MARSHALL's POV Bakit ang saklap ng tadhana? Nandito kami sa bulletin board at nakikipagsiksikan sa mga istudyanteng nakikitingin din sa mga schedule nila. May kumokopya at may pinipicturan na lang ang schedule nila, lahat ng andito sa bulletin na ‘to ay mga HRM four years at two years course. KanIya-kaniya kasi kaming bulletin dito ng mga course masyado kasing madaming istudyante kung sa iisang bulletin lang ipopost ang mga announcement. “Na saan kaya si Fiolee?” Naghiwalay kasi kami saglit para daw mabilis namin mahanap ang mga schedule namin, siguro naman magkikita sila nung Reyly alam ko same sila ng course na kinuha. "Yow," napalingon ako sa kakaibang awra ng tumawag sa’kin, hindi ako nagkakamali bampira siya. “HRM dude?” Tumango ako. “YES! Sama ka sa’min lima lang tayong lalak

