CHAPTER 4

3371 Words
Gising na'ko, pero hindi parin ako bumabangon. Maaga pa naman kaya ayos lang. Nakatulala lang ako sa kisame nang kwarto ko habang nag hihintay nang oras. Pagkalipas ng isang oras ay bumangon na'ko. Inayos ko ang higaan ko bago ako lumabas. Tulog pa siguro si lola dahil 5:00 a.m palang ng umaga. 7:00 a.m pa naman ang punta namin sa mga mondejar kaya hinayaan ko munang matulog si lola. Naligo ako. Saktong pag labas ko nang banyo ay gising na si lola. "Magandang umaga, lola." Bati ko. "Magandang umaga rin, apo." Ngiti ni lola saakin kaya napangiti rin ako. Napatingin kaming parehas ni lola ng may malakas na katok sa pinto at ang boses ni brineth. Alas sais palang ng umaga ay napaka ingay na niya. Dumirestso ako sa pinto upang pag buksan siya, bago yon kinuha ko ang tuwalya sa aking ulo. Binuksan ko ang pinto at binato ang hawak kong tuwalya kay brineth. Pero laking gulat ko nang umiwas siya at tumama iyon sa mukha ng taong nasa likod niya. Napaangat ako nang tingin, nanlaki ang mga mata ko dahil si sir fabian ang taong yon. "Jusko, liah!," Si lola. Nakita yata ang nangyari. Dali dali kong kinuha ang tuwalya na nasa kamay na niya ngayon. "Pasensya na!" Kinakabahan kong sabi. Ang lakas ng t***k nang puso ko! Ano bayan liah umagang umaga pinapahiya mo ang sarili mo! Nakatingin lamang ako sakanya, hinihintay kung anong sasabihin niya. Habang nakatingin ako sakanya ay hindi ko maiwasang pag masdan siya. His hair is messy that make him look so good. Some strand of his hair is covering his forehead. Kahit anong ayos yata niya ay babagay sakanya. Napatingin ako kay brineth ng marinig ko ang mahinang pag tawa niya. Nang nakita niyang nakatingin ako ay tumikhim siya at kunwaring seryoso. Tumingin ulit ako kay fabian na nakatingin din pala saakin ng seryoso. Galit ba siya? Bakit kasi umiwas si brineth! edi sana siya ang natamaan! At bakit siya nandito? "Pasensiya kana iho," Nawala ang mga iniisip ko nang narinig ko si lola na nasa tabi kona. Tumango lamang si fabian at ngumiti ng tapid. Lumapit siya kay lola at nag mano. Dahil nasa tabi ko lang si lola ay naamoy ko ang pabango ni sir fabian. Hindi ko maikakaila na mabango siya.. hindi ko alam kung pabango iyon o sabon o siya mismo iyon. Pero lalaking lalaki ang amoy at nag tatagal iyon sa ilong kapag naamoy mo. Hindi nakakasawang amuyin dahil mabango. Pinapasok siya ni lola sa loob pero parang naaamoy ko parin siya. Sinundan ko sila ng tingin pinaupo siya ni lola sa sofa. Bakit kapag ako ang nakaupo doon ay parang ang aliwalas pa. Pero nang siya ang umupo... parang lumiit ang sofa namin. Bumaling ako kay brineth nang marinig ko ang pag tikhim niya sa tabi ko. "Baka matunaw yan," Sabi niya sabay nguso kay fabian. Inirapan ko lamang siya at pumasok narin sa loob. "Lola eva! si liah galit saakin!" Sigaw ni brineth. Napa pikit nalang ako sa inis. Wala talagang hiya ang babaeng to. Dahil sa sigaw niya ay tumingin saakin si lola at fabian. Kahit kailan talaga parang bata si brineth. Kunot noong binalingan ko si brineth. Gusto ko siyang kurutin at nang mag tigil siya pero nakatingin sakin si lola at fabian. "Oh! tignan mo lola! tignan mo! ang sama nang tingin niya," Tinuro turo niya pa ako. "Ano ba kayong dalawa!" Pag babawal saamin ni lola. "Liah, mag suklay kanga at ang gulo ng buhok mo," Sabi ni lola. Doon kolang naalala na kakatapos kolang palang maligo at hindi pa ako nakakapag suklay. Hindi nakalagpas sakin ang pag taas nang gilid ng labi ni fabian. Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. Siguradong para naakong kulay kamatis sa hiya. Mabilis ko silang tinalikuran at pumasok sa kwarto. Ang tanga liah! ilang beses mong ipapahiya ang sarili mo ngayong araw. Bumukas ang pinto ng kwarto ko hindi kona kailangang tignan kung sino ang pumasok. "Bakit ang aga mo?" Tanong ko kay brineth na kakaupo lang sa kama ko. "Excited ako e. Ang alam ko ay may gardener din sila, kaya saglit lang siguro ako. Titignan kolang kung may kailangang ilipat na halaman. Madali lang naman ang trabaho ko. Kaya maaga ako dahil uuwi ako agad dahil may lagnat ang kapatid ko" Sabi niya. "Akala koba... hindi mo kapatid," Nakangising sabi ko habang nag susuklay. "Huh? may sinabi ba akong kapatid? Wala ah!" Mabilis niyang pag tanggi. Inirapan ko lamang siya. Alam ko naman na kahit lagi silang nag-aaway ni sarah ay mahal nila ang isa't isa. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni fabian. Pinapasundo daw kami ni Don Rafael sa driver pero may kailangang bilhin ang mga katulong sa bayan kaya si fabian ang sumundo saamin. Pwede naman kaming mag tricycle pero ayaw ni Don Rafael para daw hindi na kami gumastos. "Kailan ka mag e-enroll?" Maingay na tanong ni brineth. "Bukas," Mahinang sabi ko. "You're studying?" Tanong ni fabian na nakatingin sa rear mirror dahil nasa likod kami ni brineth. "Oo.." Hindi ko alam kung narinig niya ang sagot ko. "How can you do that when you're working?" Seryosong aniya. Hindi ko alam. Gusto kong isagot sakanya iyon pero nandito si lola. Alam kong mahihirapan ako sa schedule ko pag nagkataon. Dahil hanggang gabi ako mag tatrabaho sa mga mondejar. Kaya paano ako makakapag-aral? Nag-iwas lamang ako nang tingin. Mabuti nalamang ay nandito nakami dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Pagkapasok sa mansion ay hindi ko parin maitago ang pagkamangha. Kahit na ilang beses yata ako makapasok dito ay paulit-ulit lang akong mamamangha. Pumasok na'ko sa kusina para mag handa. Samantalang nasa labas si brineth at inaasikaso ang mga halaman. Kasama ko si lola at ang isang taga luto din. Halos makikita sa kusina ay black, gray and white. Lahat nang appliances para sa kusina ay makikita. Maaliwalas at maganda. "Ang ganda no?" Napatingin ako sa nagsalita. Iyong babaeng kasama namin ni lola. Ngayon kolang napansin na wala na pala si lola sa kusina. "Martha. Aling martha nalang ang itawag mo saakin." Pagpapakilala niya at ngumiti saakin. "Liah po," Sabi ko. "Nag paalam sayong lumabas ang lola mo. Mukhang hindi mo narinig kanina." Sabi niya. Nahihiya naman akong tumango. Masyado yata akong naging busy sa pag mamasid at hindi ko narinig ang lola ko. "Ako at ang lola mo ang taga luto rito. Akala konga ay aalis na siya, mabuti nalang at marunong kang mag luto! malulungkot ako kapag umalis dito si manang," Sabi niya. Napangiti ako. Noon paman ay marami nang may gusto kay lola eva dahil kilalang mabait at mabuting tao ang lola ko. Kaya naman ang sarap lang sa pakiramdam na marami ang nag mamahal sakanya. "Hindi naman po ako masyadong magaling gaya ni lola," Nahihiyang sabi ko. "Asus! Tignan natin." Sabi niya. "Osiya puntahan mo muna ang kaibigan mo at ako na ang magluluto dito sandali lang naman lutuin ang mga itlog, bacon at hotdog," Sabi niya. "Tutulungan kona po kayo," Sabi ko at mabilis na kumilos. Mabilis lang namin inihanda ang mga iyon. Umagahan palang kasi kaya sandali lang lutuin. Pagkatapos nilang kumain nang umagahan ay niligpit na nang mga katulong ang pinag kainan nila. Tanging si arthur lang ang wala kanina sa hapag mukhang may trabaho pa. Pupuntahan kona sana si brineth nang natigil ako sa may pinto. Nakita ko kasing kausap niya si isaiah at mukhang inis si brineth pero hindi makapag salita. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nakatitig lamang ako sakanila nang biglang may tumikhim sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Gusto kong sigawan kung sino man iyon pero hindi ko magawa dahil kilala kona kung sino siya. "Why are you staring at my brother?" Ramdam ko ang lamig sa boses niya nang nag salita siya. Seryoso akong humarap sakanya. Hindi ko naman tinititigan ang kapatid niya. Mukha kasing paiyak na ang kaibigan ko kaya ko sila tinititigan dalawa at hindi si isaiah lang. "Sorry sir, but i'm not staring at your brother. Si brineth po ang tinitignan ko." Seryosong sabi ko sakanya. Oo nakatingin din ako sa kapatid niya pero mas tinitignan ko ang kaibigan ko dahil parang paiyak na siya. Hindi siya nag salita. Nagkatitigan lang kami nang ilang segundo nang tinalikuran niya ako at dumiretso sa taas. "Suplado.." Mahinang bulong ko. Tumingin ulit ako kung nasaan ang kaibigan ko, naroon parin siya at tulalang sinusundan nang tingin si isaiah na mukhang badtrip. Ngayon kolang siya nakitang ganon. Lagi ko kasi siyang nakikitang nakangiti kaya nakakapanibago na ganon ang itsura niya. Lumapit ako kay brineth. Nang makita niyang paparating ako ay tumalikod siya saakin. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. "Ayos kalang?" Marahan kong tanong Humarap siya saakin. Makikita mo agad na galing siya sa pag iyak dahil medyo namumungay ang mga mata niya at medyo pula ang ilong niya. Kilalang kilala kona siya kaya sigurado akong galing siya sa pag iyak. "What happened?" Marahan parin ang pagkakatanong ko sakanya. "Wala!" Masigla niyang sinabi at ngumiti nang malaki saakin na para bang hindi siya umiyak. Pinag taasan ko siya nang kilay dahil alam kong may nangyari. Pero ayaw niyang sabihin. Umiling lamang siya nang makita ang itsura ko. "Promise wala iyon! napagalitan ako dahil mali ang ginawa ko sa mga halaman," Sabi niya sabay iwas nang tingin saakin. Pinasadahan ko nang tingin ang ginawa niya sa mga halaman. Mukhang wala namang mali dahil napakaganda nang pag kaka ayos nang mga iyon. Tinanguan ko lamang siya dahil mukhang ayaw na niyang pag usapan pa iyon. Binuka ko nang malapad ang aking dalawang kamay at ngumiti ako sakanya. Mabilis niya naman akong niyakap at binaon ang mukha niya sa balikat ko. Maya't maya lang ay narinig ka ang mga hikbi niya. Mukhang masama ang loob niya dahil napagalitan siya. Niyakap ko lamang siya hanggang sa tumahan na siya. Nang kumalma si brineth ay humiwalay siya saakin. Pinagmasdan ko siyang ayusin ang sarili niya. Pinunasan niya ang mg bakas nang luha sa pisngi niya. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay tumingin siya saakin at ngumiti. "Gusto mona bang umuwi?" May pag aalinlangan kong tanong. "Mabuti panga siguro... tapos narin naman ako at kailangan ko pang alagaan si sarah dahil may sakit iyon," Sabi niya. Tinanguan ko lamang siya at sinamahan sa loob upang makapag paalam na siya kay Don Rafael. Nasa sala nakami nang makasalubong namin si isaiah na seryosong nakatingin kay brineth. "Where are you going?" Tanong niya habang nakatingin parin kay brineth. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sakanila. "Mag papaalam po sana siyang umuwi kay don rafael dahil tapos narin ang trabaho niya." Ako na ang nag salita para kay brineth dahil hindi niya sinagot si isaiah. "Let's go then, ihahatid kit- "Kaya ko ang sarili ko," Putol ni brineth sa sasabihin ni isaiah. Pagkatapos sabihin yon ni brineth kay isaiah ay tinalikuran niya kaming dalawa. Mabilis naman siyang sinundan ni isaiah, habang ako ay tulala silang sinundan nang tingin. Anong nangyayari sa dalawang yon? Nang matauhan ako ay mabilis akong naglakad para sundan silang dalawa pero bago ako makalabas nang pinto... "Hayaan mo sila," Sabi ni fabian na nasa hagdan. "Pero baka mag-away sila..." Mahinang sabi ko. "Let them, then," Sabi niya Inis akong nag-iwas nang tingin dahil ayaw kong makita niyang naiinis ako sakanya. Baka matanggalan pa ako nang trabaho pag nagkataon. Nag tiim bagang ako. Palibhasa kasi hindi niya nakita kung paano umiyak ang kaibigan ko kanina. Napatingin ako sakanya nang humakbang siya pababa nang hagdan. Naiinis man ako sakanya pero hindi ko maiwasang humanga sakanya. Nakasuot siya nang simpleng black t-shirt at kulay puting maong short. Ganon lang ang suot niya pero ang lakas nang dating niya. Nakakainis mang aminin pero ang gwapo niya. Kulang pa yata ang salitang gwapo para sakanya. "Gwapo sana pangit naman nang ugali," "What did you say?" Nagulat ako dahil nasa harapan kona pala siya. Hindi ako agad nakasagot. Nasabi koba yon nang malakas? "Huh?.." Gulat kong sabi. "Huh?.." Pang gagaya niya saakin. "Ah.. t-teka lang ho..k-kailangan ko nang mag luto ng t-tanghalian," Kinakabahan kong sabi. Mabilis ko siyang tinalikuran upang hindi na niya ako tanongin. Hindi ko alam na nasabi ko iyon nang malakas! Nakakahiya! Bago paman ako makalayo, hinila niya ang palapulsuhan ko. "Masyado pang maaga para mag luto nang tanghalian," Sabi niya. "Huh? Oras na," Sabi ko kahit hindi pa. "Bakit ka nagmamadali? Ano nga ulit yung sinabi mo kanina?" Ramdam ko ang pang-aasar sa boses niya. "I'm not saying anything," Kalmadong sabi ko pero sa loob loob ko ay kinakabahan parin ako. "Really?" Nanunuyang sabi niya. Naiinis na'ko dahil ayaw niya parin akong pakawalan, hawak hawak niya pa ang kamay ko at mas lalong naiinis ako dahil mukhang inaasar niya ako! Nakita kong tumaas ang gilid nang labi niya. "Anong nakakatawa?" Iritadong sabi ko. Hindi kona napigilang itanong dahil naiinis talaga ako. "Are you pissed? Hindi ba dapat ako ang naiinis dito? Sinabihan mo'ko nang pangit ang ugali," Sabi niya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya saakin. Sigurado akong makikita ngayon sa mukha ko kung gaano ako kainis. "Edi mainis ka! totoo naman ang sinabi ko!" Hindi kona inisip kung magagalit siya sa paraan nang pag sagot ko sakanya. Basta gusto kolang ilabas ang inis ko. Bahala na kung tanggalin niya ako makakakita naman siguro ako nang ibang trabaho. Nakakainis! "And you said, You're not saying anything, huh?" He chuckled. Nag iwas ako nang tingin. Mas lalo akong nainis sa tawa niya. Pati tawa niya ay nang aasar! "Paano mo nasabing pangit ang ugali ko? You still don't know me.." Hindi ako makasagot. Dahil tama siya. Hindi kopa siya kilala. Masyado ba akong naging judgemetal? Pero hindi niya ako masisisi kung bakit ganon ang tingin ko sakanya. Bakit kasi puro pangit niyang ugali ang pinapakita niya. Nang hindi ako sumagot ay nag salita siya. "You hate me, huh. We'll change that," Naguguluhan akong tumingin sakanya. Anong ibig niyang sabihin don? Tinalikuran niya akong may ngisi sa mga labi niya. Teka nga.. bakit parang kanina pa ako iniiwan? Nakakainis na ha. Inis akong pumunta sa kusina. "Oh, bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni aling martha. Huminga ako nang malalim. Pinakalma ang sarili pag tapos ay inilingan ko lamang siya. "Siya nga pala, Si anna isa sa mga katulong," Tinuro niya ang morenang babae. "Liah," Sabi ko at ngumiti nang matamis sakanya. Tipid niya lang akong nginitian at nag patuloy na siya sa ginagawa. Mukhang hindi siya mahilig kumausap nang tao. Pinabayaan ko nalamang iyon at nagtanong nalang kung anong lulutuin ko. Dalawang klase lang daw nang ulam ang lulutuin namin, Adobo at menudo. "Liah, ayos lang ba kung ikaw ang magluluto sa menudo?" Tanong saakin ni aling martha. Tumango ako at inumpisahan lutuin ang menudo. Tahimik lang ang kusina tanging ang pag hihiwa ang naririnig ko. Parang tutok na tutok si aling martha sa adobong niluluto niya. Si anna naman ay pinupunasan ang mga pinggan at mga baso. Nakita kong pasimple niya akong tinignan. Nakita kong patapos na si anna sa ginagawa. Ako naman ay hinihintay nalang matapos ang niluluto. Si aling martha ay mukhang patapos narin. Bumilis ang t***k nang puso ko nang marinig ko si anna. "S-sir fabian," Utal na tawag ni anna. Napatingin si aling martha doon. Samantalang ako ay patuloy lang sa ginagawa na para bang hindi ko narinig si anna. Kahit na kinakabahan ay hindi ako nagpahalatang apektado sa presensya niya. Ayaw kong humarap. "Anong niluluto mo?" Rinig ko ang boses sa likod ko. Kaya sigurado akong sakin niya tinatanong iyon. Hindi parin ako sumagot. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nag dadasal na sana ay maluto agad ang menudo. "Mukhang tutok si liah sa niluluto niya sir, kaya hindi kayo masagot," Natatawang sabi ni aling martha. Napapikit ako dahil sa hiya. Narinig pala iyon ni aling martha kaya siguradong rinig din iyon ni anna. "U-huh," Rinig kong tugon ni fabian. "Mukhang narinig naman po ni liah, Malapit lang kayo sakanya kaya siguradong dinig niya kayo." Sabi naman ni anna. "You think so?" Ani fabian. Nakita kong tumango si anna sakanya. "Menudo po ang niluto ko." Sagot ko na hindi humaharap sakanya. "Aling martha, luto napo ang menudo." Sabi ko. Sabay baling kay aling martha na may ngiti sa mga labi. "Ah, ganon ba. Sige ako na ang mag-aayos niyan," Sabi niya. Gusto kong tumulong pero ayaw konang mag tagal dito, dahil baka makabasag ako dahil sa panginginig nang mga kamay ko sa kaba. Nag pasalamat ako at nag paalam na lalabas na muna ako. Hindi ko kayang mag tagal doon dahil ramdam na ramdam ko ang presensya ni fabian. Ramdam na ramdam ko ang bilis nang t***k ng puso ko nang makarating ako sa may garden. Mabuti nalang ay hindi siya sumunod dahil tinawag siya agad ni aling martha para tikman ang mga niluto namin. Sa dami konang nakaharap na lalaki, kahit isa ay hindi ako nakaramdam nang ganito. Bakit kapag siya na ang nandiyan kinakabahan ako. Siguro dahil isa siya sa mga boss ko? Siguro nga baka natatakot lang akong tanggalin niya ako kaya ganon nalang ang kaba ko kapag nandiyan siya. Oo tama ganon lang yon. Hindi ko alam kung ilang oras akong nasa garden. Kung hindi pa ako tinawag ni anna na sabay sabay daw kaming kakain ay hindi ko mamalayan na matagal nakong nag-iisip dito. "Ah, pakisabi nalang na busog pa ako.." Sabi ko. Tango lang sagot niya bago siya pumasok sa mansion. Ang totoo niyan hindi pa ako kumakain mag simula kaninang umaga. Kape at tinapay lang agahan ko kanina. Gutom na'ko pero ayaw kong kumain dahil sigurado akong nandon si fabian. Mamaya nalang ako kakain kapag tapos na sila. "Bakit hindi kapa sumabay kumain sa loob," Napatingin ako sa nag salita. Hindi ko alam ang pangalan niya pero isa siya sa mga katulong dito. "Tracy," Sabi niya. "Ashliah pero liah nalang po," Sabi ko. Mukhang mas matanda siya saakin nang ilang taon. "At busog pa po ako... kaya hindi ako sumabay." Dagdag ko. "Ano kaba! Masyado kang magalang. Mukha naba akong matanda?" Sabi niya sabay tawa. "27 palang ako, ikaw ba?" "22 palang po ako," Sabi ko. "Limang taon lang pala ang tanda ko sayo, huwag kanang mag 'po' saakin. Nag mumukha akong matanda!" Sabi niya. "Anong itatawag ko sayo kung ganon?" Nahihiyang sabi ko. "Tracy nalang," Sabi niya. Bago pa ako makasagot, sabay kaming napatingin sa tiyan ko nang tumunog iyon. Mabilis na kumalat ang init sa mukha ko dahil sa hiya. "Ang sabi mo ay busog ka?" Rinig ko ang panunuya sa boses niya. Nag-iwas ako nang tingin kay tracy dahil hindi ko alam ang sasabihin ko! Nakakahiya! Ilang beses kona pinahiya ang sarili ko ngayong araw! "Nakita kong nilapitan ka kanina ni anna diton.. may sinabi ba siya? Kaya ayaw mong kumain sa loob?" Tanong niyang nakataas ang kilay. Mabilis akong umiling dahil wala naman sinasabi si anna. Ayaw kolang talagang kumain dahil kay fabian. "Kung ganon... bakit ayaw mong kumain?" Tanong niyang muli. "Hindi lang ako komportable.." Nasabi konalang sabah iwas nang tingin. "Hmm.." "Totoo!" Sabi kopa. "Okay! Simula ngayon magkaibigan na tayo!" Nakangiting aniya. "Bawal tumanggi!" Mabilis niyang sabi. Hindi naman ako tatanggi. Mukha naman siyang mabait kaya ayos lang. Parang mas magkakasundo sila ni brineth mukhang parehas sila nang ugali. "Wala akong kaibigan dito! lagi ko kasing kausap si aling martha at manang. Ayaw ko naman makipag kaibigan kina anna at lizel," Sabi niya pa. "Bakit ayaw mo?" Tanong ko. "Ayaw ko parehas na plastic," Bulong niya saakin. Sa ilang minutong kausap ko si tracy ay nagiging komportable ako sakanya. Nakakatawa lang na kwento siya nang kwento tungkol kina anna at lizel. Kapag daw mag kaharap ang dalawang iyon ay parang close na close silang dalawa pero pag talikod nila sa isa't isa ay nag kakasiraan. Parehas daw kasi silang may gusto kay sir fabian. Kaya imbisna makipag kaibigan daw siya sakanila ay mas pinili niya nalamang makipag kaibigan kay aling martha. Hindi nga ako nag kamali parehas sila nang ugali ni brineth. Papasok na'ko nang kusina nang saktong palabas nang kusina si fabian. Mabilis akong tumalikod upang makaalis doon, pero natigil ako sa pag hakbang nang mag salita siya. "You're avoiding me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD