-Natalia- "ANO bang kailangan mo sa akin?" mahinahon kong taong kay Gray. Wala akong idea kung bakit n'ya ako dinala dito. Naglalakad ito papasok ng bahay n'ya na hindi man lang nagsasalita. "Gray!" habol ko sa kan'ya. Hinawakan ko ang braso ni Gray para pigilan ito sa paglalakad, pero napaupo ako sa floor ng bahay n'ya sa pagtulak nito sa akin bigla. Napapikit ako dahil sa sakit ng likod ko na tumama doon sa dulo ng sofa n'ya. "Wala na akong tiwala sa 'yo!" Bawat salita n'ya ay dama ko ang galit na gusto nitong ipaalam sa akin, pero hindi ko alam kung dapat ko bang makuha dahil mali ang iniisip n'ya. Tinignan ko si Gray na kalmado lang ang mukha ko. Gusto ko s'yang sigawan o labanan man lang, pero hindi ko magawa. Bakit gusto ko s'yang intindihin? Kahit na mali naman ang paratang

