#FutureSisterInLaw

2226 Words
Shayana gagged as she woke up on the deck of the boat. Siguro mga isang baso rin ng tubig ang naibuga niya at maubo-ubo pa siya. Nagmadali naman siyang umupo kahit hingal na hingal pa siya at naramdaman niyang may humahagod sa likod niya. Nang lingunin niya ito, ito yung babaeng kapatid ni Franch. “Okay ka na ba?” nag-aalalang tanong ng babae sa kanya. Sinipat niya ang paligid. Makulimlim pa rin, pero hindi na ganun kalaki ang mga alon kaya hindi na rin matindi ang uga ng bangka. Pina-prank lang ba siya ng karagatan? “I’m still alive, right?” nanginginig na paninigurado niya rito. “Yes, you are!” Napahikbi naman siyang bigla sa sagot nito. “Oh my God. I thought I was gonna die.” Nanginginig ang mga labi niya sa pagluha. Niyakap naman siya nito nang mahigpit. “Everything’s okay now.” Pagkatapos nito kumalas sa pagkakayakap ay hinawakan nito ang mga pisngi niya. Napaisip tuloy siya baka tomboy ito. “But you have to thank my brother. He saved you.” Tinanggal niya ang kamay nito sa magkabilang pisngi niya. Her eyes automatically searched for Franch, at nakita naman niya ito sa cockpit ngunit wala itong pang-itaas. Pinahid pa niya ang kamay sa mga mata niya para lang mawala ang luha na nagpapalabo sa paningin niya, kaya naman nakita niya ang mala-Magic Mike nitong katawan. Kulang na lang siguro ay gumiling na ito sa harapan niya. Naisip niya sana na panakaw itong picture-an. Saka lang niya naalala ang kawawang cellphone niya. Kinapa niya ang bulsa niya at napasigaw na lang nang maramdamang wala na ito roon. “Oh my God!” “Bakit?” nagtatakang tanong ng babae sa kanya. “My cellphone! It’s gone! The water snatched my cellphone!” pagwawala niya. Hindi niya napansin na lumapit na pala sa kanila si Franch. “You almost died and all you think about is your damn cellphone?” asik nito sa kanya. Sayang lang at nakasuot na ito ng puti at fitted na T-shirt. Pero yummy pa din naman ito sa paningin niya. Ba’t naman ganun? Hindi ba pwedeng lumapit muna siya sa’kin bago siya nagbihis? Duh! “Kuya?” nagtatakang tanong ng babae rito. Saka lang niya naintindihan ang patutsada nito. Tumayo siya para ipagtanggol ang sarili. “Excuse me! That phone is my source of income! Sige nga, ikaw kaya mawalan ng bangka—” biglang umalog nang bahagya ang yate na para bang nainsulto sa sinabi niya, “yate pala!” parinig niya sa bangka. “Sige nga, anong gagawin mo?” “I’ll buy another one,” deretsahang sagot nito. Tantya niya ay nawala na ang inis nito dahil hindi na lukot ang mukha nito. Napalunok naman siya sa sinagot nito. Aba ito na talaga ang mayaman. “I’m not like you. Hindi tayo magkasing-yaman. Hindi ko pa nga bayad ‘yong cellphone na ‘yon eh? I invested most of my savings on this trip! Kaunting endorsements na lang ang—” Natuptop niya ang bibig niya. Masyado siyang nadala ng damdamin niya at kulang na lang ay i-broadcast niya sa mga ito na pagkakakitaan niya ang isla. “I think, kailangan mo munang magbihis,” pagsingit ng babae sa kanilang dalawa, nginusuan nito ang dibdib niya. Awtomatiko naman siyang napatingin sa mayaman niyang dibdib na bakat na bakat na sa basa niyang damit. She saw in her peripheral vision that Franch’s eyes also scanned her mountainous chest. Defuta! Mabilis pa sa alas singko siyang pumihit patalikod kay Franch at tila nakaramdam naman ito at lumayo na. She was supposed to go down to the cabin, but she just watched Franch walk away. Hindi niya pa rin matanggap ang pangmamaliit nito sa kanya, pero sumagi kasi sa isip niya bigla na niligtas siya nito. At hindi pa pala siya nakakapagpasalamat dito. “You know what? I’ll thank you later for saving me, kapag hindi na ‘ko naiinis!” pahabol na sigaw niya rito. Saka siya bumaba sa cabin. Pumasok siya ng kwarto at mabilis na hinubad ang basang-basa niyang damit at shorts. Sakto namang huhubarin na sana niya ang bra niya nang bumukas ang pintuan. “What the hell!” malakas na bulalas niya. Mabilis na hinablot at binalot niya ang sarili ng tuwalyang nasa mesang isang dipa ang layo sa kanya. “Oops! I’m sorry!” Ang kapatid ni Franch ang bumungad sa kanya. Akala tuloy niya ay sinundan siya ni Franch. Maybe to get her to apologize, or thank him? Probably to punish her, in a sexy way? Hype! Ano bang mga pumapasok sa kukote ko! Nababad na yata sa tubig-dagat ang kapiranggot kong utak! Sa halip na isaradong muli ang pinto, pumasok pa ito sa kwarto niya saka ni-lock ang pinto. Tinapunan niya na lang ito ng masamang tingin. Bobosohan pa yata siya nito. “Why the f*ck are you here?” Nagkibit-balikat lang ito na akala mo ay walang ginawang krimen. “Akala ko sa CR ka magbibihis.” “That is your reason? I get that this is your boat, pero kailangan ba talagang manghimasok ka sa kwarto ng pasahero mo?” sita niya rito. “I’m sorry, okay? Ganyan ka ba kahirap magpatawad?” Lukaret yata ito eh? “I’m sorry again, okay? I’m here to tell you something. Oh, wait! I forgot to introduce myself.” Lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay. “I’m Francheska and I’m the Captain’s little sister. You can call me Cheska. And, oh, you have a nice name, Shayana? That’s rare.” Heller, hindi naman nila maipagkakaila sa kahit na sino na magkapatid sila. They are each other’s counterparts. Kinamayan naman niya ito, for the sake of courtesy na lang. “So? What are you gonna tell me?” usisa niya rito. “You’re a bit crazy!” Awtomatikong kumunot ang noo niya sa sinabi nito.“Excuse me?” “I mean, in a good way. And I like you,” pagpapalusot nito. Shayana gasped at her confession. “I mean, I like your personality.” Napabuntong-hininga naman siya sa sinabi nito. “Ýeah, I get that a lot,” pagmamayabang niya. Tumawa naman ito sa kanya. “How about becoming my sister-in-law?” Napanganga siya. “What! Baliw ka ba?” “I’m serious! You know, my brother is a bit cold, and he never shows his emotion, not to anyone.” So anong pinupunto nito? “I think my brother likes you,” pagpapatuloy pa nito. Napahalakhak na lang siya sa sinabi nito. “Alam mo, walang hindi magpa-panic sa ganung uri ng scenario, Cheska. Masyado mo naman binigyan ng kahulugan ang pagsagip sa’kin ng kuya mo. So kung hindi niya pala ako gusto, hindi na niya ako sasagipin, ganun? Eh, responsibilidad niya ako, so malamang sa malamang talaga eh ililigtas niya ako.” “Oh, you got it right, but did you know that he kissed you?” “Tange, hindi kiss ‘yon. CPR ang tawag doon.” Wait, what? Naglapat na ang mga labi nila? At hindi niya ‘yon alam! Nag-init tuloy ang mga pisngi niya. “Why is your face turning red?” pagkantyaw nito sa kanya. “Stop spouting nonsense at lumabas ka na para makapagbihis na ‘ko!” “I can buy you a new phone.” Now she have her attention. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito, pero agad din naman siyang nahimasmasan. “Why would you? I’d never play with someone’s feelings in exchange of what, iPhone 13? Bakit hindi ka na lang mag-hire ng mga prosti kung ganun? Mapapamura ka pa.” “My brother would never set his eyes on those women,” pagtatanggol nito sa kapatid. “What makes you think that he’ll set his eyes on me?” nanunubok na tanong niya rito. “My sisterly instinct? He already did.” Kumunot na naman ang mukha ni Eleth. “Why are you this desperate?” “Because he never got the chance to be with someone else, because of me. “So? Bakit idadamay mo ko?” nanunubok niyang tanong. “Gusto mo bang i-enumerate ko rin sa’yo mga pinagdaanan ko?” “Because I know your secret.” Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. “Anong secret?” Hulash! Hindi kaya follower niya ito? “You’re a vlogger, right?” nang-iinis na tanong nito. “I searched you on f*******:. And I learned about your, what do you call that? Uncoveries?” Nanlumo siya sa narinig. Binabalaan ba siya nito? “So what if I’m a vlogger? And, FYI, that’s not a secret,” pagpapalusot niya. “So what are you going to do? Exploit the island, or maybe the people residing in the island?” Naningkit pa ang mga mata nito sa panunuri. “I’m warning you. Hindi ka makakauwi nang buhay kapag nalaman nilang vlogger ka. Kuya will skin you alive,” marahan na pagbanta nito. She chuckled in response. “Why would I exploit this magnificent island! Kahit pa muntik na ‘kong mamatay dito." “Still, I’m telling Kuya!” Akmang lalabas na ito ng kwarto pero pinigilan niya ito. “Fine!” pagsuko niya. “You’re going to seduce him?” “What? No! I’m gonna make him fall for me.” “Magkaiba ba yun?” nagtatakang pag-usisa nito. “Of course! ? No lecheries involved! Kumbaga I’ll seduce him in a cute way. But I need that phone ASAP!” Demanding na kung demanding. Baka magbago pa ang isip nito. “Sure! Baka bukas mabigay ko na sa’yo. And, did you bring a ball gown?” “What? Bakit naman ako magdadala nun?” “It’s for someone's birthday party. I officially invite you. Be my brother’s date. As for the dress, I’ll provide it. Good thing we’re the same size.” “No, I’m not attending that party." “Then I guess I’ll have to tell everyone about your ventures.” She sighed in frustration. “Fine! You got yourself a deal.” “Thank you! And for your information, we’ll be reaching the island in at least forty minutes. Kaya mag-ayos ka na.” “Noted. Pwede ka na lumabas?” sarkastikong tanong niya, at tinuro pa nga niya ang pintuan. “Sure! Future sister-in-law!” Lumabas ito kapagkuwan sa kwarto niya at mabilis siyang tumakbo para i-lock ang pinto. Sister-in-law your face! Naligo siya nang mabilis sa CR at nag-lotion pagkatapos. She quickly slid into her white beach dress. Mahirap na baka may pumasok na naman bigla at wala siyang saplot. Saka siya naglagay ng kung anu-anong skin care eklavush at pagkatapos ay pinatuyo na niya ang buhok niya. After thirty minutes, may kumatok sa pinto niya. Tamang-tama dahil kakatapos lang niya maglagay ng matte orange lipstick. At ayos na ang lahat ng gamit niya. Si Franch ang bumalandra sa kanya pagbukas niya ng pinto. Tinitigan pa siya nito ng ilang saglit, at napansin niyang dumako ang paningin nito sa mga labi niya bago ito nagsalita. “We’re almost there. Let me get your luggage.” Lumapad naman ang ngiti niya rito bago ito sinagot. “Sure.” Humupa na pala ang inis niya sa binata. Deretso naman itong pumasok ng kwarto at kinuha ang malaki niyang maleta at mabilis na lumabas pero tinawag niya ito. “Wait!” Huminto naman ito at tinignan siya. Agad niyang kinuha ang genuine Chanel na eco bag niya. Regalo ito ng isang Pinoy na follower niya from Paris. Nilabas niya rito ang tatlong bote ng supplements na isa sa mga ini-endorse niyang produkto at naglakad papunta kay Franch. “Here.” Inabot niya sa binata ang mga bote ng vitamins. Nagtatakang tinignan lang nito ang mga bote sa kamay niya at saka lumipat sa mukha niya ang nagtatakang tingin nito. “Hindi ‘to lason. These are multivitamins,” she explained. Hindi pa rin nito tinanggap ang mga bote. Gusto pa yata nito ay mag-sales pitch siya. “Please accept these as gratitude for saving my life. Ito lang kasi ang maibibigay ko sa’yo.” Nakatitig pa rin ito sa mukha niya. Napatitig din tuloy siya rito. Ang perfect talaga ng combination ng mga mata, ilong at mga labi niya. Seryoso bang wala pang dyowa ‘to? “Thank you for saving me back there. Pasensiya na, imbes na magpasalamat ako kanina eh inaway pa kita. So, do you want these? Or should I drink one in front of you? Baka iniisip mo lason ‘to eh.” Nagulat na lang siya nang mabilis nitong hablutin ang mga supplements sa kamay niya. “Thank you. Umakyat ka na sa taas.” Makautos yern? Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito. Pakiramdam niya ay nahihiya lang ito sa kanya. “You’re welcome!” masayang sagot niya sa binata na papalayo na sana. Napahinto ito sa paglalakad at pumihit ulit paharap sa kanya. Nagusot ang mukha niya lalo na nang tinitigan na naman siya nito habang nag-iisip ng kung ano. It’s as if he’s gathering enough courage for something. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito kaya nagulat na lang siya sa sinabi nito. “There’s this party on the island two days from now. Do you mind if I ask you to be my date?” Shutabels, Cheska! Tama nga ang hinala mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD