KAILEA
Kahit na pupunta ako sa fundraising event ng Laurel Innovation ay hindi ko binanggit kay Rodge. I don't think it's going to be a big deal to him if I will also attend that event though. Oo nga at hindi naman niya sinasabi sa publiko na girlfriend niya ako pero wala rin naman siyang nilalabas na statement kapag may nagtatanong sa kanya kung ano ang relationship status niya. Kaya hindi ko makita ang point para ipaalam pa sa kanya na pupunta rin ako sa event na mismong ang foundation namin ang mag fa-facilitate.
Muling napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. I am wearing a blue and elegant ruched slit velvet bodycon dress. Nang yumuko ako ng konti ay nasilip ko agad ang dibdib ko.
I don't think Rodge would find this dress a bit revealing!
Wala namang kaso sa kanya kung ano ang suotin ko kaya nga hindi man lang ako nahihirapan sa pagpili ng mga damit na isusuot sa mga event na dinadaluhan ko. Medyo nakaka-curious nga lang minsan kapag sinasabi ni Liv na iba daw ang pakiramdam na nakikialam ang boyfriend sa mga sinusuot ng girlfriend nila. I never dated someone who interfered with the way I dress. Iniisip ko pa lang na may makikialam na sa pagpili ng isusuot ko ay parang naiirita na ako ngayon pa lang. Kaya dapat lang talaga na si Rodge na lang dahil malaya ako sa kahit na anong bagay.
Nagsuot lang ako ng earing na malapit sa kulay ng suot kong dress bago pinulot ang clutch purse na nasa ibabaw ng kama.
Naglalakad pa lang ako papunta sa parking area nang may narinig na malakas na mura ng isang lalaki.
“You mother fùcking shìt! I told you I don't need that doll!”
Kumunot ang noo ko at napangiwi nang makita ang isang lalaki na nasa hindi naman kalayuan sa akin. Nakatalikod siya sa gawi ko at nakatayo sa gilid ng isang sasakyan. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero naririnig ko pa rin ang boses niya dahil malakas ang boses at mukhang iritado sa kausap.
“Itapon mo kung ayaw ng asawa mong nakikita d'yan sa unit mo! You piece of shìt! I told you I don't want a fùcking doll! I want the real woman!” mariin na mariin na sambit nito sa kausap.
Hindi ko tuloy maalis ang tingin ko sa gawi niya lalo na nang may narinig akong pusa na umiyak. Napatigil ako sa paglalakad at pinakinggan ang iyak ng pusa.
Patuloy pa rin sa pag-iyak ang pusa kaya hindi na ako nagdalawang isip na hanapin kung nasaan ito.
I was about to call the cat when I saw someone approaching it.
My brow furrowed as I saw the man who was on the phone earlier. He was slightly bent over, talking to the cat.
“Why are you here? Are you lost?” narinig kong tanong niya sa pusa habang hinahaplos ang ulo nito.
Tumaas ang kilay ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang pinapakinggan ang sobrang hinahon na pagsasalita niya habang kausap ang pusa.
Parang kanina lang ay nagmumura sa kausap sa phone! Ngayon naman ay parang sobrang bait habang nakikipag usap sa pusa!
“Wait here. I'll get you some treats…”
Mas lalong tumaas ang kilay ko nang naglakad ang lalaki papunta sa likuran ng sasakyan nito. Nang bumalik ay may dala ng cat treats! Napasinghap ako. I never imagined that a man like him, who looks so respectable, would have cat treats in his car!
“Let's go to the shelter. Your owner will surely lose their minds if they lose you.”
Binuhat niya ang pusa at saka mukhang dadalhin nga sa shelter kaya mas lalo akong napatitig sa kanya.
No doubt that the man is handsome. Mas lalo pa siyang naging gwapo sa paningin ko dahil sa ginawa niya sa pusa!
Kung hindi pa tumunog ang phone ko ay hindi ko pa aalisin ang tingin sa lalaki. Huminga ako ng malalim nang makita na si Liv ang caller.
“Why?” tanong ko habang pumapasok sa sasakyan.
“Nothing. I'm just checking on you. Baka nakalimutan mo na ang lakad mo ngayon,” natatawang sagot niya. Umikot ang mga mata ko.
“I'm actually on my way there, Liv. Ano namang akala mo sa akin makakalimutin?” sarkastikong tanong ko. Bumungisngis siya sa kabilang linya.
“Excited ka lang yata na pumunta dahil magkikita kayo ng boyfriend mo doon,” pang-aasar niya. Muling umikot ang mga mata ko. Nanghingi na nga ng pabor ay nang-aasar pa!
“Eh kung ‘wag na lang kaya akong tumuloy para mapagalitan ka?” pananakot ko. Umungol siya at agad na nagprotesta kaya natatawang pinaandar ko ang sasakyan. Ilang paalala pa ang sinabi niya sa akin bago tuluyang binaba ang tawag. Bago ko tuluyang paandarin ang sasakyan ko ay nakita kong bumalik na ang lalaking nagpakain ng pusa kanina.
Habang naglalakad siya ay hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Kumunot ang noo ko. Parang pamilyar ang mukha niya at nakita ko na dati pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Masyadong malakas ang appeal niya kaya siguradong hindi ko siya basta-basta makakalimutan kung nakaharap ko na siya dati.
Ilang sandali pa akong nag-isip pero hindi ko talaga maalala kung nakaharap ko na siya dati. Inisip ko pa na baka artista ang lalaking 'yon at nakita ko lang sa TV pero hindi talaga ako sigurado!
Well, of course, he is also living here. Kaya siguradong dito sa Skyline Villa ko siya nakita.
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa nakalampas dito sa sasakyan ko. Hindi ko mapigil ang tawa ko. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako dahil nakita ko siyang kinakausap ang pusa kanina.
Wala sa itsura niya ang makikipag-usap sa pusa. He looks really arrogant and not approachable! Mukha pang suplado lalo na at narinig ko pa kung paano siyang makipag usap sa phone kanina.
Naiiling na pinaandar ko ang sasakyan dahil malapit nang magsimula ang event sa foundation. Napangiti ako at excited na inisip ang posible naming maging interaction ni Rodge mamaya!