Jonga's POV: "Hays, ito na naman tayo. Kailan kaya tayo matatapos sa ganitong set-up?" tanong ni Cosmo sa akin. "Hindi ko rin alam, Cosmo. Sana nga ay matapos na ang lahat ng problemang ito. May tiwala naman ako na kaya natin itong lagpasan. Tayo pa ba hindi ba? Sanggang matatag na tayong lahat. Kaunting tiwala lang, kaya natin ito. Huwag tayong susuko," nakangiti kong sabi. "Naks, Jonga the Makata," asar sa akin ni Vita kaya napailing na lamang ako. Ang mga ito talaga. "Bilisan niyo na para makabalik na agad! Wala dapat tayong sinasayang na oras! Kilos na!" sigaw ni Frabulah. Kaagad na kaming kumuha ng mga armas at nagkarga ng bala. Ganito na naman ang suot namin, damit pangbakbakan. Aalis na naman kami ngayon ng kampo at kukuha ng mga pagkain na stocks. Susubukan din namin manma

