"Jarelle, I'm so sorry."
Napatahimik ako habang pinapakinggan si Arman na nakatayo rito sa may table ko. Mabuti nalang at wala 'yung mga teachers na katabi ko.
Hindi ko siya pinansin at itinuon lang ang atensyon sa class record ko. Ramdam ko namang nagiguilty siya at sincere siyang humingi ng tawad.
Umupo siya sa pwesto sa tabi ko. "Pa'no mo ba ako mapapatawad? Gagawin ko lahat."
Kanina pa kasi siya nag-eexplain na hindo raw niya nacontrol 'yung urge niya kagabi. Dahil nga matagal na niya akong gusto, akala noya ay binibigyan ko na siya ng chance nung pumayag akong kumain kasama siya.
Kaya nga ayokong pumunta sa mga dates niya dahil alam kong mamimisinterpret niya 'yon. Tapos ngayon, sasabihin niyang nadala lang siya ng emosyon? Wow ha.
"Tumigil ka na. Atsaka, pwedeng 'wag mo muna akong guluhin?" Hindi ko matiis na sabi rito. Pero dahil persistent siya, hindi siya umalis sa tabi ko at mas lalong nagpaawa saakim.
"I will do anything. Everythimg, patawarin mo lang ako." Napahawak naman ako sa sentido ko. Pakiramdam ko tuloy nakikipag-usap ako sa bata.
Naiintindihan ko namang nililibugan rin siya, pero kaibigan niya ako! Parang pinakita lang niya na wala siyang respeto saakin.
Mabuti nalang at umalis na rin siya dahil may klase pa siya. Ganun rin naman ako. Pagbalik ko ng faculty, may nakita agad akong chocolates sa table ko at sorry letter. Napailing nalang ako.
"Manliligaw?" Tanong ni Gerald na katabi ko. Umiling naman agad ako.
"Hindi ah," sabi ko pa. Pero mapang-asar lang ako nitong tiningnan na parang hindi kapani-paniwala 'yung sinabi ko.
Lunch break nang maisipan kong huwag sumama sa mga kaibigan kong maglunch. Buti nalang at may biscuit akong tinago sa bag ko kaya ito nalang muna ang kakainin ko.
Medyo awkward rin kasi dahil kasabay nilang kumain si Arman.
Pumasok si Aldwin sa faculty kaya nagkatinginan kami. Pero agad rin siyang umiwas at dumiretso sa room niya na parang walang nakita. Pero pag-ibang professors ang nakita niya, ngingitian niya at babatiin pa. Asan ang hustisya?
Ang laki parin ng galit niya saakin! Akala mo naman, hindi niya ako hinatid kagabi.
Nang mag-uwian, laking pasasalamat ko nang hindi ako ginulo ni Arman. Nakaramdam siguro siya na mas magagalit ako sakaniya pag kinulit pa niya ako.
Dumiretso ako sa mall dahil may kikitain akong long lost friend. Nagtext siya kaninang umaga na nandito na raw siya sa Manila. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakikita kaya excited akong puntahan siya.
"CHRIIIIS!!" Masayang bati ko rito! Nakota ko ang pagguhit ng malaking ngiti sa labi niya. Agad akong lumapit sakaniya para makipagbeso ng lumayo siya.
"Why?" Tanong ko rito. Wala naman sigurong germs ang mukha ko noh?
"Bawal eh," natatawang sabi niya. Napailing nalang ako. Mas lalo na siyang nagong strict sa pwede niyang gawin eh.
Hinampas ko nalang siya sa braso, "Akala mo naman, kakainin kita! Hahahaha!" Pambibiro ko rito.
Tinawagan rin namin si Ysabelle para makapagbonding kaming tatlo. Napagpasiyahan namin ni Chris na maglibot muna sa bookstore habang hinihintay si Ysa. Hindi kasi pwedeng mauna kaming kumain.
Nasa non-fiction section kami ng National Book Store nang mapansin kong may kausap si Chris na babae. Nakatalikod ito mula saamin kaya hindi ko makilala. Hinayaan ko nalang siya dahil alam kong hindi iyon si Ysabelle.
"Chris, dumating na raw si Ysa." Sumingit na ako sa kanina nang makatanggap ako ng text kay Ysa. Napalingon naman saakin 'yung babae at halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino ito.
"You look familiar," mataray na sabi nito saakin. Hinead to foot pa ako nito. Hindi naman ako nagpatinag at tinaasan siya ng kilay.
"Sorry, I don't know you." Pagsisinungaling ko rito. Nabaling naman kay Chris ang atensyon niya.
"So this is your girlfriend?" Tanong nito habang nirorolyo ang buhok. Boses palang niya nakakairita na! Hindi ko alam kung bakit nakita ko pa siya ulit.
Wala naman siyang kasalanan saakin pero hindi ko maintindihan kung akit bwisit na bwisit ako sakaniya.
"Sorry Natasha, kailangan na naming umalis," paalam ni Chris rito. Mukhang pipigilan pa siya ng babae pero plastik lang itong ngumit kay Chris bago ako tinarayan.
Bakit kaya sila magkakilala ni Chris? Ahh malamang. Fiancee nga pala siya ni Aldwin, at magpinsan naman sila ni Chris. So cousin-in-law?
Naramdaman ata ni Chris na medyo naging unconfortable ako kanina kaya hindi na niya inopen topic iyon. Dumiretso nalang kami sa restaurant dahil doon daw maghihintay si Ysabelle.
"Oh, broken ka na naman?" Tanong ko nang makota si Ysang nakapalumbaba. Lagi nalang malungkot 'tong babaeng 'to. Umupo ako sa tabi harap niya at si Chris naman sa tabi ko.
"Yak Ysa! Hindi bagay sayo mag-emote!" Pang-aasar ni Chris. Napatingala naman si Ysa at biglang lumiwanag ang mukha.
"CHRIIIIS! Long time no see!" Masayang sabi nito. Balak pa niyang ibeso si Chris nang tumanggi na naman ito. Napailing nalang ako.
"Hoy, nabalitaan ko lasinggera ka na daw!" Sabi pa ni Chris rito. Humalukipkip naman si Ysa
"Excuse me, party girl! Hindi lasinggera." Pangangatwiran nito. Parehas lang naman 'yun, pinaganda lang term.
Nag-usap usap lang kami about sa mga nangyari saamin. Nakakatuwa nga kasi si Chris napakagago parin. Si Ysa naman, lumalabas ang pagkastrikta.
Sila na ang naging circle of friends ko nung college. Ang swerte ko nga dahil hanggang ngayon, kaibigan ko pa rin sila. Nakakatuwa lang na pareho pa rin ang turingan namin kahit dalawang taon na ang nakakalipas.
"Si Jarelle nga 'di na nagjowa ulit nung hiniwalayan siya ni sir Aldwin!" Nakuha naman agad ni Ysa ang atensyon ko. Tsismosang 'to! Napatingin tuloy saakin si Chris na punong-punk ng pagtataka.
"Seryoso? Balita ko meron na eh," sabi ni Chris. Umiling-iling naman si Ysa.
Pero teka, kanino naman niya nababalitaan na may jowa na ako? Ang layo-layo kaya niya!
"Wala! Loner nga 'yan." Banat pa ni Ysa.
"Maka-loner naman 'to. Madami kaya akong kaibigan." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi, tinutusta ako ni Ysa. Pasalamat siya, problemado siya kung hindi, gagantihan ko talaga 'tong babaeng 'to.
"Jarelle, sorry sa ginawa ng pinsan ko ha." Napalingon ako kay Chris. Naalala ko na naman tuloy si Aldwin. Kaya medyo ilang ako kay Chris dahil alam kong magpinsan sila. Naiilang ako pag ganito, 'yung hihingian niya ng tawad 'yung pinsan niya.
Pinilit ko namang ngumiti, "'Wag na natin siyang pag-usapan." Sabi ko sakanila. Buti nalang at nakuha nila ‘yung hint na hindi ko gusto ‘yung topic.
Hindi ko na pinaalam na nasa iisang paaralan lang kami ni Aldwin. Hindi naman siguro necessary 'yon.
Nang matapos kaming kumain, napagpasiyahan na naming umuwi. Maghahating gabi na nang makarating ako sa condominium ko.
Pagod na pagod ang katawan ko. Parang gusto ko nalang humilata sa kama hanggang bukas.
Maaga akong nagising kahit na hindi maaga ‘yung klase ko. Bihira lang mangyari ang mga ganitong araw kaya sinusulit ko na. Nagworkout ako saglit at nagluto ng masasarap na breakfast.
Pagdating naman sa university, binati ko ang mga ka-trabaho ko.
“Ang aga natin ngayon ah,” Sabi ni Gerald na katabi ko lang. Napatawa naman ako ng mahina. Lagi kasi akong late or sakto lang pumasok tuwing Wednesday, bibihira lang mangyari ang ganito.
“Syempre naman, ako pa ba?” Pambibiro ko rito. Nagpaalam naman agad siya dahil may klase pa siya. Ako naman ay maghihintay pa ng 30 mins, ganun ako kaaga.
Dahil maganda pa ang panahon sa labas, lumabas muna ako ng faculty at tumambay sa garden na nasa likod lang ng building namin. Malapit lang rin rito ang parking lot kaya kitang-kita ko ‘yung mga paating na studyante.
Ang sarap sa pakiramdam kapag umaga. Ang lamig ng simoy ng hangin, parang walang kaproblema-problema ang mundo. Ito ang paborito kong oras e.
Nakita ko naman ang kotse ni Aldwin na nagpark. Medyo malayo pero kita ko pa rin. Bumaba siya ng kotse niya at akala ko ay didiretso na siya papasok ng building pero umilot siya sa passenger seat at binuksan ‘yun. Bumaba si Michelle do’n. Ngumiti pa ang bruha kay Aldwin at malanding humawak sa braso na agad rin namang tinanggal ni Aldwin.
Napailing nalang ako sa nakita ko. Kahit sino talaga, lalandiin ng babaeng ‘yon. Sakto pang si Aldwin ang gusto niyang binggwitin, eh cheater naman.
Pumasok na ako sa faculty dahil medyo sumama na ‘yung umaga ko. Inayos ko na rin ang gamit ko para makapunta na ako sa first class ko.
Palabas na ako namg makasalubong ang dalawa sa may pinto ng faculty. Ngumiti saakin si Michelle kaya nginitian ko rin ito pabalik, kahit medyo fake.
“I saw you yesterday sa bookstore! May boyfriend ka na pala?” Biglang sabi nito. Napaisip pa ako saglit sa sinabi niya. May pagkachismosa rin kasi si Michelle lalo na sa lovelife ng ibang tao.
Naalala ko naman bigla si Chris. Siya ‘yung kasama ko sa bookstore.
Napatingin naman saakin si Aldwin. Pero walang emosyon sa mata niya. Ano bang ineexpect ko? Magseselos siya? Get your semses back Jarelle! Manloloko ‘yan.
Nagpapalandi na nga siya kay Michelle eh. At nang-iinit ang ulo ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘tong pagkairita sa emosyon ko. Siguro dapat na rin akong magboyfriend. O baka naiirita lang ako dahil may bago na namang lolokohin si Aldwin?
“Actually, may klase pa ako. Usap nalang tayo sa susunod, Michelle.” Paalam ko rito at umalis na ng faculty.
Nagpaquiz lang ako buong araw kaya hindi ako naubusan ng lakas. Lunch time nang inaya ako ng mga studyante ko na makilunch party sakanila dahil birthday daw ng isa nilang kaklase.
Na-touch naman ako. Bibihira nalang kasi ‘yung studyanteng nagc-celebrate ng birthday kasama ‘yung blockmates niya sa school. Usually kasi, friends lang nila and after school ang celebration.
Pero mas na-touch ako dahil inimbitahan rin nila ako. Hindi man ako ‘yung adviser nila, pero dahil gusto ako ng mga studyante ko, sinama nila ako.
Ginamit nilang classroom ay ‘yung gagamitin nila sa next class.nakadecorate ‘yung bong classroom ng balloons and flowers. May cake rin, pizza, pasta and chicken. Lahat ng ‘yon ay take-out.
“Hi ma’am! Kain ka lang ha, ‘wag kang mahihiya.” Lumapit saakin ‘yung isa kong studyante. Sinamahan niya pa akong pumunta kung asan ‘yung mga pagkain.
“Wow Mike, ikaw may birthday ha?” Pangangsara nang mga blockmates niya. Siya kasi ‘yung nag-aassist saakin kaya mukhang siya ‘yung host nitong salo-salo nila.
“Ma’aaaaam! Gift ko?” Salubong naman saakin ni Vincent— yung may birthday. Natawa naman ako saglit sa pag nguso noya pero humupas rin iyon namg maalala kong wala nga pala akong regalo.
“Pwedeng bukas nalang?” Tanong ko rito. Halos mapatalon naman siya sa tuwa na ikinagulat ko.
“Kay ikaw favorite teacher ko eh!” Sabi nito at tumabi saakin para kumain. Napansin naman iyon ng mga kablockmate s niya kaya agad siyang tinukso.
“Vincent, wag mo namang ipahalatang crush mo si ma’am!” Sabi ng isa niyang blockmate. Natawa naman ako lalo ma sa reaksyon ni Vincent na parang hindi maipinta ang mukha.
“Gago! Kayo nagpapahalata eh!” Sabi ni Vincent. Napailing nalang ako. Birthday naman niya so pagbigyan nalang natin.
Hindi na rin ako nagugulat pag nalalaman kong may studyante akong nagkakagusto saakin. Mabait ako sakanila at considerate, siguro isa iyon sa mga dahilan kung bakit akala nila ay crush nila ako. Hinahayaan ko nalang dahil maging ako noon ay mahilig rin mangtrip ng mga professors.
So sobrang hilig, nagiging jowa ko pa.
“And’yan na si sir!” Biglang tili nung babae niyang bloclmate. Napatingin naman ako sa pinto nang pumasok do’n si Aldwim. Anong ginagawa niya rito?
“Hindi talaga tatanggihan ni sir ang advisory class niya!” Masayang sabi ng isang studyante. Binati naman niya ang mga ito hanggang sa napadapo saakin ang tongin niya. Nagtaka pa siya. Kulang nalang, itanong niya saakin kung anong ginagawa ko rito.
Akala ko lang wala siyang advisory class since bagong prof lang siya.
“Ay sir, inbitahan din namin si ma’am, kasi favorite teacher ko siya,” paliwanag ni Vincent nang mapansin ang nagtatakang tingin saakin ni Aldwin.
“Ulol Vincent, crush mo lang si ma’am eh!” Nangasar ulit ‘yung kaibigan ni Vincent kaya minura nalang niya ito pabalil.
Napaiwas naman si Aldwin ng tingin at dumiretso nalang sa mga pagkain. Ang daming nag-aassist sakaniyang mga babae. Partida pati pagkuha ng mga plato, sila na ang gumagawa. Mukha bang pilay si Aldwin? Kayang-kaya niya yan gawin eh.
Grabe pa makangiti ‘yung isa. Halos nagiging kamukha na niya si Momo. Mapupunit na labo niya kakangiti eh.
“Bet mo si sir, ma’am?” Nabaling naman angtingin ko kay Vincent na mahinang bumulong saakin. Napansin yata niyang tinititigan ko si Aldwin. Pero duh? Si Aldwin, bet ko? Err.
Umiling naman ako kaagad. “Hindi ah,” pagtinggi ko rito. Mapang-asar naman ako nitong tiningnan.
“Weeeh? Ba’t parang fishy?” Mahina ulit niyang sabi. Parang iniingatan pa niya na hindi kami marinig ng ibang studyante dahil sekreto ko ang pinag-uusapan namin.
Naappreciate ko naman ‘yung paghina ng boses niya, perp para kasing sinasabi niya na sure siyang bet ko si Aldwin.
Sinangutan ko nalan siya, “Wag na nga natin siya pag-usapan.” Sabi ko rito. Pero dahil likas sakaniyang mang-asar, tumawa nalang ito bigla kaya napatingin saamin lahat, pati si Aldwin.
“Sorry guys, nakakatawa kasi si Ma’am eh,” paliwanag niya. Buti nalang at hindi na iyon inissue ng mga ka-blockmates niya at timuloy na ang kaniya-kaniya nilang ginagawa. Umingay ulit sa classroom.
“Grabe, feeling ko tutustain ako ni sir. HAHAHA!” Bulong ulit nito saakin. Napakunot naman ako ng noo at pasimpleng tumingin kay Aldwin na nakatingin pala saakin. Iniwas agad niya ang tingin niya at ibinaling iyon sa mga babaeng kausap niya.
Ngumiti naman siya sa mga babae niya. Sabagay, namuhay siya dati bilang good boy. Ngayon lang sigiro niya mailalabas ang baho niyang mahilig siya sa babae.
“May something talaga sainyo,” bulong ulit ni Vincent. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Lumapit narin saamin ‘yung mga kablockmate niyang lalaki at nakipagkwentuhan ng kung ano-ano.
Nagtatanong lang sila about babae, like anong gusto ng mga babae at bakit ganito ang jowa nila. Sinagot ko naman lahat ng iyon hanggang matapos ang lunch time.
Sabay kaming bumalik ni Aldwin sa faculty, pero mas nauna siyang naglalakad. Ayoko nang sumabay sakaniya! Dumaan din ako ng C.R. para hindi ko siya masabayan.
Tinapos ko na ang klase ko ngayong araw. Inayos ko rin yung desk ko bago nilabas ‘yung car keys ko at nagpaalam sa co-profs ko.
Dumiretso ako sa kotse pero nasa garden palang ako nang mabangga ko si Aldwin. Napatingin naman ako kaagad sakaniya.
Napaatras ako nang makita ang nakakamatay niyang tingin. Parang ang laki ng kasalanan ko sakaniya. Dinilaan niya pa ang labi niya.
“Excuse me, nakaharang ka,” Sabi ko sa walang emosyong boses. Pero ang totoo ang naiinis ako sakaniya.
Hindi parin siya umalis sa pwesto niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. May gusto ba siyang sabihin saakin?
“When you were a student, you like your professors,” panimula niya. Na-wiwierduhan naman ako agad sa pinagsasabi niya. “And now that you’re a professor, studyante naman ang gusto mo?” Bakas sa boses niya ang pagkadisappointed na para bang napaka unethical kong tao.
So anong pinaglalaban niya? Na bet ko mga studyante ko? What the hell.
Ni hindi ko nga maimagine ang sarili ko na dinidate sila. Ang sabihin niya, siya ‘yung mahilig sa studyante! Bakit binabaligtad niya ako?
“Pakialam mo ba?” Mataray na sabi ko rito. Nakapamulsa lang siya habang binabasa ang mukha ko. Hindi ba siya nao-awkwardang titigan ako?
Hindi naman ako nagpatalo sakaniya at tinitigan rin siya.
“Hindi ka pwedeng magkagusto sa iba.” Then he walked out, leaving me speechless.