MARSHALL's POV Umuwi kami sa Pinas kasama si tita Fionna mga two weeks pagkatapos ng birthday niya. Pagkatapos nun ay na pagpasyahan kong mag-aral sa sarili ko ng pagluluto, dahil tutulungan daw kami ni lolo James mag tayo ng sarili naming restaurant para sa pag uumpisa. Makalipas ang dalawang taon ay nagkaroon na nga ako ng sarili kong maliit na resto, pagkatapos si Fiolee naman ay na tanggap bilang author sa isang sikat na book publishing agency. Minsan gumagawa siya ng comic at kung minsan ay nobela lang, masaya na kami sa simpleng buhay na ganito, at nung nakaraang araw lang ay ikinasal kami sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Sa park. Maraming nagtaka at na tuwa sa kasal namin dahil isa na naman iyong lumang park kung saan wala na syadong na puntang tao pero para sa’min m

