KAILEA “Just invite your boyfriend here and have dinner with us. You said he barely has time to visit you. Anong klaseng relasyon ba ‘yan, Kai? Alam mo naman na ayaw ng daddy mo ang mga lalaking hindi nagseseryoso sa mga babae…” Mariing napapikit ako at kagat ang ibabang labi na binaba ang phone sa table. Isang oras na yata akong nakatitig sa phone ko habang pinag-iisipan kung paanong sasabihin kay Rodge na gusto siyang imbitahan ni Mommy sa bahay para mag-dinner kasama ang buong pamilya namin. Kanina ay nakausap ko siya saglit sa phone at sinabi niyang nasa Siargao siya. Hindi niya pa raw sigurado kung kailan siya makakauwi kaya hindi ko na nabanggit sa kanya ang tungkol sa pag-invite ni Mommy sa kanya sa bahay. Huminga ako ng malalim at saka nag-type ng bagong message para kay Mommy.

