Cosmo's POV:
"Hoy, ayos ka lang ba?" tanong ko sa lalaking ito.
Tulala siya at wala sa wisyo. Mukhang hindi pa siya nakakabawi sa lahat ng nangyari. May itsura pa man din kaso mukhang duwag. Malaki rin naman ang pangangatawan kaya imposibleng lampa.
"Hoy bwiset ka, kung ayos ka nga lang!? Kinakausap kita hoy!" sigaw ko dahil lutang pa ito.
Bigla naman siyang napatayo kaya natawa ako. Napailing na lamang ako dahil parang gulat na gulat ito. Saan bang lupalop ng mundo nagtago ang isang iyan para hindi malaman ang nangyayari sa mundo? Kahit nga yata aso ay informed sa nangyayari.
Kaso ang sabi niya ay taga Poblacion siya. Ewan ko ba sa kaniya. Baka kakababa lang ng bundok. Pero hindi ko kailangang hintayin na mag-adjust pa siya. Baka iyon pa ang ikamatay naming dalawa.
"Kailangan na nating magmadali. Paniguradong hahanapin ang isang iyan ng mga kasama niya. Maya-maya ay magtataka na sila kung bakit may isang kulang," sabi ko at itinuro 'yong bangkay.
Hindi ko na siya inintay sumunod at nauna nang maglakad. Kailangan niyang mamulat at maging matatag dahil wala siyang mapapala kung puro gulat. Hindi niya ikakabuhay iyan. Kaagad naman akong pumunta sa kwarto ni Tami.
"Tami, nandito na si ate! Tami nasaan ka na!? Kailangan na nating umalis!" sigaw ko habang lumilinga.
Narinig ko naman ang paggalaw ng baul sa dulo kaya naalerto ako. Lumabas naman doon si Tami kaya kaagad akong tumakbo papunta sa kaniya. Dinaluhan ko naman ang kapatid ko at halos maluha na nang masilayan ko ang maganda niyang mukha. Hay nako, ang drama!
"Tami, mabuti na lang at ligtas ka. Alalang-alala ako sa 'yo. Baka may masama nang nangyari at pinabayaan ka nila," sabi ko at niyakap ang aking kapatid.
Bumitaw si Tami at sumenyas. Nagsign language siya at nagtanong kung sino ang kasama ko. Hindi nakakapagsalita si Tami. Kaya lagi akong nandito sa tabi niya.
"Nakita ko siya sa daan, matutulungan niya tayo. Halika na, kailangan nating magmadali. Kumuha ka na ng mga gamit mo at iayos mo na rin ang kay Ate Cosmo, okay? Kailangan nating bilisan," senyas ko kaya umoo naman si Tami.
Binuhat ko siya paalis sa baul at kaagad tumakbo sa closet namin. Napangiti na lamang ako habang nakatitig kay Tami na papalayo. Hindi kami gaano katagal nagkahiwalay pero miss na miss ko na siya.
May kapansanan ang kapatid ko, hindi siya nakakapagsalita. Sign language ang gamit niya upang magkaintindihan kami. Pero kahit gano'n, hindi magbabago ang pagmamahal ko para sa kaniya. Si Tami na lang ang tanging pamilya ko dahil siya lang naman ang nagmamahal sa akin.
Pagtalikod ko ay nabundol ako sa isang matigas na dibdib. Pag-angat ko ng tingin ay ramdam kong nag-init ng aking pisngi. Tsk, bakit kasi pasulpot-sulpot.
Napaiwas ako ng tingin at tumikhim. Baka mapatitig ako sa mukha niya at sabihan niya pa akong may gusto sa kaniya. Manigas siya r'yan. Hindi ko kaya siya type.
Pero hindi mapagkakailang gwapo siya. Sa kaniyang taas na tingin ko ay 6'0 flat ay para siyang tore. Itim na itim ang kaniyang mata at buhok na lalong nagpagwapo sa kaniya. Matangos ang kaniyang ilong na parang tinasahan at ang kaniyang labi ay manipis at pinkish. Idagdag pang maganda ang katawan niya, halata sa itsura niyang may lahi siya. Pero bakit mukhang walang alam ang isang ito at matatas magtagalog? Sabi nga nila, don't judge.
"Bading ka ba?! Bakit ka nakatitig sa akin?" tanong niya.
Kaagad ulit akong napaiwas ng tingin. Akala niya ba lalaki ako? Bwiset na ito, kung hindi lamang siya makakatulong sa amin ay ididispatsa ko na siya. Akala niya talaga ay lalaki ito. Hindi naman ako ganoon ka-manly tingnan ah?
"Tsk, umalis ka kasi sa daan. Haharang-harang ka eh. Kita mong dadaan ako," pagdepensa ko at itinulak siya.
Gumilid naman siya kaya nagmamadali akong bumaba sa hagdan. Napapunas naman ako ng pawis. Teka, kinakabahan ba ako? Bakit naman? Pakialam ko ba sa kaniya.
Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng ilang eco bag. Kinuha ko ang lahat ng pagkain ng mga tiyahin ko sa ref at cabinet. Kumuha rin ako ng first aid kit, mga gamot, at bulak. Kailangan namin ng makakain at gamot para incase of emergency. Kailangan naming makasurvive at makahanap ng safe place.
"Pwedeng makahingi ng damit? Saka, pwede ring makiligo? Ilang linggo na akong hindi nakakapagpalit, nangangati na ako. Baka naman oh," sabi ng isang baritonong tinig.
Pagtalikod ko ay iyong lalaki pala. Tumango naman ako at tumigil sa ginagawa.
Pero seryoso ba siya? Ilang linggo hindi nakakaligo? Pero bakit wala man lang siyang masamang amoy? Ang gwapo naman niyang pulube!
"S-Sa taas, doon sa tabi ng kwarto namin ng kapatid ko. Kumuha ka na ng mga damit mo at maligo ka na. Bilisan mo, tulungan mo ako mamaya rito. Marami pa tayong aayusin at dadalhin," sabi ko.
"Salamat boss!" masaya niyang sabi at ngumiti.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko kaya napahawak ako sa aking dibdib. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ayos lang ba ako? Hinihika na naman ba ako? Ano bang mayroon sa walking kapre na iyon?
Napailing na lang ako at inayos ulit ang mga gamit namin. Kumuha naman ako ng kutsilyo at ilang panangga na magagamit namin laban sa mga kalaban at masasamang loob. Kailangang laging handa. Hindi ko rin akalaing dadating sa ganitong state ang mundo.
Kinuha ko rin ang samurai at .45 caliber ng tiyuhin ko. Bahala na iyong lalaki mamaya pumili ng gagamitin niya. Basta ako uunahin ko muna ang para sa amin ni Tami.
Dumiretso naman ako sa kwarto namin ni Tami para maligo at mag-ayos. Naabutan ko namang nag-aayos pa ng damit ang kapatid ko kaya hinayaan ko na siya. Ang cute talaga ni Tami lalo na at magkamukhang-magkamukha kami.
Kaagad akong naghubad pagkapasok ko sa banyo. Napatitig naman ako sa salamin at pinagmasdan ang aking mukha.
Mapait naman akong napangiti at hinawakan ang aking maikling buhok. Ang sakit balikan ng nakaraan kaya hindi ko na dapat iyon na isipin pa. Mas kailangan kong magfocus sa nangyayari ngayon, kailangan naming maging ligtas ng kapatid ko. Kailangan naming makasurvive sa pandemya.
Pagkatapos kong maligo ay kumuha ako ng isang pantalon, oversized shirt, at malaking jacket na may hood. Kumuha rin ako ng sneakers at iyon ang isinuot ko. May maaliwalas ito at mas madaling gumalaw.
Sabay kami ni Tami na bumaba ng hagdan. Naabutan ko naman dito iyong lalaki na basa pa ang buhok, mukhang kakatapos niya pa lang maligo. Fresh ang kuya mo.
Nakasuot siya ng sweatshirt at pantalon. Kasya rin sa kaniya ang sapatos ng tiyuhin ko kaya mukhang kumuha siya. Hindi niya kasing laki si tiyo pero mukhang kasya naman sa kaniya ang mga damit no'n.
"Siya nga pala, salamat ha. Ako si Jonga, ano ang pangalan niyong magkapatid?" tanong at pakilala niya.
"Itong kapatid ko, Tami ang pangalan niya. Cosmo na lang ang itawag mo sa akin," sagot ko.
Tumango naman siya at kinuha ang dala ko. Nasinghot ko naman ang natural niyang amoy pagkalapit niya sa amin. Iyan ba ang hindi nakakaligo? Mapapa-sana all na lang ako.
"Kumuha ka ng panangga mo sa kusina. Bilisan mo, kailangan na nating makaalis dito. Kumuha ka na nang lahat ng kailangan mo," sabi ko.
"Nag-aalala ako para sa mga kapatid ko. Alam mo ba kung saan ko sila makikita o makukuha?" tanong niya habang papunta sa kusina.
Naiwan naman kami rito ni Tami na nakatayo sa aming pwesto. Napatingin naman ako sa kapatid kong tahimik na kumakain ng lollipop.
"Nasa puder sila ng IHU o ng pamahalaan panigurado. Sumama ka sa amin sa paglalakbay, baka makita natin ang mga kapatid mo. Maaari mo pa silang mailigtas," sabi ko.
"Sige, salamat sa tulong mo," sabi niya pagkalabas ng kusina.
May hawak siyang katana na mukhang kinuha niya sa estante namin. Mayroon din siyang isang maliit na kitchen knife.
"Tara na, kailangan na nating magmadali. Baka mamaya ay nagkalat na sila sa labas," sabi ko at hinawakan ang kamay ni Tami.
"Sinong nagkalat sa labas?" takang tanong niya.
"Ang mga kalaban natin," sagot ko.
Tinulungan niya kami sa mga bitbit at maingat kaming lumabas ng bahay. Napakatahimik din sa paligid at kahina-hinala.
Mukha na itong dead city. Katulad ng mga movie na may zombie o hindi kaya ay wala ng tao sa mundo. Madilim ang paligid at nakakatakot.
Naglakad kami palabas ng street at nakita ko ang kotse nila uncle. Inilabas ko naman ang susi ko at pumasok dito. Mukhang nakuha sila ng IHU. Wala na akong naging balita sa kanila at mukhang wala na rin akong makukuha.
"Teka, akala ko ba makikita nila tayo kapag gumamit tayo ng ganito?" tanong ni Jonga na umupo sa passenger's seat. Nasa likod naman si Tami.
"Hindi, kung walang tao. Kaya kailangan nating maging maingat," sagot ko at ngumisi.
Inilabas ko ang aking laptop at nagpipindot. Muli kong hinack ang mga CCTV dito sa lugar namin para makita ang mga daan na posibleng may bantay o kalaban.
"Sa Ermita walang tao, doon tayo dadaan. Hawakan mo iyang laptop at sabihin mo sa akin ang mga lugar na may bantay," utos ko kay Jonga.
Nagsimula naman akong magmaneho at hindi ko na binuksan ang ilaw sa una para hindi pansinin. May dalawang daan naman na lilikuan kaya tinanong ko si Jonga kung saan.
"Uhm s-sa may Cuervo, doon ang liko mo," sabi niya. Bakit siya nauutal?
Nagkibit balikat naman ako at lumiko sa kanan. Nagdere-deretso ako at laking gulat ko ng may tatlong tao na nakasuot ng PPE.
"s**t, sorry! Akala ko sa Cuervo iyong daan nalito ako!" sigaw niya at napatampal sa noo.
Lumapit naman ang mga ito sa amin at hinila kami palabas ng sasakyan. Nagtaas naman kami ng kamay at binaba ang mga gamit namin.
"Akalain mo iyon, may mga buhay pa. Akala ko ay wala nang natira," sabi nitong nakasuot ng blue na PPE.
"Tsk, galing talaga," sabi naman nitong nakadilaw.
Akmang poposasan na nila kami nang bumulagta sa sahig iyong isa nilang kasama. Naalerto naman ang dalawa at hinanap ang nagpaputok.
"Kayo ba iyon!?" tanong nila sa amin kaya mabilis kaming umiling.
"It's me!" sigaw ng isang maskuladong boses.
Napatingin ako sa gawi no'n at nanlaki ang aking mata. Isang bruskong bading na may pulang buhok ang may hawak ng isang handgun na may silencer. Namamalik-mata ba ako?
"Chickie!" sigaw naman ni Jonga.
Teka, magkakilala sila!? Hindi ko alam na nabuhay na pala ang mascot ng Wendy's!