FIOLEE's POV Naglalakad ako sa hallway nANg makita ko si Julienne na tumatakbo at nag sisigaw sa hallway. Pagkakita ko palang sa kaniya napasigaw na rin ako at tumakbo papunta sa kaniya para yakapin siya. "BHESS!” "BHESS!” Sigaw namin dalawa nung nagkayakap na kami. Maraming tao ang nakatingin sa’min at pinag-uusapan kami. Pake ba nila eh masaya kami. “Hindi mo sinabi dito ka rin mag-aaral!” Hawak niya ang magkabila kong balikat at panay ang yugyog sa’kin. “Hindi ko rin alam bhess AHHH kaloka andito ka!” Nag yakap ulit kami at nagtatatalon doon. Accounting pala ang kinuha niya kaso dapat daw hindi siya dito mag eenroll kaso lahat ng gusto niyang university ay puno na. At same time iba daw ang mga course na resulta ng exam niya kaya iyon naghanap siya ng iba at ito ang nahanap niya

