MARSHALL's POV Maagang na tapos ang exam namin at andito kami ngayon tambay sa field at nanonood ng mga naglalaro ng soccer. Nakakatamad naman kasi umuwi sa bahay tapos wala naman kaming pera ngayon para gumala kaya dito muna kami kwentuhan na lang dito sa lilim ng puno. “Dapat kasi nilagyan niyo ng pangalan na’tin ‘yung kubo,” sabi ni Jonas. “Tangek eh ‘di naman talaga atin ‘yun, hayaan niyo na minsan lang naman may tumabay doon,” sabi ni Shun, dapat kasi sa kubo kami tatambay kaso na unahan kami. “Guys may mga panaginip ba kayo?” Singit ni Dexter saka niya binaba ‘yung librong hawak niya. “madami kaso alam niyo ‘yung panaginip na hindi mo matandaan pero alam mo nanaginip ka tapos minsan ang gulo, kasi kunwari si Marshall ang kasama ko tapos mamaya ikaw na Shun.” kwento ni Jonas kay

