Romualdez

1558 Words
KAILEA “Move that cat away from me!” Muntik na akong hindi nakagalaw dahil sa gulat nang sumigaw si Rodge. Iritadong itinulak niya palayo ang pusa kong si Willow kaya nagalit at kinalmot siya! Saka lang ako natauhan nang makita ang namumulang kalmot sa kamay niya dahil sa ginawa ni Willow! “Oh, my gosh!” bulalas ko at saka mabilis na inutusan si Willow na pumasok sa loob. “Get inside, Willow!” At dahil na-train naman si Willow ay agad na sumunod siya sa akin. Tuloy-tuloy na pumasok siya pabalik dito sa unit ko kaya agad na nilapitan ko si Rodge. “I'm sorry! Are you alright?” nag-aalalang tanong ko at hinawakan ang kamay niya. Hinawi niya ang kamay ko at saka umatras para dumistansya sa akin. “I'm going home, Kai. I need to see a doctor—” “Sasamahan na kita—” “No need,” umiiling na tanggi niya at saka kinuha ang panyo mula sa bulsa at saka nagtakip ng ilong dahil nagsimula na siyang bumahin! Kagat ang ibabang labi na pinanood ko siya na naglalakad palayo sa akin. “I'm sorry!” muling sigaw ko. Lumingon naman siya at sumenyas na okay lang siya at wala akong dapat na ihingi ng paumanhin. Pagbalik ko sa loob ng unit ay mas lalo akong nakaramdam ng guilt. Gusto kong isipin na hindi ko naman kasalanan ang nangyari dahil malinaw naman na sinabi niya sa akin na hindi na siya makakapunta kaya nga kinuha ko na sa shelter si Willow. He also didn't inform me that he would still come here. Kung sinabi niya na matutuloy siya dito ay siguradong hindi ko hahayaan si Willow dito sa unit habang nandito siya. It's just that I didn't know that he's still coming, that's why I let my cat stay here! Pabagsak na umupo ako sa couch at inisip pa rin ang mga nangyari. Kung hindi pa nag-ingay si Willow ay hindi pa ako didilat. Naabutan ko siya na nasa paanan ko at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung nagpapaawa siya o nagpapa-cute sa akin dahil alam niya na may nagawa siyang kasalanan. Bumuntonghininga ako at saka tumitig sa kulay asul niyang mga mata. “Just how the hell would I scold you for hurting Rodge if you are looking at me like that?” Naiiling na sambit ko. Gumalaw siya at saka nag-meow ng ilang beses na parang nagpapaalam sa akin na sasampa bago sumampa sa kandungan ko. Napangiti ako at gigil na dinikit ang ilong niya sa akin. “Mukhang mag-aaway pa kami ni Rodge dahil sayo,” naiiling na sambit ko. Humuni lang siya at saka dinikit ang ulo sa akin kaya agad na nawala ang inis ko. Muling napansin ko ang collar na nasa ibabaw ng table at saka kinuha ulit para subukang isuot kay Willow. Alam kong ayaw niya ng sinusuotan siya ng collar pero dahil nahihiya na akong ibalik ito sa may-ari ay sinubukan kong ipasuot na lang. Tumaas ang kilay ko nang hindi siya nag-react matapos kong ipasuot ang collar. “Wow! Does this mean you like your new collar, Willow?” Ngiting-ngiti na tanong ko. Napatitig pa ako sa collar na kakasuot ko lang kay Willow. Leather iyon at may parang maliit na bilog sa gitna. Hindi ko maintindihan ang design pero parang may nakita pa akong lens na sobrang liit sa gitna pero dahil hindi ko maintindihan kung bakit may lens sa collar na binigay sa akin ay hindi ko na lang gaanong pinagtuunan ng pansin. Ngiting-ngiti na binalingan ko ulit si Willow at saka hinalikan. Niyakap ko pa siya at saka dinala sa kwarto para doon makipaglaro. Nang pumasok ako kinabukasan sa opisina ay nagulat pa ako nang abutan si Liv sa opisina ko. Nagtatawanan silang dalawa ni Tam habang nagkakape. Sobrang aga pa at hindi ko inaasahan na madaratnan ko siya dito agad. “What are you doing here, Liv?” kunot ang noong usisa ko nang sabay sila ni Tam na napatingin sa akin. Bumati si Tam pero si Liv ay agad na tumayo at saka naglakad palapit sa akin. “Kai!” Ngiting-ngiti na tawag niya at saka niyakap ang braso ko. Kumunot ang noo ko. “What?” nagtatakang tanong ko. “I have a favor to ask, that's why I came here early,” agad na paliwanag niya. I rolled my eyes at her. “Ano pa nga ba?” sambit ko at saka naiiling na naglakad palapit sa table ko. Ngumisi si Liv at saka sumunod sa akin. “Bakit parang hindi yata maganda ang gising mo? I thought bumisita ang boyfriend mo sayo kagabi?” tuloy-tuloy na usisa ni Liv. Pinigilan ko na muling ikutan siya ng mga mata. “Sabagay, kahit naman pumunta ng ilang beses si Rodge sa unit mo ay hindi siya mag-he-hello sa Kitty mo,” pang-aasar niya. Hindi ko siya pinansin pero sinabi ko pa rin ang nangyari kagabi sa unit ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha nilang dalawa ni Tam nang marinig ang sinabi ko. Halatang interesadong-interesado sila na malaman ang mga nangyari kaya mabilisang kinwento ko. “So, what happened afterwards? Did you two break up?” namimilog ang mga matang usisa ni Liv. Hindi makapaniwala na napatingin ako sa kanya. “Seriously, Liv? Para doon lang ay maghihiwalay na kami? Are you kidding me?” naiiling na bulalas ko. Kitang-kita ko ang pag-asim ng mukha niya na para bang nanghinayang pa dahil hindi pa kami naghiwalay ni Rodge! “Well, you are not really compatible with each other, Kai. Mahal na mahal mo ang pusa mong si Willow kaya nga sa halip na iwanan mo siya sa bahay n'yo sa Bulacan ay sinama mo pa dito sa Manila. Paano kung yayain ka ni Rodge na mag-live in? How the hell is he going to live with you when he hates your cat?” tuloy-tuloy na sermon niya. Dahil doon ay umagang-umaga na naman akong napapaisip. Nitong mga nakaraang linggo ay wala nang ginawa si Liv kung hindi ang pasukan ng kung anu-anong dahilan ang utak ko para hindi kami magkatuluyan ni Rodge. And I also hate the fact that I am having some realizations lately because of that! “Well, I can play with Willow whenever Rodge is not around,” sambit ko. Kahit ako ay hindi pa ma-imagine sa ngayon na mamumuhay na hindi kasama ang pusa kong si Willow kahit na malusog na malusog naman siya at walang sakit. Ayaw kong pagtuunan muna ng pansin ang bagay na ‘yon kaya nga hindi ko muna iniisip. Kaya lang ay itong si Liv ay palagi na lang may naiisip na dahilan para ilagay sa isip ko na hindi kami bagay na magsama ni Rodge! “Wow! I admire this woman's mindset, Tam!” bulalas ni Liv at humarap kay Tam. “Willing siyang mag-adjust para sa lalaki!” pagpapatuloy niya. Naiiling na hinayaan ko na siya at saka umupo na. “So, what is the favor that you wanna ask from me?” tanong ko nang maalala ang dahilan kung bakit siya nandito. “Oh! I almost forgot about the reason why I came here! Ang sarap talagang makipag tsismisan kesa magtrabaho!” Nakangising biro niya pa kaya tumawa si Tam. Pati ako ay natawa na rin. “There is an upcoming event in Laurel Innovation this coming weekend, Kai. Hindi kasi ako makakarating dahil magkakasakit ako sa weekend,” simula niya. Bumungisngis si Tam. Kumunot ang noo ko pero ngumisi lang ng nakakaloko si Liv. “Grabe yung sakit mo huh? Advance!” naiiling na bulalas ko. Ngumisi lang siya at saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Tutal ay pupunta naman din doon si Rodge dahil imposible na mapalampas niya ang event sa foundation n'yo,” pagpapatuloy niya. “Ikaw na lang ang um-attend para sa akin. You know naman na kapag kasama ang kuya mo ay ayaw kong sumasama kasi nag-iiba ang ihip ng hangin. Baka biglang makalanghap ako ng masamang hangin ay doon pa ako sumabog kaya please lang, Kai. Save your brother's life from me,” dagdag niya pa kaya natatawang tinitigan ko siya. “Save my brother's life from you or you just wanna save your pride because his girlfriend will surely attend that event too?” nakangising pang-aasar ko. Politician ang bagong girlfriend ni Kuya Kade at fundraising ang event na ‘yon kaya siguradong present ang babae. Agad na sinenyasan niya akong tumahimik kaya natatawang tumigil ako sa pang-aasar sa kanya. “By the way, may mga broker na aattend doon at willing silang mag-donate para sa foundation. Galingan mo huh? Entertain them well!” bilin pa ni Liv at saka binigay sa akin ang list ng mga possible attendees na kailangan kong i-entertain sa magaganap na event. “Romualdez?” kunot ang noong basa ko sa mga nauunang pangalan na nakalista doon. Pamilyar sa akin ang apelyido pero hindi ko maalala kung saan ko nakita. Nagkibit balikat ako. Ilang beses na akong nakapunta sa event ng foundation namin kaya kahit papaano ay alam ko na kung paanong mag-entertain ng mga guest. And the fact that Rodge is also attending the event is making it more exciting! Ngayon pa lang kami dadalo sa isang event na magkasama kaya kabado at na-eexcite din ako at the same time!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD