-Natalia- "TATTOO, 'yung tattoo mo ay mayroon din ako," bigla kong saad sa gitna ng tension ni Gray at Nelson sa pagitan ng linya sa phone. Mabilis na nalipat ang galit na tingin ni Nelson sa akin, at mabilis na nagsalubong kilay nito dahil sa binitawan kong salita. Kinakabahan ako ngayon, pero hindi ko maisip kung bakit. Hindi ito ang nararamdaman ko dati, pero buo na ang plano ko simula ng mawala ang kapatid ko; at ang planong iyon ay ang patayin si Nelson, pero mayroon akong pakiramdam na kakaiba. "What do you mean?" seryoso n'yang tanong. "Don't, Natalia!" Iniwas ko ang tingin ko kay Gray. "Ang plano ni Gray ay patayin ka dahil sa paghihiganti nito sa 'yo," panimula ko. Tinignan ko ng seryoso si Gray sa screen ng phone at saglit na huminga ng malalim. Trust me, Gray.

