MMAC 16

2028 Words
"Hindi ko tinatanong," As much as possible, gusto kong tanggalin na siya sa sistema ko. Ayoko nang isipin siya, at ayoko nang magpaapekto sakaniya. Sawang-sawa na ako sa bagay na iyon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangang iklaro saakin na hindi siya kasal o enggaged. Anong pakialam ko? Ano ba kami? Isinara ko ang pintuan ng kotse niya at umakyat na kaagad sa unit ko. Kumuha agad ako ng tubig at nilagok iyon. Inisip ko na siya kagabi, tapos mukhang guguluhin ulit niya ang gabi ko ngayon. Kailan ba ako makakamove-on sa'yo Aldwin? Bakit ka pa kasi nagpakita ulit? Hindi maaga ang klase ko kinabukasan kaya late na ako pumasok. Buti nalang at wala masyadong professors sa faculty. Inilagay ko na ang mga gamit ko sa table at nireview ang powerpoint ko para mamaya. "Excited na ako mamaya!" Sabi naman nitong katabi kong prof. Kinikilig pa siya na parng teenager kaya napailing nalang ako. "Ano meron?" Tanong ko agad sakanoya kaya binalingan niya ako ng atensyon. "Ililibre daw tayo ni Aldwin ni lunch, remember? Crush ko 'yon e!" Sabi pa nito. Napasinghap nalang ako nang sabihin niya 'yon. Kakain na naman with him? Ayoko muna, baka mawalan ako ng gana. Dumiretso ako sa klase ko nang mag alas dyes. As usual, may mga nakikipagchismisan saakin studyante, may mga nakikinig, at may mga pasaway. Normal lang naman iyon. Normal lang na may makita kang iba't ibang uri ng studyante sa klase mo. Bawat isa kasi sakanila ay may iba't ibang kakayahan at pag-iisip. Para saakin, hindi mo sila pwedeng pwersahin na gawin ang bagay na hindi naaayon sakanila. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi ako naging strikto sa mga studyante ko. Naaappreciate naman nila 'yon, kaya close sila saakin. Pagkatapos kong magturo, bumalik ako ng faculty para maglunch break. At 'yong mga co-professor kong mga babae na single ay todo ngiti. Hindi naman halatang naghihintay sila ng free lunch noh? O free group date with a guy? "Everyone, is it okay if we eat Pizza for lunch?" Tanong ni Aldwin habang nakatayo sa gitna ng faculty room. Agad namang pumayag sakaniya 'yung mga prof do'n. Sigurado ba talaga siyang ililibre niya lahat ng 'to? Baka masayang lang shaod niya, hindi pa naman ganun kalakihan ang sinusweldo. Naghanda na silang umalis dahil baka matapos ang lunch break. Napansin naman ng ibang prof na hindi ako gumagalaw. Iyon ay dahil wala akong balak sumama. "Hindi ka ba sasama?" Tanong ng isang professor. "Gusto ko sana kaso may kailangan pa pala akong tapusin," pagsisinungaling ko. Para naman hindi nila mahalata na nagdadahilan lang ako, kaya sinabi kong 'gusto ko sana'. "Aww, sige. I'll just tell them nalang." Sabi nito at sumunod na sakanila. Ngayon naiwan akong mag-isa rito sa faculty room. At wala akong ginagawa, how boring! Ayoko rin namang kumain mag-isa dahil sobrang nakakalungkot iyon. Tangina kasi! Ang lakas parin ng epekto niya. Bakit niya napapatiklop ang isang katulad ko? Gusto ko pa ba siya? Syempre hindi na! Siguro konting pagkamiss lang sa moments namin dati. Kaya dapat talagang magboyfriend na ako eh. Para mapalitan na memories ko. Tama! Magdadownload nalang ako ng dating app! Iyon nga ang ginawa ko at namili rin ako ng tatlong best picture ko. Nang makuntento ako, sinimulhan ko na ang pagsaswipe sa mga lalaking hindi ko naman kilala. Nagulat lang ako nang bumukas 'yung pinto ng faculty room at iniluwa nun si Aldwin na parang walang gana. Napatingin siya saakin at bigla akong kinunutan ng noo. "Why are you here alone?" Tanong nito. Nakapamulsa lang siya at nag-aabang ng sagot ko. "May inaasikaso ako, eh. Ikaw? Bakit ka bumalik?" Feeling ko, double meaning pa 'yung tinanong ko sakaniya. Hays. Ipinatong naman niya ang braso niya sa taas ng cubicle wall, "I don't like eating in crowded place." Sabi nito. Sabagay, he's like an introvert. "Ahh. Pero ikaw 'yung nag-aya na kumain kayo sa labas, 'di ba?" Pagkaklaro ko dito. Siya kasi 'yung host, dapat hindi niya iniiwanan 'yung mga pinapakain niya. "I just told them that I'll treat them. I never said I will eat with them." Paliwanag niya kaya napatango naman ako. "Okay." Itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa dating app at nagswipe swipe nalang doon. May mga nakamatch na ako pero hindi ko muna sila chinat. "What are you doing?" "Ay gwapo!!" Halos malaglag ko ang phone ko nang magsalita si Aldwin na nasa likod ko na. Inis na napaharap ako sakaniya. Bakit ba siya lumapit? "Gwapo?" Tanong nito. Siguro half meter lang ang layo niya saakin kaya amoy na amoy ko siya. "Kung kakain ka, kumain ka nalang," sabi ko nalang. Tinuro ko pa 'yung room niya, "Doon sa office mo." Napasandal naman siya sa isang cubicle. At talagang hindi siya umalis. Nakapamulsa pa ito habang nakatingin saakin. "How about you? Kumain ka na?" Kung hindi ko lang ex 'to, iisipin kong dumadamoves siya. Ano ba nakain niya ha? Ahh, hindi pa nga pala siya nakakain. Kaya pala sabaw utak niya. "Diet ako," sabi ko nalang. Sana umalis na siya. Pero hindi eh, nakatayo pa rin siya malapit saakin. "I think you should eat too. I already ordered food, I'll just share it to you." Sabi nito. Napataray nalang ako. Ayoko sanang makipag-away eh. Pero ayoko rin siyang kasabay. Gusto ko tumanggi, pero baka isipin niyang apektado parin ako. "Sige, ilagay mo nalang dito sa table ko. Thanks." Sabi ko rito at iniwas na ang tingin sakaniya. Saktong gutom narin ako eh. "That's hassle." Kinunutan ko naman siya ng noo nang sabihin niya 'yun. Ang arte lang ha? Pero sabagay, libre niya naman. "Sige," napasinghap ako. "Pupunta nalang ako do'n pag dumating na yung pizza mo," sabi ko rito in my normal voice. Dapat makita niyang normal lang ako. Pero bakit ba niya ako inaaya? Hindi ba sya naapektuhan saakin? Siguro nga, ganun ganun nalang sakaniya lahat. "Sure, I'll wait." Simpleng sabi niya pero may makahulugang tingin. Hinintay ko namang dumating 'yung pizza. Ako na rin ang nagreceive since bayad naman ito. "Here's your order ma'am," sabi ng delivery guy na may malaking ngiti sa labi. Sinuklian ko rin naman siya ng malaking ngiti para nagkamatch ang mood namin. "Thank you." Sabi ko rito. Dinala ko na ang pizza sa office ni Aldwin. Napatingin naman siya saakin bago agad akong tinulungan na ilagay 'yon sa mesa. Isang malaking box 'yung binili niya and obviously, sobra sobra 'yun kung siya lang kakain mag-isa. Inabutan naman niya ako ng plato at disposable utensils bago kinuhanan ng pizza. "Thanks," sabi ko rito. Kumuha rin siya ng share niya at inilagay iyon sa plato niya. "I hope you like this flavor," sabi niya. Kinagatan ko naman 'yung pizza ko, ofcourse I like this flavor! Hindi ko alam na darating 'yung araw na kakain ulit kaming dalawa. Tipong nasa harap ko lang siya. Bawat pagsubo, pagkagat at paglunok niya, nakikita ko. Parang wala siyang problema, parang walang nangyari. Somehow, I can see contented man in front of me. "You love your students, don't you?" Tanong nito. So curious na rin siya sa work ko? Sabagay, strict soyang teacher. Gusto lang siya ng mga studyanteng crush siya. "Oo naman. Tinuturing ko silang parang anak ko." Sabi ko rito. Uminom muna ako ng tubig bago sinalubong 'yung tingin niya. "And they also like you," hindi 'yon tanong kaya hindi ako sumagot. Ngmiti lang ako hilang tugon. "As a women." Sabi pa nito. Napaisip naman ako saglit sa sinabi niya. My student likes me as a women? Anong ibig niyang sabihin? "Bakit, hindi ba ako women?" Saglit naman siyang napatawa habang umiiling. "I mean, some don't like you as a teacher but as a women." Sabi nito. Hindi ko pa rin nagets. Bakit ganun? Hindi naman math problem 'yung sinabi niya pero hindi ko maintindihan? Hinayaan ko nalang siya at kinain 'yung last bite sa plato ko. "Alam mo, may gagawin pa ako." Sabi ko rito at iniligpit ang mga pinagkainan ko. May natira pang ilang slices ng pizza, pero 'wag na niyang asahan na uubusin ko 'yon. "Thank you sa meal!" Tumayo na ako nang tumayo rin siya. Kaya napaharap tuloy ako sakaniya at kinunutan siya ng noo. "Lalabas ka rin?" "Nope. I'll just ask you one more thing," seryosong sabi nito habang nakapamulsa. Nakita ko ring kinamot nito ang batok niya bago tumingin saakin. "What?" Tanong ko. Saglit naman siyang napaisip. Pinanood ko lang siya habang dinidilaan niya ang ibabang labi niya na parang nay pumipigil ssakaniyang sabihin ang bagay na 'yon. Ayoko rin namang mag-over think. "Aldwin bakit bigla kang umal--oh, hi Jarelle." Naagaw nang atensyon ko 'yung biglang pumasong ng room ni Aldwin. Napatingin ako sakaniya at ngumiti rin pabalik. "Hello Michelle." Medyo napataray naman siya at diretsong pumasok sa faculty. Isa siya sa pinaka-ayaw ko rito. Mas b***h pa siya sa dati kong kaaway nung college eh. "Aldwin, bakit ka biglang umalis?" Malanding sabi nito, ignoring my presence. Napatungin pa siya sa pizza na kinain namin. Ngumiti naman pabalik si Aldwin. Wow friendly na niya ha! "Sorry, I just forgot something here," sabi ni Aldwin. Pero iba namab 'yung dahilan niya kanina. Sinungaling talaga. Umalis na ako ng silid na iyon at dumiretso sa mesa ko. Napahilot naman ako nang sentido nang si Aldwin na naman ang topic ng katabi kong babae. "Tingin mo magiging sila ni Michelle? Ako pupusta ako, magiging sila." Sabi nung isang babaeng prof. Nagpustahan pa. Mabuti nalang at oras na ng klase ko. Nagturo lang ako saglit at binigyan ng free time ang mga studyante ko. Maaga rin akong nagdismiss dahil gusto ko nang umuwi. Mabuti nalang at konti lang ang klase ko ngayong araw. Pauwi na ako nang tumawag saakin si Karylle. Napangiti naman ako. Bihira nalang kasi nagpapakita ang babaeng 'to dahil busy na rin siya sa buhay niya. "Hi Karylle, kumusta?" Tanong ko kaagad rito. ["Pretty alright, I guess? By the way, I'm hosting an event this weekend. You have to come."] Sabi nito sa masiglang boses. "Sure, send mo lang saakin 'yung details." ["Alright. And please, bring a date. Forever single ka nalang ba girl? Time's running you know?"] Panglelecture nito saakin. Mula kasi nang naging single ako, lagi niya na akong pinapaalalahanang magpalit o maghanap ng bago. Kaso hindi narin ako interesado. Weird nga eh. Nagka-ex rin naman ako ng professor dati, pero nakaya ko paring sumugal sa panibagong relasyon. Nung naghiwalay naman kami ni Aldwin, parang wala nang mas better na lalaki. Pakiramdam ko, ang papanget nilang lahat. "Bahala na." Sabi ko rito. Ibinaba naman niya ang tawag. Dumiretso ako sa condo ko at ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi na ako makapaghintay na matapos ang 1 year contract ko sa school na 'yon. Hindi ko naman kasi talaga planong magturo. Kaso lang, kailangan ko raw munang kumuha ng experience para matanggap sa papasukan kong company. Marami silang suggestion, pero Chemistry professor ang napili kong kunin. After one year, sure nang makakapasok ako sa company na 'yon. Ngayon ko lang narealize 'yong epekto ng kabobohan ko dati. Kung tinuloy-tuloy ko sanang mag-aral ng mabuti, ay baka mas madali kong makukuha ang gusto kong trabaho. Sa katapusan nitong sem, tapos na rin ang contaract ko. Chineck ko 'yung date bago nagcheck ng social media. May mga studyante kasing nagtatanong through social media. Nakita ko naman agad na may panibago na naman akong friend request kaya kinclick ko kaagad 'yon at account ni Aldwin Montero ang bumungad saakin. Inunfriend ko nga pala siya dati. Buti nga, hindi ko binlock, e. Katrabaho ko naman siya kaya I'll treat this professionally. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng sistema ko na katrabaho ko na 'yong dati ko lang na teacher. Pagkaaccept ko, nagnotif agad ang messenger ko. Aldwin Montero: Hey. Can I ask? Nagdalawang isip naman ako kung sasagutin 'yun. Tapos naalala ko kanina na may itatanong din pala dapat siya. Baka itatanong na niya ngayon. Jarelle AU: ano? Aldwin Montero: Regarding the foundatiom week... Sinagot ko maman lahat ng tanong niya sa foundation week na 'yon. Nalaman ko rin na Monday to Wednesday lang pala siya nagtuturo sa university dahil part-time lang pala siya. Kaya ang dami niyang tanong about sa foundation week and other events. Pwede naman niyang itanong ang mga bagay na 'yon sa ibang teachers eh. Bakit saakin pa? Jarelle AU: Sige na, maaga pa klase ko bukas. Pagpapaalam ko rito. Baka kasi magtanong pa siya, atleast informed na siya na hindi ko na masasagot yung next questions niya. Nakakaloka nga eh, sobrang matanong na pala niya ngayon. Hindi naman siya ganito dati. Bakit ba siya nagbago? Aldwin Montero: I still have a lot of things to ask. But thanks for answering my questions for now :)  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD