sa sinuswerte nga naman ay kami lang ni Cosmo ang nasa bahaging ito. Patuloy lamang silang nagpapaputok kaya nakatago lamang kaming dalawa ni Cosmo. Paunti naman na nang paunti ang naririnig kong putok ng baril. Siguro ay nauubos na sila ng kampo ni Frabulah. Saan naman kaya nanggaling ang mga back-up na iyon ng Alpha? Nakahinga naman ako nang maluwag dahil may pumuntang kasapi na namin sa gawing ito. "Hey, hurry up! Go and

