MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Mathilda sa braso ni Kenzo habang papalapit sila sa birthday celebrant at kaibigan niya na si Ramona. May kinakausap itong matandang babae at nagtatawanan ang dalawa. Nang makita siya nito na papalapit ay kumaway ito at iniwanan ang kausap.
Sinalubong siya nito nang mahigpit na yakap. “I missed you so much, Mathilda! You’re still fabulous!” Akala mo ay isa itong umedad na Disney Princess sa suot nitong platinum ball gown. May korona pa itong platinum din ang kulay.
“You too! Happy birthday, Ramona!” aniya matapos ang kanilang yakapan.
“Sinadya ko talaga na umuwi from New York to celebrate my 70th birthday here. I really want to see our friends! Iba pa rin ang mga kaibigan ko rito sa Pilipinas!”
“I know!” tugon niya. “I was so shocked nang sabihin mo na dito ka magce-celebrate ng birthday mo.”
“Well, I am not getting any younger. Hindi ko alam kung huling birthday ko na ba ito kaya gusto ko rin na makasama kahit isang gabi ang mga taong malapit sa puso ko.”
Bata pa lang ay magkaibigan na sila ni Ramona kahit pa ilang taon ang agwat ng edad nito sa kaniya. Hanggang sa paglaki ay iisa lang ang naging circle of friends nila.
Ipinakilala na rin niya sina Kenzo at Ramona sa isa’t isa.
Isang pilyang tingin ang itinapon ni Ramona sa kaniya. “Kaya pala until now ay mukha ka pa ring bata kasi bata rin ang boyfriend mo. Just kidding!” Malakas na tawa nito.
“Ramona, hindi lang ako binibigyan ng stress ni Kenzo kaya young looking pa rin ako. Iba iyon sa bata ang boyfriend pero stressful naman. Iyon ang nakakatanda ng hitsura! And I am so lucky na hindi stress ang ibinibigay sa akin ni Kenzo kundi happiness!”
“I’m just joking, Mathilda. I am so happy for you na finally you found the one. And I am hoping na ikaw na rin ang the one ni Kenzo...”
Gustong sikuhin ni Mathilda si Kenzo nang wala man lang itong sinabi o kahit reaksiyon sa sinabi ni Ramona. Nakatingin kasi rito si Ramona na parang naghihintay ng isasagot ng boyfriend niya.
Tumingin siya kay Kenzo. Mabilis niya itong pinanlakihan ng mata.
“Y-yes! Si Mathilda na ang the one ko!” Mabuti at marunong makaintindi si Kenzo ng ibig sabihin ng tingin niya rito.
“Hay! Nakakakilig! Ako kasi `yong husband ko ay bedridden na. Hindi na tumitigas ang... you know!” Mataginting na humalakhak si Ramona na may kasamang pagtakip ng kamay sa bibig. “Baka kung saan na mapunta ang usapan natin. Ayoko nang ituloy ang sasabihin ko!”
Maya maya ay nagsalita ulit si Kenzo. “Mathilda, punta lang ako sa restroom, ha.” Pagpapaalam nito.
“Sure. Balik ka agad. I’ll wait you here.”
“Oo. Mabilis lang ako.” Tinapunan nito ng tingin si Ramona bilang pagpapaalam.
Sinundan nila ng tingin ni Ramona ang papalayong si Kenzo at pagkatapos ay makahulugan silang nagkatinginan.
“I know that look!” Natatawang turan ni Mathilda.
“He’s so young, fresh and handsome! Ang sarap! For sure, buhay na buhay ang s*x life mo. I can imagine how you scream in bed with him.”
“That’s the problem. He don’t want to get s*x with me until we get married.”
“Married? So, may kasalan na mangyayari?”
Kumibit-balikat siya. “I don’t know. But I love Kenzo. I don’t know kung bakit ayaw niya na makipag-s*x sa akin. I mean, I’m not a teenager anymore.”
“Yeah... Ang lakas maka-virgin tuloy ng Kenzo mo. Baka naman pwedeng ipa-birthday gift mo siya sa akin kahit tonight lang. I can reserve a room just for the two of us.”
“Ramona, pag-aari ko si Kenzo. He’s mine. You know me. Ayoko nang may kahati sa lalaking mahal ko.”
“Ano ka ba? I’m just joking!” Tawa ni Ramona sabay biglang seryoso. “I don’t want to offend you pero karamihan sa mga ganiyang kabatang lalaki na pumapatol sa mga kaedaran natin ang pera ang habol. Gold diggers! I remember one of my boy toy. After kong ibili ng house and lot ay nakipag-break na. That brute!”
“Well, hindi ganoon si Kenzo. Maswerte talaga ako sa kaniya. Oo, binibigyan ko siya ng pera pero iyon ay kusang-loob. Alam ko kapag kailangan niya ng pera kaya hindi na niya kailangan na manghingi.” Aminado si Mathilda na hindi iyon ang buong katotohanan. Sadyang nahihiya lang siyang sabihin kay Ramona na madalas manghingi ng pera si Kenzo. Baka isipin nito na ginagamit niya ang pera upang may taong magmamahal sa kaniya.
“Maybe you’re too lucky nga talaga, Mathilda. Pero alam mo, parang familiar si Kenzo. I think I saw him somewhere...” Tumingin si Ramona sa malayo na parang nag-iisip.
“Siguro sa television or movies. Ang gwapo kasi talaga ni Kenzo. Marami siyang kamukhang artista at—”
“Yeah! I remember now kung saan ko siya nakita!”
“Where?”
“Kanina. Sa labas. May sinundo kasi akong bisita. I saw him with a woman. A beautiful woman...”
“That’s his cousin. Kasama niya iyon. Ewan ko ba kung bakit nagsama pa siya.”
Umiling-iling si Ramona. “Are you sure na magpinsan silang dalawa? Iba ang pakiramdam ko sa kanila, e. Akala ko nga ay magkasintahan sila. Iyong kilos nila, pag-aalalay ni Kenzo sa girl... Iba talaga. Hindi magpinsan ang tingin ko sa kanila. Oh, well! Baka masyado lang akong malisyosa. I don’t know!” Malakas na tumawa ito pagkatapos magsalita.
Sa sinabing iyon ni Ramona ay napaisip siya. Kahit siya ay naramdaman na may “something” kina Kenzo at kay Rhian pero iwinawaglit niya iyon dahil nga sa magpinsan ang mga ito. Iba rin ang tingin niya kay Rhian. Ang init ng dugo niya rito kahit wala itong ginagawang hindi maganda sa kaniya. Iyong tipong naiirita ka sa isang tao nang hindi mo alam ang dahilan.
“Oh, by the way, I have to left you muna. Pupuntahan ko lang ang iba kong visitors.”
“S-sure...” Para tuloy siyang biglang nawalan ng gana.
“It’s nice seeing you again, Mathilda!” Nakipag-beso muna ito bago tuluyang umalis.
Nang may dumaan na waiter na may dalang mga wine na nakagalay sa wine glass ay kumuha siya ng isa. Agad niyang inubos ang laman niyon habang malakas na kumakabog ang dibdib.
Sino nga ba ang Rhian na iyon sa buhay ni Kenzo? Dapat nga ba siyang maniwala sa sinabi ng mga ito na magpinsan ang dalawa?
Hindi na siya mapakali. Kanina pa talaga siya nagdududa pagkakita kay Rhian, e. Ginatungan pa ni Ramona. Ibig sabihin ay hindi lang siya ang nakapansin na hindi magpisan sina Rhian at Kenzo.
“Nasaan na si Ramona?” Napapitlag siya sa biglang pagsasalita ni Kenzo sa likuran.
Pumihit siya paharap. “She’s talking with her other visitors. Hindi lang naman ako ang bisita niya sa party na ito.” Seryoso at walang gana niyang sabi.
“Bakit parang galit ka? May problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” May pag-aalalang hinaplos nito ang kaliwa niyang pisngi.
Pinakatitigan niya sa mata si Kenzo. Pilit niyang inaalam mula roon kung totoo ba ang ipinapakita nitong pagmamahal at pag-aalala sa kaniya. Nararamdaman niya. Totoo ito sa kaniya. Ngunit bakit nang makita niya si Rhian na kasama nito ay bigla siyang nagkaroon ng pagdududa kahit pa sinabi nitong pinsan nito ang babaeng iyon.
“Kenzo, answer me honestly. Magpinsan ba talaga kayo ni Rhian?” Diretsong tanong ni Mathilda.
“Ha? Oo. Magkapatid ang nanay ko at tatay niya. Magpinsang buo kami. Bakit mo ba iyang itinatanong?” Hindi niya makita kung nagsisinungaling o nagsasabi ito ng katotohanan.
“Wala. Hindi kasi kayo magkamukha kaya natanong ko lang.”
Natawa ito nang bahagya. “E, ganoon naman talaga minsan. Hindi magkakamukha ang magpipinsan. Teka, nagugutom na ako. Pwede bang kumain muna tayo?”
“Sure. Sabay na tayo.”
Huwag ko lang talagang malalaman na niloloko mo ako, Kenzo. You haven’t seen the worst in me... Naniningkit ang mga matang sabi niya sa sarili habang nakatingin nang matiim kay Kenzo.
NAGULAT si Rhian nang isang may edad na lalaki ang lumapit sa kaniya upang makiusap na umupo sa bakanteng upuan sa harapan niya. Matangkad ang lalaki. Maganda ang tindig na akala mo ay isa itong dating militar. Mestiso. Clean-cut ang buhok na may ilang hibla na ng puti. Sa edad nito ay masasabi niya na gwapo pa rin ito. Kamukha nga nito iyong artista na si Albert Martinez ang kaibahan lamang ay mestiso nga ito.
Aaminin niya na malakas ang dating ng lalaki. Kahit nga siya ay humanga nang bahagya nang bigla itong makita.
“Miss? Are you still there?” Ikinaway ng lalaki ang isang kamay.
Kumurap-kurap si Rhian. Nakakahiya. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatitig sa mukha ng estrangherong lalaki.
“A-ano ng po ulit ang sinasabi ninyo?” Pasimple niyang pinunasan ng table napkin ang paligid ng bibig at baka may sauce na naman siya.
“Ang sabi ko, baka pwedeng makaupo rito?”
Mabilis na pinag-aralan ni Rhian ang hitsura at ayos ng lalaki. Iyong suot nitong tuxedo ay alam niyang Prada dahil sa butones niyon. Nakakalula rin ang suot nitong Rolex watch na may diamonds pa!
Hmm... Mayaman ang isang ito. Subukan ko kaya? Aniya sa sarili. Pero paano kung may sabit? Aba, hindi na siya makakapayag na mangyari na may asawang mang-aaway sa kaniya. Tama na iyong isang beses niya iyong naranasan.
Nasaan na ba kasi si Kenzo? Akala ba niya ay magpapatulong ito kay Mathilda para hanapan siya ng sugar daddy?
Bahala na nga! Siya na lang ang gagawa ng paraan upang malaman kung may sabit ang isang ito. Hindi naman niya malalaman kung hindi niya ito kakausapin.
Sunud-sunod siyang tumango. “Sige po! Upo po kayo. Wala naman po `yong kasama ko.” Pinakawalan ni Rhian ang pinaka matamis niyang ngiti na ilang matatandang lalaki na ang nahumaling. Hinawi pa niya ang kaniyang buhok at tila nahihiyang tiningnan ang lalaki.
“Thank you!” anito sabay umupo. “So, may kasama ka pala? Boyfriend?”
“Hindi po. Pinsan ko. Actually, sabit lang niya ako. Hindi talaga ako invited dito. Hindi ko nga kilala `yong nagbe-bertday, e!”
“Parehas pala tayo. Nawala rin iyong kaibigan ko at ayokong maupo nang mag-isa.” Mahinang tumawa ang lalaki. “Hindi ko rin kilala iyong birthday celebrant. Isinama ako rito ng kaibigan ko at baka may makilala ako na pwedeng maging girlfriend.”
“Girlfriend? Naku, baka po magalit ang misis ninyo.”
“Wala na akong asawa.”
“Hala! Sorry po. Condolence...”
Tumawa ulit ang lalaki na para bang aliw na aliw sa kaniya. “She’s not dead. We’re seperated. I mean, annulled na kami. Maybe, ten years na rin. I am single for ten years.”
Baka nagsisinungaling ito, a... Baka kagaya lang ito ni Gener. Kailangan kong makasiguro na wala nga siyang asawa! Gagalingan ko pa sa paghalukay ng katotohanan! Aniya sa sarili.
“Ganoon po ba? E, sabi ninyo isinama kayo rito ng kaibigan ninyo para maghanap ng girlfriend. Baka sinasabi ninyo iyan para nga makahanap kayo.”
“Correction. Hindi ako naghahanap. Iyong kaibigan ko ang gustong maghanap para sa akin. That two is different. At wala akong reason para hindi magsabi sa iyo ng totoo. Saka bakit gusto mong malaman kung totoong hiwalay na kami ng ex-wife ko?”
“Wala naman po. Baka kasi may biglang magselos at sumabunot sa akin dito, e! Joke lang po!” At nag-peace sign siya sa lalaki.
“Wala na talaga kami. Kahit ilatag ko sa iyo ang annulment papers namin.”
“Hindi na po, sir. Naniniwala na ako. Saka mukha naman kayong honest na tao!” Muli niya itong nginitian.
Hmm... Mukhang ito na ang magiging sunod na biktima ko! Pero parang hindi niya ako bet. Parang nakiupo lang talaga siya... ani Rhian sa sarili.