Cole's POV "Mahal ko nga siya..." sabi ko pa. Seryosong nakatitig lang sa mukha ko ang dalawang lalaki. Sobrang seryoso, gusto kong sabihing 'Waah! Uto-uto!' pero di ko ginawa. Kasi... seryoso din ako. "Pero hanggang doon na lang yun," humugot ako ng hininga bago nilagok ang tubig sa baso na inabot ni Fuji. Pagkainom ko, ipinatong ko ang baso sa lamesa at tipid na ngumiti sa dalawang lalaking nakamasid lang sa 'kin. "But..." umpisa ni Raul Frey. Hindi ko mailarawan ang expression niya. Somehow, he looked very dismay over something. "But... you can do anything. I mean..." Umiling ako. "Nagkakamali ka, Mr. Raul Frey. Hindi ko hawak ang sitwasyon sa pagitan namin ni Bennet. Alam kong aware kayo sa kasunduan namin." "Alam ko," tumatangong sabi ni Fuji. Of course, alam niya. Siya ang nagpa

