Triple pa yata Ang sakit eh, mas okay pa nga siguro kung nag away nlang sila. Pero Hindi, niloko sya nito, ginamit at pinagmukhang Tànga.
"Ma, Pa! May Asawa na Po Pala si Cade, ka-kasal na sya sa iba, gi-ginawa nya Akong Kàbit nang Hindi ko manlang nalalaman" napahagulhol na Naman sya nang iyak. Parehong napa tànga Ang mga magulang dahil sa narinig mula sa kanya.
"Paanong! Paanong nangyari iyun ? Eh kahit Dito sa atin Wala namang napabalita na nag Asawa na Pala Yan si Cade?" Komento nang kanyang Ina.
"Ang gàgong Yun! Nakuha pa talagang magpaalam at mangako Dito sa Amin, tapos niloloko nya lang Pala tayong lahat" Galit na sambit nang kanyang Papa.
"Ka-kagabi Po, anniversary Namin, we celebrated. At gusto ko sana syang I surprise sa pagbubuntis Kong ito, Kaya lang biglang dumating Ang Mom nya at Ang Asawa nya, saka ko palang nalaman Ang lahat" napaiyak na Naman sya at pinagpatuloy Ang pagkukwento sa buong nangyari kagabi.
"Hindi pwedeng Malaman nila na buntis ka, Lalo at Plano ka lang Pallang paraûsan nang gàgong iyun, baka Kunin at ilayo pa nun sa iyo yang Bata, kayang Kaya ko namang buhayin iyang apo ko hanggat buhay pa ako nang walang hinihingi kahit singkong duling sa kanila" nagpupuyos sa Galit ang kanyang ama habang sinasambit Ang mga salitang iyun.
"Pinagkatiwalaan Namin ulit si Cade, Akala ko ay nag mana sya sa Dad nya na may mabuting puso, pero ano itong ginawa nya Sayo?" Himutok pa nang Papa nya.
"Shh! Tahan na, wag ka nang umiyak, makakasama iyan para sa apo ko, dapat Ngayon ay alagaan mo na Ang sarili mo" hinaplos pa nang Mama nya Ang impis pa nyang tiyan.
"Bubuhayin natin Yan, nandito lang kami nang Papa mo, kaming Pamilya mo, walang kasalanan Ang batang iyan, Wala syang alam sa ginawa ni Cade Sayo, Kaya sanay alagaan mo iyan at wag hayaang mangyari ulit ang dati" napahikbi na Naman sya at yumakap sa mga magulang.
She was so blessed having them as her parents.
"Tamang Tama, tumawag Ang Tita Carol mo kanina, nagtatanong kung di ba Tayo mag babakasayon sa kanilang probinsya" natigilan sya sa narinig. Ang Tita Carol nya, Kapatid iyun nang Mama nya, matagal nàng panahon na di na ulit sila nag kita. Biglang bumangon Ang pagka miss nya rito, iyun Kasi Ang pinaka close nyang Tita. Yun Yung tagapag tanggol nya sa tuwing napapagalitan nang Mama nya nuong Bata pa sya.
"Pano Kaya kung mag bakasyon ka muna Doon? Para makaiwas ka sa stress, paniguradong may puputok na namang Balita na may Asawa na Pala si Cade at naging kabit ka, ayaw naming Lalo Kang ma stress at baka mapano na Naman iyang dinadala mo Ngayon" dagdag pa nang kanyang Mama.
"Pero nasa iyo parin ang pagdedesisyon kung nagbabakasyon ka ba Doon o Dito ka lang sa atin" pero agad syang umiling sa sinabing iyun nang kanyang Mama.
"Puponta Po ako Doon ma, pa! Siguro nga iyun Ang kailangan ko, kailangan kong ilayo Ang sarili ko rito Lalo na at nandito na Naman ang matapobreng Mommy ni Cade" Hindi na nga kailangan pa nang mahabang panahon para mag desisyon, sa tingin nyay iyun na Ang Tama. Ang lumayo muna sa Lugar na kung saan ay Lalo lamang syang masasaktan.
Handa Naman syang harapin Ang lahat nang ibabatong issue sa kanya pero sa kalagayan nya Ngayon ay kailangan nya nang tahimik na Lugar.
Alam nyang Hindi sya agad makakalimot kahit na aalis pa sya, pero at least manlang mahanap nya Ang peace of mind.
"Sige! Ipapasama ko Sayo Doon Ang Kapatid mo, para may mag alaga din Sayo" tanging pag tango nalang ang naisagot nya.
Nang araw ding iyun ay agad na nag ligpit si Aira, Ang Isa nyang nakakabatang Kapatid, at tinawagan din nang kanyang Mama Ang kanyang Tita na magbabakasyon silang magkapatid Doon, at sinabihan narin nang Mama nya Ang kanyang Tita Carol sa totoong kalagayan nya.
Pagkatapos ay agad na din silang bumyahe, nasa malayomg probinsya Ang Tita nya nakatira Kaya sigurado syang may katagalan Ang magiging biyahe nila.
Pinalitan nya nang sim card Ang kanyang Cellphone at nag deactivate nalang din nang mga social media accounts, kanina habang paalis na sila sa Bahay nila ay iniwan na Rin nya Doon Ang pag asang hahanapin at magpapaliwanag pa Si Cade sa kanya.
Kakayanin nyang mabuhay nang Wala na ito sa tabi nya, it's time to face the reality. Habang nasa malayo syay susubokan na nya Ang sariling mag move on at subokan na ring buksan Ang puso para sa iba.
Nasaktan na Naman sya sa ikalawang pagkakataon, pero sa iisang lalaki lang.
Kailangan na nyang mag pakatatag, di lang para sa sarili nya, kundi para narin sa magiging anak nya.
*****
Days, weeks, until Months passed by too fast. It's already seven months since she left San Nicolas.
Napakahirap para sa kanya Ang disesyong lumayo muna sa Lugar nila.
Lalo na nuong mga unang linggo nya sa poder nang Tita nya, bukod sa naninibago sya sa Lugar ay maselan din ang pagbubuntis nya, ni Hindi manlang sya nakapag hanap nang trabaho.
Mabuti nalang at andyan palagi Ang kanyang kapatid at Tita para alalayan sya.
Maraming na bago sa kanya na kahit sya Mismo ay di maintindihan Ang sarili, naging mainitin Ang ulo, paiba-iba nang mood, Minsan parang gusto nyang umiyak nang Hindi nya alam Ang dahilan.
At Ang pinakamahirap sa paglilihi nya ay Yung times na hinahanap nya Ang presensya ni Cade, naroon nang sumasakit na Ang tiyan na Akala nyay makukunan na Naman sya.
Ang ginagawa nang Kapatid nyay kinukuha Ang picture ni Cade at binibigay sa kanya, mabuti nalang at kumakalam Ang pakiramdam nya.
It's hard pero kinakaya nya at patuloy nyang kakayanin.
At sa Ngayon nga ay uuwi na silang magkapatid sa San Nicolas, siguro Naman ay humupa na Ang issue sa kanila ni Cade, seven months din syang walang Balita tungkol Dito.
Tanging mga magulang lang ang may Numero sa kanya, ni Hindi nya Rin sinubokang mag open ulit nang social media account para makibalita sa lalaki.
Mas mabuti na Yung Ganito, iyung pareho silang walang alam.
Last day lang ay nabanggit iyun nang Mama nya pero iniba nya kaagad Ang usapan.
She's in the process of moving on Kaya ayaw na muna nyang makibalita pa tungkol sa lalaki.
Napamahal na Ang Lugar nang kanyang Tita sa kanya, pero kailangan nya na Naman itong lisanin, she can't risk her baby's health in here.
Malayo Kasi sa Hospital Ang tinitirhan nang kanyang Tita, may lying in sana na malapit lang pero nasira din nuong manalasa sa Lugar na iyun Ang bagyo, and it's still under construction for now.
Tsaka subrang namimiss narin nya Ang mga magulang at Kapatid, sa susunod na araw ay Birthday na nang kanyang Papa, Nung tumawag ito ay umiyak dahil namimiss na silang dalawa nang bunso nila.
Nakabili na Rin Naman nang Sariling lupa at lumipat na Doon Ang mga magulang nya, malayo sa dating Bahay nila. Siguro Naman ayos na kung umuwi sya. Tsaka para narin kapag nanganak sya, andyan Ang Mama nya para ma gabayan sya.
Tsaka Ang Sabi din Naman nang Mama nya ay nasa Manila si Cade, siguro Naman ay di na Rin sila pagtatagpuin pa nang Tadhana, after all what she was been through.
****
Pagod at puyat dahil sa byahe pero worth it Naman dahil nayakap at makasama na Niya Ang kanyang pamilya.
Malaki na Ang umbok nang kanyang tiyan, at kinabukasan nga ay mag tungo sya sa hospital para mag pa check up at mag pa ultrasound narin. Kailangan muna nyang mag pahinga sa Ngayon.
"Excited na kami na lumabas ka, ilang buwan nalang" hinahaplos nang kanyang Papa Ang kanyang tiyan habang kinakausap. Para namang nakakaintindi Ang anghel na nasa loob nang kanyang sinapupunan at biglang sumipa.
"Aba! Sumisipa Ang baby Namin, hi! Apo, ako Ang PapaLolo mo" napapangiti nalang sya. Napakaswerte nya at meron syang mga magulang na Ganito, na kahit Hindi man sila mayaman ay busog Naman sila sa pagmamahal.
"Aba! Ang limot mo nga Dyan sa loob ah, wag mong pahihirapan Ang Mommy mo ha" lumapit Naman Ang kanyang Mama at nakihimas din, pati mga Kapatid nyay lumapit din at inilapat pa Ang tainga sa tiyan nya. Nagkakatuwaan sa tuwing sumisipa sa loob Ang kanyang anak.
Napapngiwi nalang sya dahil sumasakit na Ang tiyan nya sa ka likotan nito sa loob.
'wala man Akong yaman na maibibigay Sayo anak, bubusogin ka Naman Namin nang pagmamahal naming lahat kahit pa Wala ang Daddy mo' napangiti na na sya nang mapait habang hinihimas Ang kanyang tiyan.
Mag Isa nalang sya Ngayon sa Kwarto nya.
Napatitig sya sa kaliwang kamay, nakasuot pa Pala Ang engagement ring at bracelet na bigay ni Cade.
"Ang tagal na pala nito sa kamay ko, Ngayon ko lang napansin?" napapailing nalang na wika nya sa sarili.