MARSHALL's POV Ilang buwan na ba ang lumipas ng maganap ang pangyayari na ‘yun? Tatlo? Apat? ‘di ko alam. Pero ang alam ko lang ay wala na kong gana sa buhay ko, paulit ulit akong bumabalik sa bahay nila Fiolee at iniintay kung may babalikan ba sila sa lugar na ‘yun para may pagkakataon pa kong kausapin siya pero sa araw-araw kong pag punta doon wala ni anino nila. Na tanong ko rin sa admin sa school namin na nag credits na daw si Fiolee at wala silang alam kung saan ito lumipat ng school, kahit anong bagay o paraan para mahanap ko siya ay wala na. Hindi naman sa wala na kong pag-asa na baka sakaling bumalik siya dito sa unit namin at sabing miss niya na ko pero wala talaga eh, Ni text o tawag wala, blinock niya pa ko sa f*******: at lahat ng social media site. Iniisip ko nga kung ganit

