"Ano ba talaga tayo?" These past few days, naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Part of me says that I like him too, but of course, I keep telling myself na masyado naman atang mabilis ang lahat. Marupok lang ba talaga ako o nangungulila? Gusto ko ba talaga siya o 'yung idea? Napakamot siya sa batok niya at tumingin saakin ng may pag-aalinlangan. Nag-aalinlangan pa siya kung magsasalita ba siya o hindi. Kung ayaw niyang sagutin, okay lang naman. Pero sana, 'wag niya akong bigyan ng false signal. "Nevermind." Tumalikod na ako para mauna nang umakyat. Hindi naman siya nakasunod saakin kaya nakapasok ako sa elevator ng mag-isa. Bumuga nalang ako ng malaking hangin. Ibubuga ko na lahat ng frustrations ko sa buhay. Si Aldwin, ang past namin,

