KAILEA
Binaba ko ang phone ko matapos mabasa ang message ni Rodge. Ang sabi niya ay mag-aattend siya ng isang fundraising event at malapit sa Skyline Villa ang venue kaya nagsabi siya na dadaan siya sa unit ko para sabay kaming mag-dinner.
Hindi naman madalas na mangyari ito dahil bihirang-bihira naman siyang dumalaw sa unit ko. Madalas ay sa iisang restaurant lang kami kumakain at hindi pa pwedeng makipagsabayan sa maraming tao dahil ayaw niya na pinagpipiyestahan ng mga tao ang private life niya. That setup is really fine with me. I am also the type that doesn’t want to show off when it comes to my private life. Isa ‘yon sa mga pagkakapareho namin ni Rodge kaya wala akong problema kahit pa bukod sa pamilya niya, pamilya ko at mga kaibigan at kamag-anak ko ay walang halos nakakaalam na may boyfriend ako na isang senador.
May mga tao rin naman na nakakaalam na may girlfriend siya pero dahil hindi kami madalas magkasama at hindi naman niya pina-public ang relasyon namin ay iniisip siguro ng karamihan na hindi seryoso o kaya naman ay walang katotohanan ang mga balita tungkol sa lovelife niya.
Rodge never failed to remind me that I shouldn’t listen to other people’s opinion of us. Sa totoo lang ay wala akong pakialam sa kung ano ang tingin ng ibang tao sa relasyon namin. Kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan kaya ang opinyon lang naming dalawa ang mahalaga para sa akin.
But lately, Olive is always questioning everything about what me and Rodge have. Siguro ay nagiging segurista na siya hindi lang pagdating sa lovelife niya kundi pati na rin sa akin dahil bago pa siya naging asawa ng Kuya Kade ko ay magkaibigan na kami.
Kapag nandito ako sa Manila ay si Liv at ang secretary kong si Tamara ang madalas kong nakakausap dahil nasa Bulacan ang mga kaibigan at kababata ko. Meron din namang iba na nandito rin sa Manila kagaya ng kaibigan kong sina Mark, Nico at Shy pero hindi kami madalas magkita-kita dito. Kung magkikita man ay dahil pa sa trabaho dahil busy rin sila sa trabaho kagaya ko.
“Maaga kang uuwi ngayon, Miss Kai?”
Mukhang napansin ng secretary kong si Tamara na nag-aayos na ako ng table kaya nagtanong na sa akin. Tumango ako.
“Yeah. If there are still documents that I need to sign, just leave it on my table, Tam. Maaga na lang akong papasok bukas para bago ka dumating ay natapos ko nang pirmahan,” paliwanag ko.
Kilala ko si Rodge at kapag nagsabi siya kung anong oras siya darating ay darating talaga siya sa ganung oras.
Muling napatingin ako sa wristwatch na suot ko at nakita na may dalawang oras pa ako para maghanda sa pagdating niya. Malapit lang naman ang unit ko dito pero kailangan ko pang maglinis sa loob dahil sensitive si Rodge sa balahibo ng pusa. My ragdoll cat Willow is always playing around. Kaya sigurado na nagkalat pa rin ang mga balahibo niya doon kahit na naglinis na ako bago ko siya ibaba sa shelter bago pumasok sa opisina.
Kakatayo ko pa lang ay pumasok naman si Liv at agad na tiningnan ako. “Are you leaving already?” nakataas ang kilay na tanong niya. Tumango ako.
“Yeah. Rodge is visiting me tonight. Kailangan kong umuwi na para maglinis pa ulit sa unit,” sagot ko at saka kinuha na ang bag pero nagsalita na naman siya ng kung anu-ano.
“Usually, kapag bibisita ang boyfriend sa atin ay hindi dapat paglilinis ang priority nating mga babae ‘di ba, Tam?” parinig niya. Narinig kong bumungisngis si Tam dahil kabisado na niya ang ugali ni Liv. Alam na alam na niya na wala nang ginawa si Liv sa tuwing pupunta dito sa opisina ko kung hindi ang asarin ako tungkol sa relasyon namin ni Rodge!
Umikot ang mga mata ko. “Ano na namang sasabihin mo?” nakataas ang kilay na tanong ko. Halos kabisado ko na ang mga sinasabi niya parati sa akin dahil paulit-ulit lang naman!
“Na dapat kapag dadalaw ang boyfriend sa unit ay i-check kung na-wax ng maayos ang arm fits?” nakataas ang kilay na tanong ko. Ngumisi siya habang nakatingin sa akin kaya kulang na lang ay umikot na ang mga mata ko.
Halos sabay kami parati sa appointment ng pagpapa-wax ng pubic hair at kung anu-ano pang maintenance sa katawan kaya hindi nawawala ang pangangantyaw niya sa akin!
Well, I am not doing all that for my boyfriend! Gusto ko lang na malinis ang katawan ko at walang mga buhok dahil para sa akin ay mas madaling i-maintain. Masyado lang talagang malisyoso ang utak ni Liv kaya kung anu-ano ang sinasabi!
“‘Wag ka nang mag-effort na i-check ang arm fits mo, Kailea. Wala namang aamoy sa kili-kili mo at mas lalong walang mag-he-hello sa kitty mo kasi allergic ang boyfriend mo sa balahibo ng pusa!” bulalas niya. Tawa nang tawa si Tam kaya nilukot ko ang ilong ko at saka inirapan si Liv.
Sanay na sanay na siya sa ugali ng sister-in-law ko dahil kahit siya mismo ay sinasabihan din ni Liv ng kung anu-ano lalo na at hindi rin normal ang relasyon na meron si Tam. Recently she had an affair with a married man at ilang beses na siyang na-reklamo dito sa opisina pero walang magawa ang asawa dahil bukod sa hindi na sila nagsasama ay wala naman silang anak at ang lalaki mismo ang lumalapit kay Tam. They are only married in papers but Tam is considerate enough to distance herself. Hindi ko alam kung may communication pa silang dalawa dahil todo advice si Liv na ‘wag na siyang bumalik doon.
Bago ako tuluyang nakalabas sa opisina ay humirit pa si Liv kaya hindi pa ako nakalabas agad para pakinggan ang sasabihin niya.
“You know what, Kai? I was in Bulacan yesterday. May nagtanong kay Mayor kung may asawa ka na. And you know what your dad says?” sambit niya. Kumunot ang noo ko. Wala namang binabanggit si Daddy sa akin at wala rin siyang sinasabi na mag-asawa na ako kaya hindi ko alam kung ano point ng sinasabi sa akin ni Liv.
“What?” curious na tanong ko.
“He said, ‘My daughter is currently dating someone but I don't know if he has the balls to marry her’. That's exactly what your dad said!” bulalas niya.
Napasinghap ako at nabigla dahil hindi ko akalain na masasabi ni Daddy ‘yon.
I mean… he never asked me anything about my plans of settling down. Kung hindi pa nabanggit ni Liv ay wala akong idea na may ganon na palang iniisip si Daddy!
“Kaya please lang, Kailea Laurel! Stop wasting your time on someone who doesn't have plans with you. Puro plataporma lang niya ang kaya niyang panindigan. I doubt if your boyfriend is even considering settling down. Anyway, hindi ko maimagine ang magiging marriage life mo na walang sexy time. Oh, my gosh, Kai! Hindi ka nagtitiis sa sakit ng Brazilian wax monthly para lang matali sa isang lalaki na gagawin kang virgin forever!” tuloy-tuloy at naiiling na bulalas niya pa bago naglakad palapit sa table ni Tam.
Habang pauwi ako sa Skyline Villa ay naiisip ko tuloy ang mga sinabi ni Liv. Madalas ay wala namang sense at puro pang-aasar lang ang mga sinasabi niya kaya hindi ko pinapansin. Pero ngayon na nabanggit niya ang tungkol sa iniisip ni Daddy ay parang hindi ako mapakali.
I'm 35 but he never asked me about my plans of settling down. Noong una ay masaya ako dahil hindi ako pinepressure ni Daddy kahit na hindi naman siya tumigil na magpakilala sa akin ng kung sinu-sino hanggang sa naging boyfriend ko si Rodge. Iba pa rin pala kapag nalaman mo mismo kung ano ang iniisip ng parents mo.
Bumuntonghininga ako at saka bumaba sa sasakyan. Didiretso na sana ako sa itaas pero naisip ko na daanan na muna sa shelter ang pusa kong si Willow.
The homeowner association here in Skyline Villa is strict when it comes to letting your pets stay in your unit. Pwedeng ipasok sa loob ang mga alagang pusa at aso pero limitado lang ang oras at hindi pwedeng iwanan sa loob kapag aalis.
Nakangiti na agad sa akin ang staff sa shelter nang dumating ako.
“Good afternoon, Miss Kai!”
Ngumiti at bumati ako sa kanya at saka sinamahan ako sa pagpunta sa cage ni Willow. Pero pagdating namin doon ay wala ang pusa ko kaya kumunot ang noo ko.
“I'm sorry po, Ma’am. Nagkamali po kasi ng kuha iyong isang resident. Kamukhang kamukha po kasi ni Willow yung alaga niya kaya akala niya ay sa kanya. Ibabalik naman po yon kapag napansin na iba ang nakuha. Pasensya na po. Bago lang kasi yung staff na nag-assist,” tuloy-tuloy na paliwanag ng babae. Bumuntonghininga ako.
“Ang gwapo kasi kaya nawala sa sarili si Girly!” kantyaw ng isang staff doon na agad na sinaway ng vet na kasama ko.
“Babalik na lang ako mamaya,” sambit ko. Napatingin ako sa katapat na cage ni Willow at napansin ko nga na kamukhang kamukha niya ang pusa na nakakulong doon. Sa unang tingin ay aakalain ko talaga na si Willow pero mukhang isnabero ang pusa na nasa harapan ko at hindi ako kilala ay nalaman ko agad na hindi siya si Willow.
Pagbalik ko sa unit ko ay agad na naglinis ako at nag-order ng pagkain para sa aming dalawa ni Rodge. Wala akong oras na magluto pa ngayon kaya hindi ako nakapaghanda sa pagdating niya lalo na at biglaan.
Tumunog ang phone ko at agad akong nakatanggap ng text mula kay Rodge na hindi siya matutuloy dito dahil kailangan daw niyang bumalik agad sa opisina niya. I sighed and just decided to go downstairs to see if Willow is back.
Pagdating ko sa shelter ay naroon na nga si Willow. Ngiting-ngiti na hinalikan ko siya matapos ilabas ng staff sa cage.
“I missed you, baby boy!” sambit ko at agad na napasinghot nang maamoy ang pabango na dumikit sa balahibo niya.
The scent is so manly!
Mukhang lalaki pa ang nakakuha at kumarga kay Willow!
“Pinapaabot po ni Sir Yuji,” sambit ng staff at may inabot sa akin na isang maliit na box.
“Yuji?” kunot ang noong tanong ko.
“Ah! Yung resident po na nakakuha kay Willow,” paliwanag niya. Tumango ako at saka inabot ang maliit na box mula sa kanya.
Nakabalik na ako sa unit ko nang i-check ko ang laman ng maliit na box. Napakurap ako nang makita na collar ang nasa loob ng box. May letter na kasama kaya binasa ko.
I'm really sorry for getting the wrong cat. By the way, my cat Blu doesn't want to wear this collar. Your cat can have this. I'm sorry again.
Muntik pang umikot ang mga mata ko nang mabasa ang letter.
“Kung gusto ni Willow edi sana ay noon ko pa nilagyan ng collar!” naiiling na bulalas ko.
Well, pareho lang kami ng breed ng pusa kaya sigurado na pareho din ng attitude kaya kung ayaw ng pusa niya na magsuot ng collar ay ayaw din ng pusa ko!
Naiiling na itinabi ko ang box dahil balak kong ibalik sa kanya bukas. Tumunog ang doorbell kaya agad na tumayo ako para pagbuksan ang kung sinong dumating.
Akala ko ay ang magdedeliver ng pagkain ang dumating kaya nang sumunod sa akin si Willow ay hindi ko na pinigilan.
It was late when I realized that Rodge was the one who came. At huli na nang narealize ko na nakasunod sa akin si Willow na agad na naglakad palapit sa kanya at nagpabuhat!
Oh, my gosh! I'm doomed!