CHAPTER 61

1453 Words

-Natalia- MAHIGPIT na kapit sa damit ni Gray habang ang dalawa kong braso ay nakapalupot sa malapad n'yang katawan, at patuloy na umaagos pababa ang luha ko. "Magpahinga ka na," bulong n'ya sa akin. Lalo akong humigpit ang yakap ko kay Gray dahil sa narinig kong salita. Hindi ako ganitong tao, na iiyak sa harapan na lalaki, pero kahit walang tiwala si Gray sa akin ay hindi ko mapigilan ang sarili kong pagkatiwalaan s'ya. Kumalas sa pagkakayakap si Gray sa akin. Hinarap n'ya ako na seryoso ang mukha. Hindi ko makita sa mata n'ya kung naniniwala ba s'ya sa akin o hindi. Inangat nito ang kanang kamay n'ya para ilapat sa pisnge ko at pinunasan ang kumakawalang luha sa mata ko. Pagkatapos n'yang gawin iyon ay tumayo na s'ya sabay talikod sa akin at tahimik na umalis. Naiwan akong mag-isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD