FIOLEE's POV Mabilis na tapos ang tatlong linggo, matutupad na rin ang matagal naming hinihintay. Hinihintay ng bawat istudyante sa pagtahak nila ng high school, ito ay ang graduation. Nagsimula na kaming mag martya bawat klase ng mga seniors bawat isa sa’min kaniya kaniyang ekspresyon kung pano namin tatanggapin ang graduation na ‘to. may masaya dahil matagal na namin ‘tong iniintay at may mga malungkot dahil ang apat na taon mong nakasama sa iskwelahan na ‘to ay hindi mo na makikita o pwedeng maging malayo na sayo. Dahil pagdating namin sa college ibang level na naman ng pag-aaral ang tatahakin namin bilang maging isang ganap na mamamayan. Kinakabahan ako na may halong excitement dahil madami na naman kaming haharapin sa college. Panibagong makakakilala at panibagong kakainisan, iba n

