“Argh!” Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang sakit nito. Ito na naman tayo sa hangover. Tinanggal ko ang comforter na nakabalot saakin nang mapansing wala ako sa unit ko. What the heck? Nagpauwi ako?! That’s impossible! Dapat tinulak ko siya palayo, bakit ko hinayaang mangyari ‘to?! Tama! Si Ysa! Wala siyang kotse pauwi. Sana naman isinabay siya nila Chris. Agad kong kinuha ‘yung phone ko at tinawagan ang babaeng ‘yon. Medyo natagalan pa bago niya sinagot, “Asan ka? Sorry, hindi kita nasamahan.” Nakarinig naman ako ng buntog-hininga sa kanilang phone. Sign na hindi nga niya nagustuhan ‘yung ginawa ko. Mas nakaramdam naman ako ng guilt. Hindi lang sarili ko ang napabayaan ko, pati na rin ang kaibigan ko. [“Gusto ko mainis sayo, pero susuportahan nalang kita. Kasi ngayon ka l

