KAILEA Sa halip na pumasok ako agad sa loob ng shelter ay nagpalipas muna ako ng ilang sandali bago pumasok dahil ayaw kong isipin ng lalaking ‘yon na sinundan ko siya dito! Pagpasok sa loob ay nakita kong nakita niya agad ako pero sinadya kong ‘wag siyang pansinin at nagpatay malisya habang palapit sa cage ni Willow. Nakakainis pa na nakatayo siya malapit sa cage ni Willow kaya posible na naman niyang isipin na sinundan ko siya dito! “I keep on seeing you these days. Are you stalking me?” Kasalukuyan kong ibinabalik si Willow sa cage nang magsalita siya. Umikot ang mga mata ko at hindi agad siya pinatulan. Nang nailagay ko si Willow sa cage ay tuluyang hinarap ko siya. Kumunot ang noo ko nang mahuli kung saan siya nakatitig! Agad na tinakpan ko ang dibdib ko at saka umayos ng tayo. “

