-Natalia- "GUSTO mo ito? Or ito? Tell me, Honey!" Napalingon ako kay Yaya Luz na abalang naglalagay ng pagkain sa dinning table habang ang pasaway n'yang alaga ay pinapahiya ako. Pansin ko ang pamumuo ng ngisi mula sa labi ni Yaya Luz na parang inaasar pa ako. Napasapo na lang sa ulo ko habang seryosong tinitignan ang lalaking kaharap ko. Gangster ba talaga ang isang ito? Parang lampa lang kung titignan, at hindi pa sanay magseryoso. Tinignan ko ang paglagay n'ya ng fried chicken sa plate ko. Ayoko na talagang lumabas ng kwarto ko dahil laging sumusulpot si Gray sa paligid at napipikon lang ako. "Tumigil ka na, Gray!" pikon kong saway sa kan'ya. Tinignan n'ya lang ako saglit, pero pinagpatuloy n'ya ang paglalagay ng kanin sa akin. "Call me Honey," saad nito. Napapikit na

