MARSHALL's POV “Pano ko ba mahahanap ‘yun?” Bulong ko sa sarili ko habang patuloy ang paglalakad papuntang park. Sigurado naman ako na hindi na sila pupunta dito eh kaso baka makahanap ako ng bagay na pwede kong malaman kung na saan sila. Pero wala kahit isa, miske ang amoy nila sa hangin ay mahirap malaman dahil simula’t sapul si Fiolee lang naman ang nakakita at naka enkwentro nila. "Saan ba ko magsisimula?” Umakyat ako ng puno doon sa liblib na parte ng park. Iniangat ko ang katawan ko sa hangin, tama natutunan ko nang lumipad kaya baka mahanap ko sila dito sa taas. Patago akong nagmasinid sa bawat puno, lahat ng mga kakaibang kinikilos ay sinusundan ko. Iba’t ibang mag nanakaw na rin ang nabuko ko at nauubos na ang oras ko sa mga hinayupak na ‘to. Kada iskinita kasi ay may nasa

