-Natalia- "MAGPAHINGA ka na," saad ni Samuel sa akin. Ten na ng gabi, pero kalahati pa lang ng second floor ang nalilinis ko. Dalawang beses kasing pinaulit ni Gray 'yung first floor kaya ngayon lang ako nakarating dito sa second floor. Sobrang sakit na ng kamay ko dahil ayaw n'yang ipagamit ang panlinis dito sa bahay kaya mano mano kong ginagawa ang lahat. "Kaya ko pa naman. Ikaw ang magpahinga," saad ko. Tinignan ko si Samuel sabay ngiti sa kan'ya. Tinawag ko pa s'yang kalbo dati, pero ngayon s'ya pa ang mabait sa akin. "Sige na. Umalis ka, ginugulo mo lang ako dito eh," taboy ko kay Samuel. "Wala naman si Sir Gray kaya magpahinga ka na," pamimilit ni Samuel sa akin. "Hindi pa ako inaantok. Saka sanay ako sa ganitong gawain kaya ikaw ang magpahinga na," paliwanag ko. Sobrang sak

