KAILEA Simula noong umuwi ako sa Bulacan ay masyado nang na-coconsume ng Yuji Romualdez na ‘yon ang laman ng isip ko. Tanong pa nang tanong si Mommy tungkol sa kasalukuyang status ng relasyon namin ni Rodge kaya pakiramdam ko ay nakakadagdag pa iyon sa pressure na nararamdaman ko. Wala naman sanang pressure dahil wala namang nagbabago sa routine ng relasyon naming dalawa pero hindi ko maintindihan kung bakit simula noong nakilala ko ang Yuji Romualdez na ‘yon ay halos makalimutan ko na may boyfriend ako at wala dapat akong pakialam sa kanya lalo na at malinaw naman sa mga sinasabi at ginagawa niya na interesado siya sa akin! “The guts of that guy to insist that I am interested in him when in fact he’s the one who’s really interested in me!” Hindi ko mapigilan na mapairap sa tuwing naaa

