Jonga's POV: "Kung magkapatid nga tayo bakit wala kang maikwento sa akin? At saka hindi tugma ang mga nangyari sa 'yo at nangyari sa akin. Hindi kaya espiya kang ipinain sa amin?" tiim-bagang kong tanong. Naiinis na ako sa babaeng ito. Pareho pa kaming JM ang initials kaya nagtataka rin ako. May pagkakahawig kami pero pwede ring nagkataon lang. Pihadong pain siya nung Kushia na iyon para mahuli na kami. "Go on, believe what you want to believe. Pero sa ngayon isa lang ang nasisigurado ko. Konektado ang ina natin sa lahat ng kaganapan at kay Kushia. Katulad ng sabi ko, isa tayo sa mga napag-eksperimentuhan. I need to find out what really happened before," sabi ni Jessica habang nagmamaneho. "And naniniwala ka dahil sa isang librong nabasa mo? That you told us your diary? How come na

