Suot ang hindi matatawarang tamis ng ngiti sa mga labi. Isinulat ko ang mga salitang meet twice and ask for their autograph sa 'king kulay pink na stationery. Ilang segundo ko rin 'yong tinitigan. Hindi mawari kung kinikilig ba ako sa ideya na magkasama naming papipirmahan yung album o masiyado lang akong masaya kaya hindi ko magawang alisin ang kurba sa aking labi. Patayo na rin ako sa study table nang tumunog ang pinto ng kuwarto at bumukas. Papa on his casual clothes barge in. Ang mga kamay nito ay nasa bulsa ng shorts na suot niya. "Nasa baba na si Khalil," aniya. I took my quilted bag from the table. Alam kong iche-check ni Papa ang suot ko. Mabuti na lang talaga pinili kong mag-highwaist jeans, simpleng t-shirt at windbreaker na jacket kaya wala nang naging problema. "Ma

