Dahil hindi naman ako pumayag sa gusto ni Khalil na pagbigyan ko siya hanggang graduation. Talagang ginawa ko ang lahat para hindi na kami muling magkita sa loob ng isang linggong 'yon na alam kong kukulitin niya 'ko kaya minabuti ko na sa condo na lang ni Ate Elli tumuloy hanggang sa dumating ang graduation day. Sitting in her living room while watching a show that keeps my mind off the things and people that I'm trying to runaway from rather than entertained. Tumunog ang door bell ng unit ni Ate Elli. Sandali kaming nagkatinginan na dalawa. Patayo na ito nang lambitinan ko ang kamay niya at sunod-sunod siyang inilinggan. "Baka si Khalil 'yan," punong-puno nang pag-aalala kong sabi habang pabalik-balik ang mga mata sa kaniya at roon sa pinto na patuloy na pinanggagalingan ng ing

